Chapter 77

27 1 0
                                    

Have I done any good? Or bad? Is this karma?

Andito kami ngayon sa bahay nila tita Rita dahil dito nilamay si papa dahil nirequest niya daw ito kay tita. Matagal na rin ang huli kong pagpunta ko dito. Ikadalawang araw na ng lamay at marami na ang bumisita, halos ilang kakilala at kaibagan ko sa school ay nakiramay pero ni anino ni Marco, hindi dumating. May mga kamag-anak si mama at sila tita Rita na dumalaw at nakiramay pero hindi ko sila kilala pero kilala na ako. Ironic right?

"Atleast, hindi na siya nahihirapan. Payapa na siya ngayon." Sabi ng isang kamag-anak sa side nila papa. Kapatid ni papa si tita Rita at dahil hindi maganda ang trato noon ni tita sa akin, wala siyang pinakilala sa akin sa mga kamag-anak nila at kung nakita ko man sila, noon pa yun noong bata pa ako.

Inakbayan lang ako ni Yong para i-comfort ako. Hindi ko alam kung alam na nilang wala na kami ng leader nila kasi nagtataka sila kung bakit wala siya kahapon pa. Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa sofa at tahimik lamang kami. Wala rin silang alam sa pagpunta ko sa Cagayan tanging si Jake lamang .

"Ilang araw na naming hindi nakikita si Marco. Nagtanong kami kay tita, ang sabi ay pumunta daw ng Singapore. Tapos ngayon hindi pa umuuwi? Alam niya ba ang nangyari kay papa mo?" Tanong ni Rio sa tapat ko.

Paano ko ipapaliwanag sa kanila ito? Balak pa naman nila mama na magkakaroon ng ng party pagkatapos ng graduation ko para i-anounce na ako si Andrea. Isang linggo pa yun. Buti naman kahit na ang dami kong ginagawa ay naasikaso ko ang thesis ko at tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Hindi rin nila alam na may anak na siya Elle. Hays.

"W-wala na kami" wala kong ganang sinabi kaya nagsilakihan ang mga mata nila.

"Ano?"

"Anong nangyari?"

"Paano nangyari nasa Singapore siya?"

"Weh?"

"Totoo?!"

"Bakit di ko alam yan?"

"Bakit kasi Yong? Lahat gusto mong malaman? Chismoso ka. Nakakabakla. Hahaha"

Alam kong pinapagaan lang ni James ang pakiramdam ko kaya siya nagjoke nun kay Yong pero ngayon, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko lahat ng panloloko niya sa akin.

"Pero diba nasa Singapore siya--"

"No Yong. He's here. Hindi siya umalis ng bansa" nagtatakang tanong ang ibinigay nila sa akin. Nginitian ko na lamang sila kahit tumutulo na ang aking mga luha.

"Then, where is he?" Nagtatakang tanong ni Ed at namumula na ang leeg at mukha dahil siguro sa galit.

Should I tell them? Na magkakaroon na ng anak ang leader nila? Na niloko niya ako?

Gumalaw si Yong sa tabi ko at hindi niya inaasahan na magalaw ang malaki kong gasgas sa braso kaya napasigaw ako. "Aray!" Nagtaka si Yong kaya napatingin siya sa braso ko na tinakpan ko ng isang long sleeve na damit. Tinaas niya ito at nakita nila ang gasgas ko.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ni Yong na medyo tumaas ang boses.

Napatingin ako kay Jake na nakanuot ang noo at magkasalubong ang kilay. Ilang araw ko siyang kasama at alam niyang wala akong ganyan.

"Vivoree? Mag tinatago ka ba?" Tanong ni Erika sa akin. Kinakabahan ako. Paano ko ito uumpisahin? Malalaman nila kung bakit ako nasa airport na pumunta ako sa Cagayan at magtatanong kung anong ginawa at sinong kasama ko. Wala pang balak sila mama na sabihin na ako si Andrea dahil sa mga taong nagmamanman sa akin.

"We went to Cagayan because of personal issues." Simpleng sinabi ni Jake dahila para yugyugin ako ni Yong sa tabi ko.

"Pumunta kayo ng Cagayan?! Bakit hindi niyo ako sinama?!"

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon