Chapter 23

210 16 0
                                    

"Can we talk?" Ano na naman ang pag-uusapan namin? Siguro, ito na yung tamang panahon para tanungin ko siya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko at umupo siya sa tabi ko. Nakatungo lang siya.

"I'm sorry."

Seryoso ba siya?

"Prank lang naman sana yun eh, kaso hindi ko alam na ganun pala ang mangyayari." Sabi niya at kumukha ng maliit na tuyong sanga ng puno na kinauupuan namin ngayon.

"Ok" sabi ko at tumayo. Aalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko.

"Hindi ka na galit?" Tanong niya at tumingin siya ng daretsyo sa mata ko.

"Galit pa rin. Pero konti na lang" sabi ko at binitawan naman na niya ang kamay ko. Tinignan ko siya, ang saya niya. Baka may balak na naman itong lalaking ito sa akin? "Ano yang ngiting yan?" Tanong ko at tumayo siya.

"Makakabawi rin ako sayo" sabi niya ginulo ang buhok ko at naglakad patungo sa tent namin.

*fast forward*

Medyo dumidilim na kaya nag-umpisa na rin kaming nagluto. Pagkatapos nag-luto, kumain na kami pagkatapos, tumambay muna kami dito sa malapit sa apoy at nagkekwentuhan.

"Ako, sa totoo lang, sa isang linggo, pitong babae ang nakakadate ko" sabi ni James kaya lahat kami nagtawanan.

"Ano yun? Isang gabi, isang babae?" Tanong ni Claire at kumuha ng bote ng coke kasi sa babae coke pero sa lalaki beer.

"Yup. Sila naman ang myay gusto hindi ako. " sabi niya at uminom ng beer.

"Pero sa dami ng babae na nakilala mo, wala ka manlang nagustuhan sa kanila?" Tanong ni Liezel at tinapik si James.

"Wala. Hindi na siguro darating yung sinasabi nilang THE ONE" Sabi niya at tumingala sa langit. Ang daming mga bituin.

"Paano mo mahahanap yung taong para sayo kung ikaw mismo, sumuko na?" Good question Erica. Yan din sana sasabihin ko eh, ay guys, si Erica coke pala ang iniinom niya kasi girl daw siya. Pagbigyan.

"Baka nakilala mo na siya, pero hindi mo yun nakita dahil iba siya, iba siya sa mga babae na nakakasama mo, hindi siya katulad ng mga babae mo na isabg gabi, bigay agad. Masyado kasing mataas ang tingin mo sa babae, try mong ibaba yung tingin sa babae, baka sakalis duon mo siya makita" sabi ni Jake. Isa sa mga gusto ko kay Jake ay yung bihira siya magsalita pero kapag nagsalita siya, may sense lahat.

"Sa tingin mo ba, asan siya ngayon bro?" Tanong ni James kay Jake. Agad naman nagcross-arms si Jake at tumingin ng daretsyo kay James.

"Hindi ko alam. Pero alam ko, anjan lang siya sa tabi-tabi, naghihintay lang rin sayo." Sabi niya at tumayo. "Ihi lang ako" sabi niya at umalis.

"Eh ikaw Marco, bati na ba kayo ni Vivoree?" Tanong ni James.

Umayos ng upo si Marco at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.

"Hindi pa. Pero nagsorry na ako sakanya" sabi ni Marco at tumingin sa akin at nagbigay ng evil smirk.

"Yun pala eh! Vivoree, patawarin mo na kasi itong batang ito. " pabirong sabi ni Yong at kumuha ulit ng beer.

"Hindi gan--" hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko ng simigaw sila lahat

"Magbabati na yan! Magbabati na yan! Magbabati na yan!" Paulit-ulit nilang sabi.

Hinatak nila si Marco patayo pati rin ako.

"Ayan, magbati na nga kayo." Sabi ni Yong at tinapik si Marco at umupo na sila lahat kami na lang natitirang nakatayo.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon