Chapter 50

114 6 0
                                    

Abby' s POV

May nakuhang impormasyon ang mga investigators namin. Natagpuan na nila si George Alcantara. Agad kaming tumungo sa lokasyon niya.

Maliit lang ang bahay niya. At mukhang siya lang ang tao dun. Kumatok kami sa pintuan ng bahay niya.

Nang nakita niya kaming mag-asawa, gulat na gulat siya.

"Sino kayo? Bakit parang familiar kayo sa akin?"

Familiar? Eh ngayon lang kami nagkita-kita. Pero feel ko rin, nakita ko na siya.

Ugh!

"Meron ba kayong kilalang Miranda Alcantara?"

Halos lumaki and mata niya. Bakit? Nagtatago ba siya dito? May kasalanan ba siya?

"Oo. Asawa ko siya. Pero hindi ko na siya kasama. Pero teka, kayo ba ay naaksidente na noon sa Antipolo?" Tanong niya.

Huh? Naaksidente?

"Yes. Car crash. Why?" Sagot ng asawa ko.

Halos lumaki ang mga mata niya. Bakit ba? Masyado siyang misteryoso. At gusto Kong malaman kung ano man iyon.

Dahil pakiramdam ko, sakop kami sa kwento niya.

"U-umalis n-n-na ka-yo" sabi niya. Isasara na niya sana ang pintuan, pero pinigilan siya ng investigator namin.

Tumatakas ka? Saan? Harapin ang kasalukuyan? Or tumatakas ka sa mapapait na nakaraan na hanggan ngayon ay hinahabol-habol ka pa rin.

Bakit mo iniwan ang asawa mo, at bakit hindi niyo sinabi Kay Vivoree na ampon lang siya?

"Wala na ang iyong asawa."

Sabi ng investigator sa kanya. Pero hindi siya nagulat. Huh? Asawa mo pa rin yun.

"Alam ko" sabi niya. So? Yun lang? Walang emosyon?

"Wala kang pake? Eh Kay Vivoree? May pake ka ba sa kanya?" Tanong ko.

Anong klaseng asawa at ama siya?

"May pake ako! Anak ko yun! Pero wag niyo ako husgaan dahil sa desisyon ko! Ginawa ko yun bilang isang asawa at isang ama! Kaya umalis na kayo!"

Naiintindihan ka namin pero bakit mo sila iniwan ng hindi nagpaalam?

"Alam naming stage three na ang cancer mo sa baga. See? Stage three cancer of the lungs. At ilang buwan na lang ang natitira sa buhay mo. Ayaw mo bang dalawin ang asawa mo sa puntod niya? Ayaw mo bang makita at makasama ang anak mo? Ayaw mo rin bang sabihin Kay Vivoree ang totoo? Bago mahuli ang lahat?" Hinawakan ko na lang ang kamay ng asawa ko. Totoo naman ang sinabi ko? Bakit? Ayaw niya?

"Hinahanap ka ng anak mo. Sumama ka na sa amin. Naghihintay siya sayo." Sabi ng asawa ko.

.....

Umupo kaming Lima sa sofa. Nakakapagod.

Dalawa ang investigator namin na kinuha. Mabuti na lang at ang gagaling nila.

Naghain ng maryenda ang mga katulong namin.

"Paano mo nalaman na kami Yung naaksidente noon?" Tanong ni Andrew.

Oo nga. Paano?

"Wala." Sabi niya. Huh? Wala?

"Gusto ko ng makita si Vivoree" sabi niya.

Tinexan ko si Vivoree at sinabi ang good news. Pati rin ang kapatid ni George na si Rita. Ang tita ni Vivoree, tinexan ko rin siya.

Dumating agad si Rita kasama si Rachelle. Gulat na gulat nga sila.

"Aray" sabi ni George bigla. Habang hawak-hawak ang dibdib niya.

Naku po!

"Masakit .." Sabi niya ulit.

Tinakbo namin siya agad sa hospital. Kailangang gumaling siya. Hindi pa pwede ngayon. Kailangan ka pa ni Vivoree.

Pero sabi ng tatay niya, wag na daw muna papuntahin sii Vivoree. Ayaw niya raw makita siya ng anak niya na ganito.

"He's fine now. Wag niyo na lang siguro siyang i-stress." Umalis na ang doctor.

Pwede na siyang umalis. Pero bukas na lang dahil kailangan niya pang magpahinga. We want the best for him, for Vivoree.

I decided to go home. Si Andrew na daw ang bahala Kay George. Sila Rita at Rachelle naman ay nagpahinga na rin. Umalis na rin ang mga investigators.

Pagkauwi ko, wala si Vivoree. Sabi ni Gielyn, umalis daw.

Nag-antay kami ng matagal ni Gielyn sa sala. Halos parang lalabas na ang mga mata namin ni Gielyn dito kakaantay.

Why is waiting so hard?

Halos mapatalon kami ni Gielyn sa gulat. Grabe naman yung nagdoorbell. Si Vivoree na kaya yun?

Pagbukas namin ng pintuan, si Vivoree nga! Pero lasing siya?

Pinagalitan ko si Edward at Jake. Hindi dapat nila hinayaan si Vivoree maglasing!

Inalalayan namin siya sa kwarto niya. Sobrang bigat naman ang pinagdadaanan nitong bata na ito,hindi naman siya umiinom ng alak eh!

Ako na ang nagpalit ng damit niya. Si Gielyn ay inutusan Kong matulog na.

Habang pinupunasan ko ang leeg niya, kasi medyo iba ang amoy siguro nagsuka ito, may nararamdaman ako. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi.

Musta ka na Andrea? Sana andito ka, para makilala mo itong si Vivoree. Siguro, kung andito ka, magkakasundo kayo.

"Marco...."

Hinawakan ko ang kamay ni Vivoree. Bakit niya tinatawag si Marco? Alam kong gusto nila talaga ang isa't-isa, pero natatakot ako sa pagmamahalan nila. Dahil alam ko sa una pa lang, hindi magugustuhan ng magulang ni Marco si Vivoree. Masyadong mataas ang standard nila sa isang babae. At ang una nilang tinitignan ay kung MAYAMAN ba ito.

Hanggang ngayon , kahit ilang taon na ang nakalipas, kapag naalala ko ang kagagawan  ng Lolo ni Marco sa business namin. Kinuha niya ang pera ng company namin at pinangsugal niya sa casino. Napatay niya pa ang isa sa guard namin sa office kaya nakulong siya sa kulungan habang buhay. Halos naghirap kami noon. Si Laura, ang nanay ni Marco ,lumaki sa probinsya at kahit papaano ay hindi siya nagtanim ng galit sa amin. Naging magkaibigan kami dahil pumasok siya sa company namin. Hindi ko siya pinagkakatiwalaan noon, pero dahil nakita ko sa kanya ang tunay na kaibigan, pinagkatiwalaan ko talaga siya.

Hangga't sa nagtayo na rin siya ng business. Hindi naman katulad ni Laura ang tatay niya.

"Marco... Bakit? Mahal mo ba talaga ako?" Natutulog si Vivoree pero nagsasalita siya?

Ako bang nangyari?

Gusto kong magtanong Kay Marco, tawagan ko kaya, kaso baka tulog na siya. Nakakahiya naman kung gigising ko pa.

Eh si Jake at Edward? Eh Baka pagod yun.

Napaisip ko tuloy, paano nalaman ng tatay ni Vivoree ang tungkol sa aksidente? Andun ba siya? Saksi ba siya? Anong ginagawa niya dun? May kinalaman ba siya? Bakit niya iniwan ang kaniyang mag-ina? Bakit parang may tinataguan siya?

He is so mysterious.

WHY?

Niyakap ko na lang si Vivoree habang natutulog. Siguro, yakap ng isang ina ang kailangan mo sa ngayon. Kahit hindi mo ako tunay na ina, pwede ko naman iparamdam sayo ang pagmamahal ng isang ina. Dahil ako? Gusto ko rin maramdaman ang pagmamahal ng isang anak.

Andrea Crizziella Thrillward. Naniniwala akong anjan ka lang. Mahal na mahal kita anak.

....

Jia is in the ☝☝☝

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon