Chapter 64

52 2 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari ay naging normal na ang school.

Umalis ngayon ang ROYALS dahil pupunta sila ngayon sa Subic, sa tambayan nila.

Tatlong araw sila doon.

Mag-isa akong bumibili sa cafeteria dahil si Claire at Erica ay nasa library at computer lab. Nag-order na lang ako ng pizza at soft drinks. Umupo ako sa isang upuan at walang katabi.

Gusto ni Marco na wag daw muna ituloy ang pag-alis nila ngunit pinilit ko siya na ituloy. Ganun din na hindi siya sasama,pero pinilit ko pa rin siya na pumunta dun at ok lang lang ako. Pero masyado siyang mapamilit, gusto niya rin akong isama pero tumanggi ako. Bonding nila yun.

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa hospital dahil ako na muna ang magbabantay sa kaniya, si Rachelle may OJT sa isang hotel dito sa Manila si tita Rita ang nagbabantay ngayon ngunit papauwiin ko muna siya dahil ako naman ang magpupuyat. Hindi ako pumunta kagabi, dahil siguro sa nangyari between sa akin at kay papa at kay Mam Laura.

Pagkababa ko ng jeep ay tinignan ko ang kabuuan ng hospital. Gomez International Hospital. I wonder kung isa rin ito sa mga hospital nila Yong sa Manila. After all, isa siyang Gomez.

Ang dami kasi nilang hospitals.

Cring...

Cring...

Cring...

Kinuha ko yung phone ko mula sa bag ko at tinignan kung sino ang tumawag.

Marco.

Kagabi, napagisip-isipan ko na wag munang magparamdam sa kaniya para ma-enjoy niya naman ang bakasyon nila pero siya naman ang tawag ng tawag sa akin.

Hello?

Vivoree. Are you ok?

Oo naman. Bakit mo natanong?

Eh di a naman kasi nagrereply sa mga text ko. Nag-aalala ako, baka dumating si mama at si Elle.

Ayaw kitang istor--

Vivoree naman.

Ok, ok. Sige na, baka nag-eenjoy pa kayo jan. Magtetext ako mamaya, babantayan ko lang si papa.

Sige. Mag-ingat ka jan. Bye.

Bye.

I lov--

In-off ko na agad ang tawag. Hindi naman sa nagtatampo ako, pero gusto kong umiwas ng konti. Oo, umiwas. Natatakot ko na baka masira ko ang relasyon ng isang pamilya dahil sa akin. Mahal ko siya, ngunit gusto ko ng magisip-isip habang maaga pa.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon