Chapter 35

177 9 1
                                    

Vivoree's POV
Andito kami ngayon ni Edward sa isang shop kung saan pwedeng magpadevelope ng pictures.

Tama ba ang ginagawa ko?

Magpapanggap kami na kami? Kahit hindi naman.

"Thank You. " sabi ni Edward at hinawakan na ni Edward ang kamay ko at nag-umpisa na kami maglakad.

Ano kaya ang nangyari kay Marco kagabi? Agad lang siya umalis.

"Balik na tayo sa school. Grabe na ito. Mahihirapan na tayo makacatch up sa mga lessons natin" Sabi ko at tumango na lang siya.

Sa biyahe namin, medyo tahimik. Pero tuwing kikilos ko, tumitingin siya sa akin.

*fast forward*

Habang naglalakad kami ni Edward sa hallway, nakita namin ang ilang estudyante na nagsilabasan sa kanilang silid-aralan kakatapos lang siguro ng klase nila.

"So, look whose here?" maarteng sabi ng isang babae

May humarang na limang babae sa harapan namin. Sino pa ba? Eh di ang grupo nila Gielyn.

Sa bawat titig pa lang ni Gielyn parang nililibing na ako. NAKAKATAKOT.

Nilingon ko si Rachelle na masama rin ang titig sa akin. Actually, lahat naman sila.

"Excuse" sabi ni Edward at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papaunta sa silid-aralan namin.

Tinignan ko sila ulit sa likod na nakatingin pa rin sa akin.

Habang naglalakad kami nagulat na lang ako ng may mga tumatakbong babae.

"Ano kaya ang announcement? ni Marco?"

"Kakagaling niya lang sa sakit yun diba?"

"Hays. Oo nga, tara bilisan natin!"

Yun ang mga narinig ko sa mga kwentuhan ng mga babae na nakakasalubong namin.

Tumunog ang cellphone ni Edward.

"Yong texted me. Tara punta tayo sa gym. May i-aanounce daw si Marco."

Tumango na lang ako.

Ang daming tao dito sa gym. Nasa parteng likod ako mag-isa . Sumama muna kasi si Edward sa mga iba niyang kasama. Hindi ko nga mahanap sila Erica.

"Waah!!!" Nag-umpisa na nagsigawan ang mga babae dito. Nagsilabasa  na kasi ang ROYALS.

"Marco!!!"

"Jake!!!"

"Edward!!!"

"Carlo James!!!"

"Yong my CUTIEPIE!!!"

Sigawan talaga eh. Natawa tuloy ako sa YONG MY CUTIEPIE.

"Hello Everyone!" Maligayang sabi ni James.

Nagsigawan tuloy ulit ang mga tao sa paligid. Ano ito? May concert? At hello, kakagaling lang ni Marco sa sakit.

"Everyone, listen." Sa sinabi ni Marco lahat sila tumigil as in tahimik.

Titigin mo pa lang siya kahit sa malayo, magagwapuhan ka na. Kaso yung ugali niya na nakakainis.

Magsasalita na si Marco ng napatingin siya sa direksyon ko. Bigla kami nagkaroon ng eye contact. Bigla akong kinabahan.

"Sa susunod na araw na ang birthday ko, and all of you are invited to go in My Birthday Party at My House at 6:00 in the evening. Wear your best gown at suit. Thanks." Sabi niya at binigay ang mike kay Yong.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon