Chapter 73

43 0 0
                                    

Naramdaman ko ang paghawak ni Marco sa bewang ko at hinatak papalapit sa kaniya pero pinigilan ko siya ng buong lakas, nilabas ko ang aking makakaya para hindi niya ako mahatak and I succeed! I look at him like a thunder! My anger turned on dahil sa sinabi ng babaeng yun!

Binigay ko kay Marco sa gabi yun ang iniingatan ko! At ngayon malalaman ko na magkasama pala sila nung gabi yun sa isang kwarto bago ito pumunta sa akin! Why? Hindi siya nasatisfy sa pleasure na binigay ni Elle sa kaniya?! What the heck!

"Isabelle" matigas na tawag ni Marco sa kaniya.

Kusang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Halos hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit! Mali ang ibinigay ko sa kaniya yun! Maling mali! Napakatanga ko! Akala ko mahal niya ako?! This love is bullshit!

"Cr lang ako"

Sinubukan kong hindi mabiyak ang boses ko at napagtagumpayan ko naman yon. Wasak na wasak na ako pero kailangan na hindi nila makita yun.

Tatalikod na ako sa kanila pero natigil yun dahil biglang hinatak ni Marco ang pulsuhan ko. His dark and scary eyes ang sumalubong sa akin. Ganitong-ganito ang mata niya noong una akong pumasok sa school na ito, nakakatakot! Ito ang Marco na kinakatakutan ko noon!

"STAY HERE"

Wow! Pagkatapos ng mga narinig ko gusto niya pa rin na manatili ako dito?! Damn you!

"Para marinig ko pa yung mga sasabihin niya? Yung mga kabastusan niyong dalawa? Ha?" Mahinahon kong sinabi but enough na para marinig ng mga kaibigan ko dito.

Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at pinaalis ang luhang tumutulo sa akin.

"So it's true?" Nagtatakang tanong ni Edward. Anong ibigsabihin niya? "I just saw a pictures of you and Elle together. That time, school hours yun, and another picture is pumasok kayo sa loob ng bahay niyo Marco and another is, sabay kayong pumasok sa kwarto mo. But I ignored it, kasi baka sinisira niya lang--"

"Saan mo nakita ang picture Ed?" Now I start shaking my voice.

"Sa upuan ni Vivoree kanina. Masmaaga akong pumasok kanina" at nilabas ang niya brown envelope at nilapag lahat ang pictures!

"Don't look at that Vivoree"

"Why Marco?! Why?!" Nagsimula na akong magwala! Andito pa naman kami sa cafeteria! People ang looking at us, I even hear the gossips!

I stared at Isabelle like she's happy what is happening right now, tss... This witch must be burned!

Unti-unti akong lumapit kay Elle at agad kong kinuha ang shake na iniinom nila sa table namin at agad kong binuhos sa mukha ni Elle. Agad siyang nagalit at nag-inarte.

Hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang gamit ko at agad na tumakbo palabas ng school. Pumara ako agad ng taxi marami akong narinig na tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon.

Nakita sa side mirror ng taxi ang pagsunod ng mga magagarang na sasakyan at malamang sa mga Royals yan.

Kinausap ko ang driver na lituhin ang mga sasakyan na bumubuntot sa amin, halos kahit ako mahilo na pero buti na lang at traffic sa dinaanan namin kanina at nastuck sila doon!

Malaki ang pasasalamat ko sa driver ang totoo, dito ako sa puntod ni mama pumunta. Walang nakakaalam kung saan ito, except Marco.

Lumuhod ako sa damuhan at nilapag ang bag sa gilid at niyakap ang aking tuhod. "Ma, sorry ah? Bumalik ako dito na umiiyak na naman"

I shared my thoughts and feelings to her and after all, gumaan naman ang nararamdaman ko kahit pa paano. My phone beeped and I receive a text from Jake.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon