Chapter 61

63 1 0
                                    

George's POV

Paano niya nalaman na andito ako?

Lumabas sila Vivoree at Marco at tanging ako at ang bruhang ito na lamang ang naiwan dito.

"Kamusta George? Masyado matagal ata ang pagtago mo." Sabay ngisi sa labi niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dumadalaw. Dumadalaw sa isang KAIBIGAN"malambing nasabi niya ngunit makikita mo ang pagkunot ng nuo niya.

Akala ko, hindi na mangyayari ito? Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na dapat ako makakasalamuha ng mga Stanley pero ano ito? At ang malala, ang anak na inampon ko, may gusto sa isang Stanley!

"Anong kailangan mo?"

"Tch. Coincident right? Yung anak mo, at anak ko, may gusto sa isa't-isa? Hahahaha!"

Tama, kailangan kong ilihim na ampon ko lang si Viv. Sana yung mga nakakaalam ay hindi magsalita.

*flashback*

Sinira ko ang break ng sasakyan nila. Kaya mawawalan sila ng preno. Sakto naman nun, magdadrive ako ng isang truck upang banggain rin sila.

Nang matanaw ko na ang sasakyang ng mga Thrillward na gumegewang-gewang ay naging hudyot sa akin yun upang banggain na sila. Ngunit bago ko man sila mabangga ay nabangga na sila sa isang malaking puno.

Walang tao sa kalsada at walang kabahay-bahay dito isa lamang itong malaking daan.

Natigilan ako. Napatay ko ba sila?

Tinawagan ko si Laura at sinabing, ayos na at nagtagumpay ako sa plano. Ngunit hindi ko mapigilan ang sariling tignan sila dahil meron silang bata na dala.

Lumapit ako sa kanila, Ngunit hindi pa ako nakakarating sa kotse nila ay naririnig ko na ang iyak ng isang baby.

"Ieeehhhhhh! Ieehhhhh! Iehhhhhh!"

Nakita ko ang lalaking Thrillward na halos duguan ang mukha, samantalang ang babae naman ay ganun rin ngunit nakayap ito sa sanggol nilang anak na walang ginagawa kundi umiyak.

Kinuha ko ang bata, lumambot ang puso ko sa kanya, naawa ako para sa kanya. Anong klase akong tao para gumawa ng ganito?

Nakita ko sa leeg niya ang isang necklace na nakasulat ay ANDREA . Kinuha ko rin sa loib ng kotse ang isang  envelope na puros naman ay tungkol sa Thrillward Company.

Tumakbo ako at tumakas. Ngunit, habang tumatakas ako, ay may nakita akong isang babae na may tinapon sa basurahan at naririnig ko rin ang tili ng isang sanggol!

Hindi ko na nahabol ang babae kaya lumapit ako sa basurahan at kinuha ang bata ngunit nang bubuksan ko na ang supot ay tumigil na ito sa pagtili at nawalan na ng hininga!

Yung batang yun ay ang dinala ko sa sasakyan ng mga Thrillward. Pagkatapos ay tumakas na ako!

Dinala ko si Andrea sa bahay namin. Gulat na gulat ang asawa ko. Sinabi ko sa kanyang nadampot ko lamang siya. Ngunit dahil kakamatay lang rin ng sanggol na anak namin, dahil nilagnat, dahil wala kaming sapat na pangpahospital sa kanya na si Vivoree, ay gusto naming ipangalan ulit sa kanya upang maalala namin ang tunay na anak namin na namatay na.

Ngunit ilang araw pa ang nakalipas ay bumalik ako kanila Laura.

"Napatay mo ba talaga ang mga Thrillward?"

Kinabahan ako sa tanong niya.

"Oo naman madamam"

"Well pwes hindi! Dahil buhay ang mag-asawa! Nadala sila sa ospital! At buhay!" Natigilan ako sa sinabi ni Laura, akala ko wala na? Dahil sa malakas na pagkasalpok nila sa puno?!

Dapat tinignan ko muna pulse nila! Pambihira!

"Ngunit," napatingin ako ngayon Kay Laura. "Patay na ang anak nila. Good job. Kung ganun, parang papatayin na rin sila emosyon nila dahil sa pagkawala ng anak nila! Hahahaha!"

Para na siyang baliw. Paano na lang kung malaman nila na, ang toting Thrillward na bata ay nasa akin?

Umuwi ako ng bahay at dahil sa takot ay hindi ako lumalabas ng bahay at napagpasyahan ko na magsinungaling muli.

"Ang tagal naman ng two years contract mo sa Dubai?" Sabi ng asawa ko habang karga-karga si Vivoree ngunit si Andrea naman.

Busy akong nagiimpake ng damit ko. Hindi ako pupunta ng Dubai ang totoo ay magtatago at malayo ako sa kanila dahil baka pati sila madamay kung malaman nila na ang si Andrea at nasa amin.

"Basta kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Wag mong kalimutan yun." At hinalikan ko siya sa noo. "At ikaw naman Vivoree, wag mong pahirapin si mama mo? Ok?" Tanong ko rin sa bata at tumawa lamang ito sa akin. Hinawakan ako ang dalawang kamay nito at nilaro.

Ngunit hindi nagtagal ay umalis na ako. At buhat nun nawalan na ako ng komunikasyon sa kanila. Pero tuwing kaarawan ni Vivoree na ito rin ang araw ng pagdakip ko sa kanya at pupumunta ako ngunit nasa malayo.

Pero isang kaarawan niya ang hindi ko pinalampas. Kunwaring nakauwi ako galing Dubai may mga dala akong chocolate at damit pero ang totoo, binili ko lamang jan sa sa grocery at ukay. Nagcelebrate kami ng birthday niya at ganun umalis na ako.

At buhat nun, hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Huli na lang ng puntahan ang asawa ko sa puntod niya.

*flashback ends*

Tunulo ang mga luha ko dahil sa katangahan na ginawa ko. At ngayon, Andito sa harapan ko ang taong may kakagawan ng lahat!

"Alam mo rin bang, nagnegative sa DNA test ang anak DAW ng mga Thrillward na nasa kabaong na ngayon?"

Sa mga oras na yun, kinabahan ako at naramdaman ko ang hindi pagnormal ng tibok ng puso ko.

Hindi ako kumibo, ni hindi manlang ako makakilos. Hindi niya pwede malaman ang katotohanan! Kung hindi, mapapahamak si Vivoree.

"Wala na akong alam jan" pinipilit kong maging kalmado.

Ngunit, tumawa lamang siya. Para siyang baliw na tumatawa.

"Hahaha! Paano nangyari yun? Haha!"

Tsk.

"Umalis ka na lang. Please."

"Tch. Palpak ka talaga kahit kailan. Paano nangyaring ibang bata ang nailibing ha?! Buhay si Andrea! Buhay!" Malakas at matapang niyang tulong ngunit pasigaw pa rin ang dating sa akin. "Tch. Pero pwede din, kung kinuha at tinago mo si Andrea" sabay ngisi niya sa akin at nagcrossarms at nagbigay siya sa akin ng isang nakakalokang ngiti.

Ramdam ko ang pagnginig ng mga kamay ko, hindi dahil sa takot kundi sa inis na nararamdaman ko.

"Kung tinago ko man si Andrea, para saan?" Matapang kong sabi.

"Sige, dadaretsyuhin na kita George, may kinalaman ka ba sa pagkabuhay ni Andre---"

"Wala!" Agad kong sabi. "Umalis ka na Laura! Ayaw ko nang makita ka!"

"Tch... Sige, aalis muna ako pero hindi ko mapangako sayo na hindi na  tayo magkikita. At isa pa, pakisabi sa peste mong anak na layuan ang anak ko, kung hindi pati anak mo, masasaktan at isa-isa kong pahihirapin. Adios amigo!"

Hindi ko na nagawang silipin pa siya sa kaniyang pag-alis.

Halong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon.

Pasensya na Vivoree, alam kong mahal mo si Marco, pero hindi kayo pwede para sa isa't-isa. Kailangan mong maging masaya,mamuhay na walang ganito.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon