Chapter 43

133 7 2
                                    

Tirik ang araw, pero para sa akin, hindi ko ramdam yun.

Habang bumababa ang kaniyang kabaong, parang naiisip ko ang mga memories namin kahit naiinis ako sa kanya.

Nagtapon ako ng bulaklak. Paalam na.

Hindi pa rin pumasok sa isip ko na patay na siya. Bakit kasi nagpabaril siya? Niyakap ako ni Claire para i-comfort ako.

"Tama na Vivoree. Kung asan ngayon si Tiffany, masaya na siya. Dahil kahit papaano, napatawad mo na siya." Sabi niya at umiyak rin.

Lumpit na rin si Erica at niyakap rin ako.

Kung tutuusin, bago lang ako sa grupo nila, si Erica, Claire at Tiffany sila talaga yung noon pa lang magkakasama na. Ngunit dahil sa inggit at galit, nagawa kang traydurin  ng isang kaibigan. Pero anong magagawa natin, umibig lang siya.

Pero mali pa rin yun.

Bago natapos ang kaniyang libing, nagpalipad kami ng puting lobo.

Lumapit sa akin ang kaniyang pamilya at humingi sila ng patawad sa nangyari. Ok na ako. Masaya ko dahil payapa na ang lahat.

In-offeran ako ni Edward na ihatid ako pauwi. Pumayag na lang ako. Siguro, pwede naman na ito ang time na sabihin ko sa kanya.

Nakakainis nga si Yong, kahit kanina sa libing, sinesenyasan pa rin ako na lumapit kay Edward. Kaasar.

Ang tahimik sa loob ng kotse.

"Edward, uhm.."

"Ano yun?" Tanong niya. Seryoso lang ang tingin niya sa daan.

"May sasabihin kasi ako sayo." Ngumisi lang siya sa akin at ngumiti.

Paano ko ba sasabihin?

I don't want to break a heart of this man. But, I have to.

"Ano ba yun?" Masaya niyang sabi at na-eexcite.

"Tigilin na natin ang pagkukunwari. At diba, nililigawan mo ako, pinahihinto na kita." Daretsyo kong sabi.

Wala siyang kibo at daretsyo lang ang tingin sa daan.

Hininto niya ang sasakyan sa isang park.

Ngayon, tumingin siya sa akin.

"Talaga bang wala na akong pag-asa sayo?" Malungkot niyang tono.

Hindi rin ako kumibo. Yumuko na lang ako.

"Kulang pa ba yung effort ko? Or may nagawa akong mali? May mali ba sa akin?"

Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko siyang umiiyak.

Ito na kasi yung ayaw ko.

"Hindi ka nagkulang. Wala kang kasalanan at wala ring mali sayo. Pero, you deserve a girl who will love you more. And that is not me." Hinawakan ko ang kamay niya .

"Kasi, gusto mo na siya?" Tanong niya. Maslalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Oo." Bigla niya akong niyakap.

"Bakit hindi ka na lang sa akin nagkagusto? Bakit sa mokong na yun pa, pero sige, magpakabait ka ha.." Kumalas siya sa yakap at nag-umpisa ng nagmaneho.

Ni-isa wala ng umimik sa amin hanggang sa nakarating na kami sa gate ng bahay ng mga Thrillward.

Lalabas na sana ako ng sasakyan, ng hinatak ako agad ni Edward at hinalikan sa ulo.

"Thanks for being honest. And also, thanks for breaking my heart." Tinignan ko siya ng seryoso. "Joke. Ingat ka palagi. So, Friends?"

"Friends." Nagshake hands kami.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon