Chapter 48

106 8 0
                                    

Vivoree's POV

Ilang araw na ang nakalipas, masnagiging close na kami ni Marco. Masnakikilala na namin ang isa't-isa. Marami ngang galit sa akin na babae dahil inagaw ko daw sa kanya ang Marco nila. And so?

"Vivoree oh"

Inabot sa akin ni Rio ang isang bote ng tubig at tinanggap ko naman ito. Pagod na rin ako sa kakapractice. Next week na kasi.

"Salamat."

Nagvibrate ang phone ko. May nagtext.

From: Marco
Punta ka sa cafeteria.

Kusa na lang ako tumayo at inayos ang gamit ko.

"Rio, mauna na ako."

Tumakbo ako agad sa locker ko at ilagay ang ilang gamit. Pagkasara ko, biglang may humablot ng kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngunit, ngumisi lang siya sa akin.

Tinanggal niya ang pagkahawak sa kamay ko at hinawakan ang baba ko.

"Stay away from Marco. Or else, isusumbong kita kay tita." Mataray niyang sabi.

Naglakad na lang ako ulit. Ayaw ko siyang makaharap.

Ngunit, hinarangan niya ako ulit. Ugh!

"Wala ka sigurong galang noh? Kinakausap kita, pero binabale wala mo lang. Tss. Gusto mo ba si Marco? Or ginagamit mo lang siya dahil may pera sila."

Ano? Ginagamit si Marco dahil may pera sila? Anong tingin niya sa akin? Habol ko lang yung pera?

"Anong pinagsasabi mo Isabelle? Hindi ko siya hinahabol dahil sa pera. Eh ikaw? Bakit ngayon? Hinahabol mo siya? After all, iniwan at sinaktan mo lang naman siya." Hindi siya nakasagot. Tama naman kasi diba? May kailangan rin siya kay Marco kaya niya ginagawa yun.

Naglakad na lang ulit ako at binilisan ko talaga para hindi na niya ako maabutan. Pagkapasok ko sa cafeteria, nakita ko sila Erica at Claire kasama ang Royals.

Umupo ako sa gitna ni Claire at Yong.

"Bakit nakasimangot ka jan? May problema ba friend?" Tanong ni Erica sa akin at nagsitinginan rin sila sa akin lahat.

Ugh! Anong sasabihin ko?

"Wala. Bad day lang siguro. " sabi ko at ininom ang tubig galing kay Rio.

Napatingin ako kay Edward na mukhang antok na antok. Nagpupuyat ba yang lalaking yan? Bakit?

"Sige , andito ako para sabihin sa inyo na, may party mamayang gabi sa bahay. I-cecelabrate kasi natin ang birthday ko." Nagpalakpakan naman sila sa saya.

"Bakit? Hindi ba natuloy? Diba inanounce mo na yan noon? Hindi ka nagcelebrate?"

Nagtataka na talaga ako. Kaya nagtanong na lang ako.

"Hindi yun natuloy. Ayaw niyang ituloy." Sabi ni Yong nagclap silang dalawa ni James.

"Bakit?" Tanong ko

"Kasi, wala ka." Seryoso niyang sabi s akin.

Naalala ko, wala kasi ako dahil nung nasa hospital pala ako nun. Bakit hindi na lang niya tinuloy?

Kumain kami at libre ni Edward. Ewan ko, masaya siya na ewan na inaantok. Baliw ang peg.

Naglalakad kami ni Marco sa hallway, ihahatid niya daw ako mamaya daw may lalaking umaligid sa akin. Seriously?

"So, next week na pala ang contest. Sorry."

Ewan ko kung bakit siya nagsosorry.

"Bakit ka nagsosorry?" Kusa na lang siya nalungkot.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon