Chapter 62

110 1 0
                                    

Vivoree's POV

Tumawag ako kay Rachelle at nakiusap na siya muna ang magbabantay kay papa at pumayag naman siya.

Pagkarating niya ay kinuwento ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni papa sa labas ng kwarto niya

"Wala talaga siyang dahilan?" Tanong Rachelle at katulad ko puno rin siya ng pagtataka.

"Nung nalaman niyang isang Stanley si Marco, nanahimik lang siya ngunit ng kinausap siya nung nanay ni Marco doon, hindi ko na siya maintindihan."  Sabi ko at hinawakan ang sentido ko.

"Malamang maraming pinagsasabi yang nanay ni Marco at siniraan ka. Yun siguro ang dahilan Viv"

Tama siya. Isa yan sa mga naisip kong dahilan. Pero ano yon? Maspaniniwalaan niya pa yung pinagsasabi nung babaeng yun kaya sa akin?

"Pero parang meron pa eh, kasi kung hindi ako nagkakamali, sinabi niyang mali ang nakaraan, mali rin ang kasalukuyan. Ang sabi niya classmate niya si Mrs. Laura noon, ibigsabihin, magkakilala sila matagal na." Pag-iintindi ko sa mga naiisip ko.
"At posibleng meron hindi sila pagkakaunawaan. Right?" Dugtong rin ni Rachelle.

Hindi ko alam. Masyado akong nalilito sa mga nangyayari pero pwede. Pwede.

"Pero pwede ring, sinisiraan talaga ako ni Mrs. Laura dahil tulad ng sinabi ko, ayaw niya sa akin."

Yun ang huli naming pag-uusap ng dumating si James. Sasamahan niya raw si Rachelle sa hospital magbantay. Si Tita ay may trabaho kaya baka mamayang 10 na siya ng gabi makapunta dito sa hospital.

Umuwi na muna ako sa bahay ng mga Thrillward. Pagpasok ko sa sala, nakita ko sila tito at tita at dalawang lalaki na nag-uusap. At sa sobrang halaga ng kwentuhan nila, hindi nila naramdaman ang presensya ko.

Mamaya ko na lang siguro kausapin.

Kaso paakyat na ako ng hagdanan ng maitigil ko sa paghakbang ang mga paa ko dahil sa narinig kong iyak ni tita

"Buhay! Buhay ang anak natin Andrew! Totoo nga!" Paiyak na sabi ni tita at mahigpit na nakayakap sa asawa.

"Buhay si Andrea" Maiyak ring sabi ni tito.

Dun maslalo ako natigilan. Andrea?

............

Edward's POV

Ang tagal naman niya. Padilim na.

Nakatayo ako sa ilalim ng puno sa park. Nag-aantay.

"Edward!"

Lumingon ako sa kabilang kalsada at dun ko nakita ang inaantay ko. Masaya siyang kumakaway sa akin habang inaantay na magred ang stop light para makatawid siya sa pinaroroonan ko.

Nang magred na ang stop light, dun na siya mag-umpisang maglakad papunta sa kinaroroonan ko.

Jia

Maganda ang ngiting ipinapakita niya sa akin habang nililipad ang konting hibla mg buhok niya habang naglalakad siya. Yung nga mata niyang ngayon ko lang narealize, mga matang nagsasabing kahit gaano kahirap ang buhay, ngumiti pa rin tayo at magpatuloy sa buhay.

Umibig siya, pero dahil sa arrange marriage na ito, naghiwalay sila at marami pang dahilan. Sobra siyang nasaktan.  Do you think, I can heal those wounds?  Do I deserve a person like you? Because you are perfect, while me, I am still confused, because there are parts of my heart that the name Vivoree was still written in it.

"Kanina ka pa ba?"

Duon ako bumalik sa realidad na, andito na pala siya sa harapan ko at naramdaman ko ang pag-ibang bilis ng tibok ng puso ko.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon