Chapter 21

257 12 0
                                    

"Ito best, maganda ito" sabi sa akin ni Tiffany sabay abot ng isang black dress. Maganda siya pero parang hindi ko feel para sa akin.

"Hindi. Masmaganda ito." Sabi naman ni Claire at abot ng red cocktail dress. Ang ganda pero parang over naman sa formal.

"Hays. Ito ang suotin mo." Sabi ni Erica at inabot sa akin ang white and gold na off shoulder dress. Ang ganda.

(Yung picture nasa taas ☝☝☝)

Pagkatapos pumili, may naglagay ng make up ko. Isa siyang make-up artist. Bumalik rin kasi sila sa ulit sa sari-sarili nilang room para mag-ayos din daw sila. Wala kasi akong dalang dress wala akong pera at ang sabi kasi nila sila na ang bahala kaya ayun, sila ang nagdala at pumili sa akin.

Pagkatapos sinuot ko na rin ung dress. Ang ganda talaga.

"Mam, ang ganda niyo po." Sabi sa akin nung make-up artist habang inaayos yung gamit niya.

"Salamat haa. " sabi ko at ngumiti. Di nagtagal, dumating na din silang tatlo.

"Woah!"

"Ang ganda mo girl."

"Vivoree, ikaw na ba yan?"

Pare-pareho silang gulat at masaya.

"Tama na yan. Tara na. Naghihintay na sa atin sila Edward sa baba." Sabi ko. Nagpaalam na rin yung make-up artist ko at sumunod na rin kami. Pagkababa namin, nakita namin yung lima na nagcecellphone.

"Sige Liezel papunta na kami jan.••• oo••• antayin lang namin sila Vivoree papunta na sila dito••• sige, bye

Rinig kong sabi ni Jake sa cellphone niya. Maya-maya, napatingin siya sa dereksyon namin at napadpad ang mata niya sa mata ko. Ewan ko kung matutuwa ako sa reaksyon ngayon ni Jake na nakanganga.

"Jake, tawagi---" hindi na rin natuloy na sabihin ni Yong ung sasabihin niya ng napatingin siya sa dereksyon namin.

"Wala pa ba sil--" hindi na rin natuloy ni James yung sasabihin niya ng napatingin rin siya sa dereksyon namin.

"Ano yan? Maganda ba si Vivoree? Fafa Edward ohh!" Sabi ni Erica at tinignan niya si Edward at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakita kong nakatingin rin pala siya sa akin.

Lumapit sa akin si Edward at tinignan ako sa mata. "Ang ganda mo talaga Vivoree." Sabi niya at ngumiti. Ewan ko basta napapangiti na lang rin ako.

"Thanks. So, let's go?" Tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang ako napalingon sa dereksyon ni Marco.

Dug...

Dug...

Dug...

Nakatingin rin pala siya sa akin. Isang seryosong tingin.

Pero bakit ko ba ito nararamdaman? Siguro sa galit ko lang sa kanya.

Hindi ko na lang siya pinansin at daretsyo na lang ako naglakad papalabas ng hotel. Sakto, andun na yung van na sasakyan namin. Yung dalawang van. At meron rin silang nakuha na magmamaneho nun.

Ako na ang unang pumasok ng van para katabi ko ang bintana, pagtingin ko sa kabila kong side si Claire pala ang katabi ko.

"Sa kabilang van sumakay si Edward kasi ako yung nagrequest na kami na muna ang kasama mo ngayon at para makausap nila si Marco." Seryosong sabi ni Claire.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon