Chapter 25

180 11 1
                                    

Dumating na yung dalawang van na sasakyan namin pabalik ng hotel. Nakakapagod rin palang magcamping pero enjoy naman.

Bubuhatin ko na sana yung gamit ko at ilalagay sa likod ng van pero pinigilan ako ni Edward

"Ako na lang. " sabi niya at kinuha niya yung bag ko.

"Salamat"

Tinignan ko muna yung paligid. Babalik rin ako dito.

"Vivoree, pwede daw ba na tulungan mo si Marco sa mga buhat niya sa tent niyo, may gagawin pa kasi ako." Sabi ni Erica at umalis.

Naging mabait at misteryoso si Marco sa akin ngayon. Ewan ko, isama mo na rin si Erica.

Busy si Edward sa pag-aayos ng mga bags namin sa van na sasakyan namin kaya hindi na ako nagpaalam dumaretsyo na lang ako sa tent namin.

Pagpasok ko duon, nakita ko si Marco na nakakalat ang gamit niya.

"Bakit nakakalat ito?" Turo ko sa mga gamit niya.

"May hinahanap ako. May nakita ka bang nilabas ko na panyo tapos nakalagay ay MAE? kulay aqua siya." Sabi niya at patuloy sa paghahanap.

Panyo lang naman pala eh

"Bili ka na lang ulit. Ang dami mo namang pera"

"Mahalaga sa akin yun."

Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Kasama ko si mama sa park nun, tapos habang naglalaro ako swing, may nakita akong lalaki na umiiyak sa isang bench, naawa ako, binigyan ko siya ng panyo. Nagpasalamat siya sa akin tapos tumakbo ako pabalik kay mama.

Asan na kaya yung batang yun?

Hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya.

"Ayun!" Sabi niya at pinakita sa akin. Ang hilig ko kaya sa aqua color.

"Tulungan na kita" sabi ko, at sabay naming nakuha yung damit niyang puti pero imbis na yung puting damit yung nakuha ko, yung kamay niya ang nakuha ko.

Dug...

Dug...

Dug...

Napatitig ako sa mata niya. At bumaba agad ang tingin ko sa mga labi niya.

Shekks.

Tukso! Layuan mo ako!!

"Do you want to taste it?" Mahinahon niyang tanong sa akin. Bigla ko naman inayos ang upo ko at ang damit ko.

"Yaks! No!" Sabi ko at tumawa.

Ngumisi na lang siya sa akin.

Tinapos na lang namin yung pag-aayos sa gamit niya. Pagkatapos ay tumayo na siya para ilabas yung gamit niya.

"Marco" pigil ko sa kanya

"What?" Sabay lingon sa akin.

Ano ba? Anong sasabihin ko?

"Uhmm... virgin ka pa ba?" Aboossh! Bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko?! Nakakahiya tuloy!

Tinakpan ko yug mukha ko gamit yung palad ko. Nahihiya tuloy ako.

"Wag mo nang sagutan. Mali lang yung tanong ko." Sabi ko at tinanggal ko yung mga palad ko, pero nakayuko lang ako ngayon.

Nakakahiya!

"Tss. Halika na nga dito. Baka hinahanap ka na ni Edward" sabi niya at sumunod na ako sa kanya.

Buhat ko rin yung isang bag niya, ang dami niya kasing dala. Akala mo, lilipat na ng bahay eh.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon