Chapter 17

350 15 0
                                    

Tahimik lang kami dito sa van.

Dalawa yung Van na ginamit namin. Sa kabilang van si Claire, Erica,Yong , Jake. Tapos dito naman, ako, Edward, Marco, Tiffany at James. Dapat nga isa na lang na van eh para dii gaano magastos pero wala akong magagawa, nakikisakay lang ako.
Pero hindi pa rin ako mapakali, asan na ba Yung kwintas na yun?

Tinignan ko Yung katabi ko na si abnormal, tulog naman na. Tinignan ko lang Yung mukha niya, gwapo naman talaga itong si Marco, jerk nga lang kasi.

Ang amo ng mukha niya, ang tangos ng ilong, mapula ang labi na masarap halikan, ang kinis ng balat niya, saktong-sakto ang hugis at kapal ng kilay niya, Yung mata niya na parang mata ng isang anghel, waah! Ano ba ang nangyayari sa akin? Baka ako na ngayon ang abnormal ?

"Vivoree."

Waah! Aba lintik naman oh, jusko porsanto, nagulat ako dun ah!

Napatingin tuloy ako sa katabi ni Marco si, EDWARD! nakita niya ba ako na nakatingin sa unggoy na ito? Sana hindiiiii...

"Baka matunaw" luh, nakita nga niya. Nakakahiya tuloy. Tumawa siya ng mahina tapos naglagay siya ng earphones sa tenga niya. At natulog rin siya. Halos silang lahat pala, tulog na . ako na lang.

Matulog nga rin muna ako.

-----------------------

YONG's POV
"Babe naman eh!"

"I hate you Yong! Break na tayo!"

"Pls. Klarrise, ikaw lang ang sineryoso ko sa lahat ng naging syota ko, wag mo naman sana gawin sa akin ito."

"Ako? Sineryoso mo? Ginagago mo ba ako? Ha?!"

"Hindi. Mahal kita. Wala Yung mga babaeng yun. Chumachansing lang sila kasi sa akin."

"Chumachansing? Tapos gusto mo naman? Tsk. Bahala ka sa buhay mo!"

"Babe!!!"

Waah!

Uy, panaginip lang pala yun. Akala ko, totoo na.

Nagising tuloy ako dahil lang sa panaginip na yun.

Tinignan ko Yung mga kasama namin dito sa van, ang sarap pa ng tulog nila.

Matutulog sana ulit ako ng nagvibrate yung phone ko.

Nage-mail sa akin si James. Nagsend siya sa akin ng picture. Isang lalaking tulog na nakasandal sa balikat ng babae tapos Yung babae naman, tulog rin pero hawak niya Yung kamay nung lalaki. Sino ba sila?

"Ano?!" Napasigaw ata ako. Nagising ko ata sila.

"Ano bang problema mo Yong?"

"Tulog pa kami yong, wag kang manggising, mababawasan ang pogi ko"

"Ssshh.."

"Yong naman eh!"

"Sorry.". Sabi ko sa kanila, pero imbis na matulog sila, kinuha nila Yung mga cp nila. Nakita ko yung mga reactions nila.

"ANO?! SI MARCO AT VIVOREE?!"

Aray ko po.. Yung tenga ko. Sabay-sabay pa silang sumigaw.

Gwapo pa rin ba ako?

Maya-maya, nagstop kami sa seven eleven. Hays, makabili nga muna ng makakain.

Bumababa na kami sa sasakyan, sumunod din na dumating Yung sinasakyan nila Marco. Aba, silipin ko nga sila.

Lumapit ako sa bintana tapos sumilip.

Nakita kong tulog sila lahat except Kay Marco, tinitignan niya maiigi si Vivoree. Tsk. Crush niya ata si Vivoree. May iba sa mga ngiti niya eh.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon