Chapter 81

46 0 0
                                    

Marco's POV

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi niya. Anong kasinungalingan na naman ito?

Nagagalit na mata ang iginawad ko kay Samuel na unti-unti nang nagpapakita na paghihina. The way he said it like he was truly sincere! No way na magiging kapatid ko siya. Right?

"And do you think he will accept you? Hahahaha! Samuel wake up! This is what you've dream right? To have a complete family! Your mother is with us! She will never leave us again! She is done using the Stanleys'!"

Sinara ko ang kamao ko at nangingig sa galit. Lahat ba ng narinig ko mula sa Patrick na yan ay totoo? Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Kahit nakatutok ang baril na yan sa akin, sisiguraduhin ko na bago niya pa iputok yan ay basag na ang mukha niya.

Natulala si daddy sa narinig ganun din si ate Chloe at agad na umiyak. Sumulyap ako sa kinalulugaran ng mga kaibigan at ng taong mahal ko. Nanghihina na ako. Pero kapag nakikita kong nasasaktan si daddy at si ate, nabubuhayan ako ng galit. My mom is a wicked witch. I know how rude she is but I can't believe he can do this!

"TANGGAPIN NIYA MAN AKO O HINDI, KAPATID KO SIYA!"

Ngayon ko lang narealize na ang white long sleeve niya ang gusot-gusot at may konting patak na ng dugo. Kalaban siya sa storyang ito. Anak siya ng demonyong lalaking iyan. Malang kasabwat yan sa pagpaplano pero bakit andito siya at pinipigilan ang ama niya? Talaga bang hindi pa huli ang lahat para magsisi at magbago?

Ang nakatutok na baril sa akin ay nawala at napunta sa ibang direksyon. Napatingin ako sa likod ko kung saan nakatutok kay ate Chloe na nakatayo at halos iyak ng iyak.

"Wag si ate!" Sigaw ko pero tumawa lang ito sa akin

"Sino ka ba para utusan ako? Ha?"

Umalingaw-ngaw sa buong kalsada ang pagdating ng mga itim na sasakyan. Nagsibabaan ito at naglabas ng mga baril at itinutok kay Patrick.

"BARILIN NIYO SIYA!" Malakas na sigaw at utos ni tito Andrew. Nasa likod ko na pala siya. Pero bago pa mangyari yun ay malakas barilan ang naganap galing sa mga tauhan ni Patrick. Lumabas ito galing sa loob ng truck.

May nilabas na baril si tito Andrew at ibinigay kay papa at sa akin. "Dad, wag ka nang-"

"Lalaban ako."

Wala na akong ibang nasabi. Hinanap ko si Patrick na ngayon ay katapat si daddy at tito Andrew.

May sumulpot na lalaki sa gilid ko pero bago pa niya ako barilin ay inunahan ko na siya. Sinipa ko ang tuhod at siniko ang panga. Nahulog nito ang baril dahilan para damputin ko at itutok sa kaniya. For peace. For my love Vivoree. Binaril ko ang balikat niya. "Marco wag kang pumatay!" Pagbanta sa akin ni Samuel na nakikipagsuntukan ngayon sa kalaban.

Tumakbo ako palapit kanila ate na iyak na iyak dahil sa takot. "Ate, I need you. Please be strong. Ate!" Iyak pa rin siya ng iyak pero tumango naman siya. "Ate, check mo yung vitals nila at maari sanang bigyan sila ng first aid kit. Nasa loob ng kotse-"

"Ako na ang kukuha" sabi ni Isabelle. Tumakbo agad siya sa loob ng sasakyan. Binigay agad ni Elle ang first aid kay ate at tumungo kami agad sa mga kaibigan.

"Ate pakiuna si Vivoree." Tumungo kami kay Vivoree na walang malay. Thanks God humihinga siya!

"Marco" napalingon ako sa likod ko at nakitang unting-unting tumatayo si Edward na may dugo sa braso. Tinulungan ko siyang makaupo at halos nanakit ang ulo dahil sa nangyari. "Aray" sabi niya sabay tingin sa braso niya. "Si Jia?" Hinanap niya agad si Jia na nasa tabi ni Yong habang walang malay. "Jia!" Agad siyang tumakbo sa tabi niya at niyugyog. "Jia!" Halos mang hina ako nang makitang umiiyak ang kaibigan ko dahil sa nangyari. Chineck ko ang pulse niya buti ay meron.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon