Chapter 82

25 0 0
                                    

Vivoree/ Andrea's POV

Dahan-dahan akong nasisilayan ang ilaw mula sa kinaroroonan ko. Malabo ito sa una pero nung kumurap muli ako ay naging malinaw na ito.

"Andrea"

Napalingon ako kanila mommy na tumutulo ang luha. Hinawakan ni papa ang kamay ko at hinalikan ito.

"I thought we will gonna lose you again" nangingiyak na sabi ni papa.

Ramdam ko pa rin ang panghihina at pananakit ng katawan ko. Wait, my friends! "Mom, sila Rachelle? Sila Claire? Ma sila Yong? Ma asan-"

"They are fine. Now relax for the meantime darling" pagkalma sa akin ni mom.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon. Pero nahilo na naman ako na para bang bumabaliktad ang sikmura ko at nasusuka. "Ma, nasusuka po ako"

Agad na kinuha ni dad ang isang plastik sa gilid. Hindi ko na natiis at agad akong dumuwal doon. Madalas ang paganito ko. Feel ko may sakit talaga ako. Sinandal ko ang katawan ko sa kama ko pagkatapos dahil parang umiikot ang paningin ko.

"Anak, may hindi ka ba sinasabi sa amin?"

Nagtataka akong bumaling kay mommy na nag-aantay ng sagot ko ngayon. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka, pag-aalala at the same time ay saya. Halos nagkasalubong ang kilay ko. Ano yung sinasabi ni mommy? Wala naman akong hindi sinasabi.

"Wala naman po" sagot ko. Pero tila ba masnangamba sila.

Pareho silang nagkatitigan. It's like, they are talking within their eyes. Nagsimula akong kabahan dahil parang may something. "What is it ma?"

Tumingin sila pareho sa akin na para bang nahihirapan silang sabihin kung ano man iyon. Gusto kong kamapantahin ang sarili pero hindi ko magawa dahil sa tensyon na nararamdaman ko. I feel something weird. Until I remember him. May nangyari ba sa kaniya?!

"Anak"

Shit. Ito na ba? Kinakabahan na ako sa nangyayari. May nangyari bang masama sa kaniya? Or sa anak nila Elle?

"You are three weeks pregnant."

Halos napanganga ako sa sinabi ni mama sa akin. Kumurap pa ako dahil baka nanaginip lang ako pero hindi! Tama ba ito? Buntis ako?

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot dahil wala siyang ama na madadatnan. Na ang ama niya ay may responsibilidad din sa iba. Bumigat ang dibdib ko at kusang tumulo ang mga luha. Dapat bang malaman niya ito? For what? Wala naman na kami.

Wala na akong nagawa kundi pahirin ang mga luhang tumutulo sa akin. What I have done?

"Let's go back to States after two days. Hihingi ako ng permission sa doctor mo na pwede kang magbyahe, there, we will take care of you and the baby inside of your womb. Let's start there again. Forget all about this." Aniya ni mama sabay hawak sa balikat ni dad.

Maybe this is the solution for this shits. Sa lahat ng mga nangyari sa aking buhay, ang pamilya ko pa rin ang anjan para masandalan ko. Nagpahinga ako for the whole day. Walang pumasok o bumisita sa akin. Siguro hindi pa hinayaan nila mam.

Kinaumagahan, dumalaw si tita Rita. Dinalhan ako ng prutas ngunit hindi rin siya agad nagtagal dahil kailangan balikan si Rachelle. Gabi na pero wala pa rin akong ginagawa kundi humilata dito sa kama. Gusto ko makita sila Claire. Gusto ko silang kamustahin pero nahihiya ako. Dahil ako ang dahilan kung bakit sila nagkaganito. At si Marco? Di ko alam kung bakit ni anino niya hindi ko makita rin. May nangyari bang masama sa kaniya?

Palihim kaming umalis sa sumunod na araw. Ni isa sa mga kaibigan ko at sila tita Rita ay hindi namin sinabihan. Sabihin na nating ito ang gusto ko. Dahil kapag nakalayo na ako, malalayo na rin sila sa piligro. Mabigat at mahirap ang pinagdadaanan nila ate Chloe ngayon kaya ayaw ko na rin dumagdag. Pero bago ako lumabas ng hospital, hindi ko hinayaan na hindi mag-iwan ng sulat sa kanila. Sa buong araw ay iyon ang tangi kong nagawa para sa kanila bago pa man ako umalis.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon