Chapter 63

72 0 0
                                    

Vivoree's POV

Ilang araw na ang nakakalipas buhat nung pag-uusap namin ni papa, ngayon ay nasa school ako at sobrang daming hinahabol na lessons.

Nasa library ako ngayon at nagbabasa ng review ng dumating si Claire at Erica sa akin.

"Beshiee, nakita mo ba si Rio?" Tanong ni Claire sa akin.

"Hindi" Sabi ko at nagfocus sa binabasa ko.

"Sasama ka ba kanila Marco?" Tanong ni Erica sa akin.

Natigilan ako sa pagbabasa at tinignan sila.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa susunod na araw. Sa 17th Anniversary nila" sagot ni Erica.

Wala namang sinabi sa akin si Marco na kasama ako basta ang alam ko lang ay tulungan siya sa pagsurpresa sa barkada niya.

"Masmaigi kung sila-sila lang ang andun para masulit naman nila yung bakasyon nila." Sabi ko at tinapos na yung binabasa ko.

Sabay-sabay kaming lumabas ng library at pumunta kami ng cafeteria at duon ko nakita ang Royals na sama-samang kumakain at nagtatawanan sila.

"Ayun sila Marco, tara lapi--"

"No." Pigil ko kay Erica "Hayaan lang natin sila." Sabi ko habang tinitignan silang masaya.

Umupo kami sa isang table na medyo malayo sa kanila para hindi nila kami mapansin at hindi namin maudlot ang kasiyahan nila.

"Ang gwapo talaga ni fafa Marco" Sabi ni Erica habang kinikilig.

Hindi na bago sa akin yun, gwapo talaga siya kaso jerk lang talaga minsan.

"Ang saya naman nila"

"Oo nga"

"Malapit na anniversary nila"

"Bess! Si Jake, mahal na niya raw ako"

"Assuming ka naman bess. Eh hindi ka nga kilala ng tao"

Napapangiti lang kami sa mga naririnig namin sa mga pinagsasabi ng mga malalapit sa amin. Kumain lamang kami at nagkwentuhan, ang dami naming pinagkwentuhan, sa mga panahon na nagpapractice kami tapos si Marco daw ay inspired na inspired sa pag-aaral niya at siya pa daw ang nag-eerase ng mga nakasulat sa whiteboard, tapos todo bigay ng mga papel niya kapag may test daw.

Kaso natigilan kami sa pagkwentuhan ng may nagpatong ng tatlong rosas na puti sa aking lamesa. Isa kay Erica, isa kay Claire at sa rin sa akin.

Tinignan namin ang taong nagbigay sa amin ngunit bigla itong nawala.

May tatlong diyosa kaming nakita
Mabait, malambing mga diyosa

Hindi ko maiwasang mapatawa sa ginagawa ng apat na lalaki sa harapan ng lamesa namin. Si James, Yong, Edward at Jake.

Tunog yun ng kantang tatlong bibe. At nakakatawa sila dahil may pakembot-kembot pa silang nalalaman. Hahahaha!

At lahat ng tao ay nakatingin sa amin!

"Teka, ang pangit! Ang gulo niyo! Ulitin natin! Lagot tayo nito" reklamo ni Yong dahilan para magsitigil sila.

"Eh ikaw nga itong makakembot akala mo si Jollibee. Tss!" Sabi naman ni James kay Yong.

"Guys, ulit" sabi ni Edward habang nakangiti sa akin.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon