Chapter 24

231 14 4
                                    

Marco's POV
Akala mo kung sino ang mga ito, sasama rin naman pala sa akin.  Sabi ko na nga ba, hindi nila matitiis ang kagwapuhan ko. Charr..

"Brad, asan na ba tayo? Naliligaw ata tayo eh." Sabi ni James at patuloy lang sa paglalakad sa gubat.

Tinignan ko kung may signal na yung cp ko, good thing meron na. Chineck ko yung GPS ko, sabi malapit na daw kami sa daan at may malapit na convenient store.

"Malapit na tayo. Dito tayo" sabi ko sabay turo duon at daretsyo lang kami sa paglalakad. Ramdam ko rin ang pagkakairita sa amin ni Edward. Kausapin ko nga ito mamaya.

Hangga't sa makarating kami sa daan at sa di kalayuan ay  nakita na namin ang convenient store. Agad rin kami pumasok sa loob at hindi ko alam kung paano kami bibili. Nakakahiya! Medyo marami pa naman ang mga tao.

"Ayun! Ayun yung mga napkin!" Napatingin tuloy sa amin yung mga tao tapos tumawa. Lintik naman kasi itong James na ito eh, ang ingay , pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

Pumunta na lang kami sa pwesto kung saan yung mga napkin. Anu ba ito? Ang dami namang klase ng napkin. Ano kaya ang ginagamit ni Vivoree dito?

May dumaan na babae sa likod ko, dito kaya ako magtanong.

"Uhm, miss, pwede po bang magtanong?" Tanong ko at bigka siyang ngumiti sa akin

"Ano po yun?"

"Ano dito ang pinakamagandang quality ng napkin?" Tanong ko, tapos bigla niya ako tinignan at tumawa.

"Haha! Yun ba, depende kasi sa gumagamit. Kung ano yung gusto niya. Pare-pareho lang naman ang mga napkin jan. " sabi niya at umalis.

Ano kaya ang pipiliin ko?

-----

"Sir, bakit po ang daming napkin? Para po ba sa girlfriend mo?" Tanong sa akin nung cashier sasagot sana ako ng inunahan ako ng karibal ko.

"Hindi niya girlfriend yun" sabi ni Edward sa likod ko kaya agad ko siya nilingunan at ngumisi.

Agad ko rin naman tinignan ang cashier.

"Hindi ko siya girlfriend sa ngayon, pero someday, she will be my girlfriend and soon to be my wife also." automatic na lang ako napangiti sa sinabi ko. Tinignan ko naman yung cashier, kinikilig pati rin si James at Jake na tumatawa. Tinignan ko rin si Edward at parang iritado siya.

Tsk. Masgwapo kasi ako sayo Edward.

Binigay ko na yung bayad. Halos tatlong supot rin ng napkins ang nabili ko. Binili ko lahat ng tag-iisang klase ng napkin, bahala na lang si Vivoree pumili.

Agad rin kami bumalik, at sa tulong ng GPS ay agad rin kami nakabalik sa lugar nila pero nawalan na din ng signal yung cellphone ko, tatawagan ko sana si mama para kamustahin pero wala na.

"Bakit ba ang tagal niyo?" Tanong ni Yong sa amin at tinignan ang mga supot na hawak namin. "Bakit ang dami naman niyan?" Tanong niya ulit.

"Masyado ka namang mainipin Yong. Buti pa nga hindi ka sumama. " sabi ni Edward at tumawa ng malakas si Yong.

"Hahaha!" Tawanan nila lahat.

Agad ko namang hinanap si Vivoree andun lang pala siya sa gilid kasama si Erica. Agad naman ako lumapit sa kanya.

"Vivoree, ito na oh. Pili ka na lang jan. Hindi ko kasi alam kung ano yung ginagamit mo." Sabi ko sabay abot ng mga pinamili namin.

"Ang dami naman nito. Pero salamat. " sabi niya at kinuha naman ung mga pinamili namin at pumunta na siya ng tent.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon