Chapter 66

48 1 0
                                    

Vivoree's POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Is it real?

Bakit parang ako nasurpresa?

Nakatitig ako sa kaniya ng malalim habang nakapikit siya at mahimbing na naka upo sa swing at nagigitara.

At nang dumating na ang first lime ng kakantahin niya ay dinilat niya ang mata niya at ako agad ang tinignan niya.

Minamasdan kita

Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Parang may drum sa katawan ko at electricidad na hindi maintindihan. Halos naestatwa na nga ako dito.

Mapupulang labi

At matinkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit

Dahan-dahan akong lumalapit patungo sa kaniya.

Madilim na , nakasundi na rin ang mga kandila. Humangin ng konti kaya ang ganda tignan ng tela sa gilid ng swing, parang sumasayaw.

Napangiti ako sa kaniya ng narealize ko na kung gaano ako kaswerte dahil sa akin siya.

Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumali

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sanay sagutin mo rin

Ang tanong ko sayo

Natawa ako dun sa last lyrics niya, pinalitan niya.

Binitawan niya ang gitara at nilapag sa damuhan at naglakad siya papalapit sa akin at niyakap ako agad.

"Akala mo masusurprise mo ako ha?" Panunukso niya sa kin habang magkayakap kami kaya natawa ako.

Oo, akala ko siya talaga. Iba talaga, iba talaga ang lalaking ito.

"Sino ang nagtip sayo?" Tanong ko sa kaniya at dahan-dahan niluluwagan ang pagkayakap sa kin.

"It doesn't matter." Malambing niyang sabi.

Tinignan niya ang madilim na langit at ganun din sa mga tao na nanonood sa amin.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon