Chapter 49

120 7 0
                                    

Vivoree's POV

Ang sakit ng likod ko. Talagang nakatulog ako eh. Pagtingin ko sa cellphone ko, ang daming missed calls.

8 missed calls from Yong
6 missed calls from Erica
12 missed calls from Claire
7 missed calls from Rio
5 missed calls from Jake
7 missed calls from James

and 1 missed call from Tita Abby.

Eh si Marco? Aysus! Wala.

Psh. Kinareer na talaga niya ang pag-babantay sa babaeng yun. Aish.. Sa sobrang busy niya, pati ako, nakalimutan na niya.

Pero si tita Abby, bakit siya nagmissed call?

Chineck ko yung inbox ko, ang daming unread messages.

Asan ka?

Vivoree! Where are you?!

Are you alright?

Beshiee.. San ka na?

Hindi ka umattend ng practice, san ka ngayon?

Huy!

Ang dami pa nilang text pero isang text ang halos makabuo na ng araw ko.

From: Tita Abby
Vivoree? You didn't answer my call. I think you're really busy practicing. Anyway, we have a good news for you. We already found you dad. Go home after your practice. He wants to see and tell you something. Ingat anak.

Bad mood ang araw ko ngayon, siguro, ito ang nag-iisang rasom kung bakit kailangan kong maging good vibes ngayon. Ang saya!

Ang isang bagay na hinahanap ko noon pa lang, ay sa wakas! Nahanap ko na!

Tumayo ako at pinagmasdan ang magandang campus ng Stanley University.

"Vivoree!" Napalingon ako sa likod, nakita ko si Rio at Claire, hmm.. I smell something fishy.

Hangga't sa dumating na yung iba.

Pero ang nakaagaw ng pansin namin ay ang may tumawag sa phone ko.

Marco

"Should I answer it? Or ignore it? Like the way he did to me"

Ignore? Yes, gusto kong i-ignore na lang. Dahil siya, ang dami kong missed calls sa kanya at text pero ano? He just ignore it because he is busy taking care of his EX.

Answer it? Yes, gusto kong sagutin. Dahil gusto kong marinig ang boses niya, gusto ko siyang kamustahin, tanungin kung ok lang ba siya. Dahil feel ko may gap kami ngayon. Hindi na niya kasi ako pinansin buhat nung umalis siya sa gym kahapon.

At gusto ko rin siyang awayin! Dahil sa kanya, napuyat ako! Nag-antay ako sa kanya baka sa kaling magparamdam, pero WALA.

Lesson learn,

Wag kang mag-antay sa isang bagay na walang kwenta.

Tss.

"Nag-aalala siya sayo." Sabi ni Jake .

Sasagutin ko na sana kaso biglang nag-end na yung call.

Inaasahan ko na tatawag siya ulit, pero hindi na.

Three o'clock na pala ng hapon kaya medyo mainit. Grabe naman yung tulog ko dito.

"Uwi na ako. May importante pa akong gagawin." Sabi ko at kumaway  sa kanila.

Bwisit kang mokong ka!

.........

Yong's POV

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon