Chapter 29

218 15 5
                                    

Kinuwento ko sa kanya ang lahat at hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala.

Kumain kami sa isang fast food at treat niya. Nahihiya na nga ako, pero siya daw ang masusunod.

Kaya ayun, siya ang magbabayad.

Pagkatapos ay hinatid niya rin ako sa bahay lalabas na sana ako ng kotse ng pinigilan niya ako.

"Uhm, Vivoree, about last night, sorry. Muntikan na kitang --" pinigilan ko na siya agad.

"Ok lang yun. Sige, bye" sabi ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Hindi niya pa rin nakakalimutan. Bumaba agad ng kotse niya. Bago pa ako makapasok sa lokb ng bahay, kumaway ako sa kotse niya at pumasok.

-----------------

Ilang months rin na ang nakakalipas, masnagiging close na rin kami ni Marco, at si Edward, nag-eeffort pa rin.

Naglalakad kami nila Tiffany, Claire at Erica sa hallway ngayon papunta ng cafeteria.

Kwento ng kwento si Erica dun sa isang third year sa kabilang building, ang gwapo daw tapos nakita niya daw sa MEN'S COMFORT ROOM yung abs niya kasi nagpapalit daw siya dun ng t-shirt.

May nagring ng phone..

Kay Tiffany pala.

Sinagot niya yung tawag at sa itsura ng mukha niya parang merong hindi maganda.

"Guys, uwi na muna ako. May emergency. Bye!" Sabi niya at tumakbo. Kahit ako parang pakiramdam ko, hindi maganda.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Ilang araw na rin ang nakakalipas, parating hindi na nakakasabay si Tiffany sa amin kasi always siyang may emergency tapos si Claire, nasa field kasi kasali siya sa cheerdance. Kaya kami na lang ni Erica ang magkasama. Pero kapag kumakain ako sa cafeteria si Edward ang kasama ko pati sa rooftop minsan siya rin ang naghahatid sa akin. Si Marco, ayun minsan kasama ko minsan katext rin.

Papunta ako sa locker ko si Erica, biglang pinatawag ng prof namin.

Pagkabukas ko ng locker ko, may nahulog na papel. Ano yun? Binasa ko yung nakasulat.

Are you ready to die?

Napasigaw ako at natapon ko yung papel. Bigla akong kinabahan sa sulat.

Napatingin sa akin yung ibang mga estudyante. Tinanong nila kung ano yun pero sabi ko, wala.

Dinampot ko yung papel at kinirample ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na basurahan at tinapon. What is that?

Wala naman akong mga kaaway?

"Hi !" Napalingon ako sa likod ko.

"Bakit yun?" Pinilit kong kumilos na parang walang nangyari.

"Ihatid na kita pauwi mamaya." Wala naman na akong magagawa daily habbit na kasi niya ito.

Pumasok na kaming dalawa ni Edward sa klase namin andun rin sila Marco, tinignan niya lang ako tapos ngumit ako sa kanya. Kunwaring nakikinig pero wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Hindi ako makafocus ngayon dahil sa sulat na yun.

"Ms. Alcantara, can you write you're answer at the board." Sabi nung teacher namin.

Anong isusalat ko?

Binasa ko yung question sa board, eh hindi ko naman maintindihan.

"Get this." Sabi ni Marco na tumayo pa papunta sa akin at binigay ang isang yellow pad. Good thing nakatalikod ung teacher namin.

Nagduda pa talaga ako. Paano kung mali ito? Eh di maslalo akong mapapahiya pero nageffort pa siya kaya. Bahala na!

Sinulat ko yung binigay ni Marco sa akin. Pagkatapos ay umupo na ako.

Binasa nung teacher namin yung sagot ko. Sa expression pa lang ng mukha niya, parang hindi ko na gusto.

"Perfect. What a nice description. Keep it up Ms. Alcantara" sabi nung teacher at nagsulat ulit sa board.

Tumingin ako kay Marco at nakita kong nakatingin rin pala siya sa akin.

"Thank You" sabi ko. Pero sa hangin lang.  For sure, nagets na niya yun.

.........

Pagkatapos ng klase, nagpaalam na ako kanila Marco at umalis na kami ni Edward.

Sumakay na kami sa kotse niya at dati ring gawi, siya rin ang naglalagay ng seatbelt ko.

Pinaandar na niya yung kotse niya.

"Is there something wrong?" Paninimula niya

"Ah, uhm..wa-wala" nerbyos kong tanong. Ewan ko kung may mali ba sa sinabi ko.

"Really? Why are you acting like you are nervous and you scared of something? And you're not focused on our subject lately? Now tell me, what is it?" Tinignan ko siya na daretsyo lang ang tingin sa kalsada.

Dapat bang sabihin ko sa kanya?

Huminga ako ng malalim. Hindi pa siguro ito ang tamang oras.

"If that is private, its ok." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Mabuti na lang talaga.

"Tulog muna ako." Sabi ko sa kanya. Siguro dahil sa pagod ko, agad rin akong nakatulog.

....

"Salamat" sabi ko at bumaba ng kotse niya.

Nagbihis ako ng damit at inayos ko ang sarili ko dahil may pasok pa ako sa trabaho ko ngayon.

Sumakay ako ng tricycle at pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na rin ako.

Nagtrabaho ako at nakakapagod magserve rin ng pagkain.

"Vivoree, ito, dalhin mo ito sa table 24 " abot sa akin nung isa kong kasama sa trabaho. Agad ko naman hinanap yung table 24.

Parang nanigas ako sa taong nakaupo duon.

"Mam, ito na po." Sabi ko at nilagay sa table niya ang isang lasgna at fish fillet .

"Vivoree?" Sa tanong niya palang mukhang gulat na gulat siya.

"Opo. Mrs. Thrilward. "

"Ops. Call me tita Abby. So, you are working here?" Tumango na lang ako. "Get this. If you need anything. Kailangan ko ng maid sa bahay. Actually, gusto kita, hindi lang bilang yaya pero gustk kita na makasa sa bahay. You know what, madalas rin kasi akong nasabahay dahil yung asawa ko ang parating nasa trabaho."

"Sige po . Pag-iisipan ko po. Balik na po muna ako sa trabaho. " nagpaalam ako kanya at bumalik sa trabaho.

Pagkatapos ng ilang oras, umuwi na ako.

Pero nagulat ako ng nakalabas ang ilan kong mga gamit. Anong meron?

Nakita ko si Tita Rita at Rachelle tinatapon yung ilang mga damit ko sa labas nagtitinginan na nga rin yung mga kapitbahay namin eh.

Agad akong tumakbo .

"Tita ano ito?" Tanong ko at dinampot ang mga gamit ko.

"Lumayas ka na sa pamamahay ko! Kailangang magkaroon na ng sariling kwarto ang anak ko. At yung kwarto mo ang magiging kwarto ng anak ko."

Kusa na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi pwede ito.

Lumuhod ako sa harapan niya.

"Tita, please po. Kahit sa sala na lang po ako matulog. " sabi ko

"Hindi nga pwede! At wala akong pampakain sayo! Maghanap ka na ng matitirahan mo nga! Ang laki mo na!" Sabi niya at sinipa ang ilan sa mga gamit ko at pumasok na silang dalawa ni Rachelle sa bahay at binagsak ang pintuan.

Saan na ako ngayon?

Binigyan ako ng isa sa mga kapitbahay namin ng sako bag at duon ko nilagay ang mga gamit ko.

Saan ako ngayon matutulog?

Isa lang ang alam ko na pwedeng tumulong sa akin.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon