Chapter 42

147 12 4
                                    

Hindi ako makapaniwala. Bakit pa siya?

"Suprise? Hahaha! Wag kang masuprise. Matakot ka." Hinawakan niya ang buhok ko at hinatak.

Pinipilit kong sumigaw kahit na may nakataling tela sa bibig ko pero biga niya akong sinampal ng sobrang lakas.

---------------------------

Edward's POV

Nilibot na namin ang buong park. Ang mga pulis, nagronda sa ibang lugar malapit dito.

"Edward!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Tiffany. Anong ginagawa niya dito?

"Hindi ba may klase ka?" Tanong ko.

"Oo. Pero, rinig-rinig sa school na nakidnap daw si Vivoree. Sila Erica at Claire, papunta na dito mamaya. Nauna na ako. Eto oh, nakita ko sa CR kanina." Kinuha kong sticker note at binasa.

WAREHOUSE
       -STAR

Warehouse? Dun niya dinala sila Vivoree?

"Saan ang pinakamalapit na Warehouse dito?" Tanong ko.

Nag-isip siya ng malalim.

"Alam ko na." Hinatak niya ako papasok sa kotse ko. Siya yung magdadrive?

"Marunong ka ba?"

"Syempre" inumpisa na niya yung pagmamaneho. Medyo paspas siya magmaneho. Alam kong nakakabakla, pero todo kapit ako sa belt ng sasakyan.

Tawa siya ng tawa. Saktong may dalawang sasakyan ang humarang sa amin kaya napakalakas ng break niya. Muntik pa nga ako masubsob eh. Kainis rin kasi itong si Tiffany. Pero sabagay, nanganganib na nga ang buhay nila Vivoree at Liezel tapos pabagal-bagal pa baka maabutan na lang namin dun eh, wala na sila.

Binuksan ni Tiffany ang  bintana.

"Anong pro--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may nilagay na panyo ang lalaki sa ilong niya at nahimatay na ito. Ano??

"Baba!" Sigaw ng lalaki at tinutukan ako ng  baril.

Bumaba ako ng sasakyan. Kinuha nila si Tiffany at pinasok sa isang van, samantalang ako, pinasok sa kabilang van.

Ano ito?!

....

Pinasok nila ako sa isang warehouse.

Teka, baka isang grupo lang ang gumawa nito sa akin at kanila Vivoree..

Napatingin ako sa medyo layo-layo. Nakita ko ang isang babae na may tali sa kamay, paa at sa bibig.

"Vivoree!" Tatakbo na sana ako papunta sa kanya kaso hinatak ako ng ilang lalaki at sinuntok sa ulo, tiyan at balikat. Ang sakit.

Lumaban ako sa kanila pero ang dami nila.

"Tigilin niyo na yan. Dalhin niyo sa dun malapit sa ating bwisit na bisita!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita.

"Ikaw si Star?! Hayup ka! Wala kang puso! Ang bait namin sayo, tapos ganyan ang gagwin mo sa amin?! Lintik ka!" Siya? Hindi ako makapaniwala.

Tumawa siya ng malakas. Hinatak ako ng mga lalaki papalapit kay Vivoree na hinang hina na ngayon. Tinali rin nila ang kamay ko.

Nang nasa harapan na ako ni Vivoree, inumpisahan na nila akong bugbugin.

-------------------------

Vivoree's POV

Hinang-hina na ako. Pero maslalo akong nanghihina kapag nakikita ko si Edward na binubugbog sa harapan ko.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon