Chapter 46

115 6 0
                                    

Marco' POV

Malakas ang hangin dito sa rooftop.

Tinignan ko ang kasama ko ngayon na nakatingin lang sa akin. Ganun ba ako talaga kagwapo?

"Edward, I want to apologize" paninimula ko.

Kung hindi pa ako siguro magsasalita, mananatili kaming nakatitig sa isa't- isa. Wala kasi talaga siyang balak magsalita.

"Hey, do you hear me?" Tanong ko. Parang wala kasi siyang narinig.

Tinignan niya ang mga ibon na lumilipad ngayon.

"I'm so happy for the both of you." Sabi niya.

"But I feel sad for you." Sabi ko sa kanya.

Oo, masaya ako dahil basted siya, pero kalahati pa rin ng katawan ko ay malungkot, dahil kaibigan ko yan, si Edward pa rin yan eh.

"Wag mo na akong aalahanin, ok na ako. Unti-unti ko namang natatanggap na." Sabi niya at tinap ang shoulder ko.

"Alam ko na, anjan lang siya, yung babaeng para sayo. Just wait for the right time."

Nagkaayos na kami. Atleast kahit papaano, nagiging maayos na ang lahat.

Sabay-sabay kaming lima kumain sa cafeteria. Busy kasi si Vivoree sa practice nila.

"So, balita ko nagdinner kayo kagabi kasama ang mga Thrillward at si Vivoree." Sabi ni Yong at uminom ng tubig.

Tumango na lang ako. Ang saya ko talaga ngayon.

"Sus, malamang dumamoves na naman ang ugok na ito." Tawa sila ng tawa. Pssh.

Kinuha ko yung isang plastic bottle na walang laman at tinapon kay James.

Mga wala talaga.

Nagulat na lang ako ng may nagbato rin sa akin sa likod ko ng plastic bottle din. Sinong baliw ang nagbato nun?

Napalingon ako sa likod at nakita ko ang dapat hindi ko makita.

Shit.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatayo na lang ako. Ganun din ang mga kasama ko.

"Dinalaw ka." Sabi niya. Kinuha niya ang isang upuan at umupo sa tabi namin. Umupo na rin kami at kahit isa sa amin walang gustong magsalita.

Wag niyo akong iwan guys dito sa babaeng ito.

"You're not welcome here." Sagot ko.

Ngumisi na lang siya sa amin.

"Can I talk to Marco" sabi niya sa amin lahat.

Wala tuloy silang nagawa kundi tumayo except kay Edward. Good brad.

"Narinig mo ba ako Edward?" Tanong niya, pero seryoso lang nakatingin si Edward sa kanya.

"Psh.. Oo, narinig kita, pero hindi mo ako mapipilit kung ayaw kong umalis dito."

Yan, laban lang Edward.

Napatingin kami sa phone ni Edward, may tumatawag. Pssh, wala tuloy siyang nagawa, umalis muna siya.

Ngayon, ang pag-uusapan namin?

"Nagprepare ako ng dinner sa condo ko mamayang eight. Pumunta ka." Sabi niya.

"Hindi pwede Elle, busy ako."

"Bukas."

"No."

"Next week?"

"No."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon