Chapter 15

281 15 1
                                    

Dedicated to Pinaasa09. salamat po kuya sa pagbabasa ng story na ito. . .

----------------

Vivoree's POV
Andito ako ngayon sa sakayan ng jeep . Ngayon kami pupunta ng Tagaytay. Birthday ni Liezel. Sumakay na ako sa loob ng jeep at tinignan ko ang cellphone ko. Ops. Ipon ko yan mamaya sabihin nanaman ni tita, ninakaw o kinupit ko yun sa kanya. Iphone5 nga lang naman. Ngayon, naalala ko na naman siya. Hindi ko siya maintindihan.
"Pero alam mo kung ano Yung masmasakit? Yung may tao ka ng gusto ngayon na tila ba dahil sa kanya,nakalimutan mo Yung mapapait mong nakaraan, pero hindi ka niya kayang mahalin dahil may Mahal siyang iba."

Diba? Masyado siyang problemado.

Magsasalita pa sana ako kaso bumukas na yung pinto. Nasa baba na pala kami. Pagkatapos, lumabas na siya agad tapos, hindi na ulit kami nag-usap.

"Manong bayad po. Sa Stanley Subdivision po." Tapos inabot ko na Yung bayad. Hays. Ang aga pa. 5:57 AM pa nga lang eh. Eh sabi kasi nila, dapat 6:30 kompleto na kami at sa bahay nila Marco ang tagpuan. Hindi sasabay si Liezel sa amin kasi kailangan niyang mauna duon.

Ilang minuto, nakarating na rin ako sa subdivision. Papasok na sana ako kaso pinigilan ako ng guard.

"Miss. Saan ka po pupunta?" Huh? Hindi ba ininform ni Marco na pupunta kami dito? At hello, ito ay Stanley Clark Subdivision for sure, kanila Marco ito.

"Kuya, kanila Marco Stanley po. Kaibigan niya po ako. Ay classmate pala po." Totoo naman. Hindi kami magkaibigan, classmate pwede.

"Ano pong pangalan niyo?"

"Vivoree Mae Alcantara po." Tapos tinignan niya Yung Padang book niya or notebook ata basta! Yun na yun.

"Sorry po. Pero wala po kayo sa listahan na pupunta sa bahay nila ngayon" waah! Ano ba yan Marco?! Pinagtitripan na naman niya ba ako?

"Pero kuya---" dii ko na natuloy Yung sasabihin ko ng hinahatak na niya ako papalayo.

Natigilan na lang siya sa paghatak sa akin ng may dumaan na sasakyan sa amin at huminto. Ang ganda ng sasakyan. Dahan-dahang binababa nung driver Yung bintana. Wow. Ang ganda naman ng babae. Mukhang 40s na siya pero maganda pa rin at halatang mayaman.

"Mrs. Thrilward, ano pong kailangan niyo?" Thrilward? Parang familiar sa akin yun ha. Saan ko ba yun narinig at nabasa?

"May problema ba kayo Jan?" Waah. Ang bait niya. Ang ganda ng boses niya. Feel ko nga, nakasama ko na siya. Basta ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Mam, pinilit niya po kasi makita si sir Marco." Tapos tinignan ako nung Thrilward ba yun? Basta siya.

"What's your name my dear? What do you need from Marco?"

"I'm Vivoree. I am Marco's Classmate. Uhmm. Birthday po kasi ng kaibigan namin, at sa bahay po nila ang tagpuan kasi andun po yung sasakyan namin. Pupunta po kasi kami ng Tagaytay ngayon." Pagpapaliwanag ko. Ang hands na nga eh, puro English niya, pero sa huli, Tagalog pa rin.

"Aww. Kung ganun, halika na. Sabay ka na sa akin. Pupunta rin ako sa bahay nila." Sabi niya. Waah! Ganun ba talaga siya kabait? Sumakay na lang ako sa passenger seat niya. Nakakahiya.

Dahan-dahan niyang pinaandar Yung sasakyan naming tapos nag-umpisa na kami. Ang laki ng subdivision. Puros mamayaman yung mga nakatira dito. Hawak hawak ki lang Yung bag ko. Grabe, dii ako bagay dito

"Honestly, nagagandahan ako sayo" waah! Talaga? Ako maganda?

"Salamat po mam." Tapos ngumiti ako sa kanya.

"Wag mo na akong tawaging mam. Call me Abigail or tita Abigail kung duon ka maskomportable. " aww. Abigail pala ang name niya.

"Sige po. Tita Abigail." Sabi ko at ngumiti naman siya.

"Kasing edad mo ang anak ko." Talaga? Pero for sure, masmaganda siya sa akin. Ang ganda kaya ni tita abigail.

"Ganun po ba. Siguro, kasing ganda niyo po siya"

"Siguro" bakit siguro?

Ngayon, nasa tapat na kami nang napakalaking bahay or I should say, mansion. At for sure, bahay ay este mansion ito nila Marco.

At isa lang ang masasabi ko,

WOW.

Bumaba na ako sa kotse at sununod rin si Tita Abigail.

"Salamat po." Tapos ngumiti siya sa akin.

"Pasok ka." Tapos, sumunod na lang ako sa kanya. Pagpasok ko sa bahay nila Marco, masdouble WOW.

Ang ganda, walang wala sa bahay namin. Sala pa lang nila, buong bahay na namin eh.

Umupo kami sa isang malambot na sofa. Tapos, naglagay ng isang taxa na may kape at gatas ng isang yaya nila. Mukhang kilala na talaga nila si Tita Abigail.

Mamaya, nakarinig na ako ng mga yapak na nagmumula sa hagdanan. Pagtingin ko, si Marco, ang gulo ng buhok niya, mukhang kakagising niya lang tapos nakaboxer lang! Wow! Hot! Meron siyang six pack abs! Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Nagulat na lang ako, nasa harapan ko na pala siya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Parang wala lang siya problema eh noh?

"Tita, si mommy po nasa office niya. Punta na lang po kayo duon." Sabi ni Marco at tumayo na lang si tita. Feeling close talga ako. Hahaha. Pero feel ko, close naman talaga kami.

"Sige Marco, Vivoree, mauna na ako" tapos tumango na lang ako at umalis na siya.

Tapos tinignan niya ako ng nakakapatay na tingin. Ano na naman ba ginawa ko? Sa pagkakatanda ko siya pa itong may atraso sa akin.

"Bakit hindi mo nilagay yung pangalan ko sa listahan ng mga bibisita sayo? Buti na lang dumating si Tita Abigail." Tapos nanlaki Yung mga mata niya. Bakit ba?

"Tita Abigail? Ano yun? Kamag-anak mo siya? "

"Basta ang gusto niya, tita Abigail ang tawag ko sa kanya. Kuha mo? Kaya ako sayo, maligo ka na at mamaya, dadating na sila dito." Sabi ko at ngumisi lang siya sa akin.

"Dinidiktahan mo ba ako sa gagawin ko?" Tanong niya in a hasky voice at unti-unti niyang nilalapit Yung mukha niya sa mukha ko.

Dug...

Dug...

Dug...

"Pamamahay ko ito. At wag kang mag-alala, mabango pa rin naman ako." Tapos lalo niya pang nilalapit tung mukha niya sa mukha ko.

Ano ba? Rama na! Mahaheart attack na ako!

Nilalapit na niya Yung mukha niya sa mukha ko. Pinikit ko na lang Yung mata ko. Waah! Ano bng nangyayari?

Nilalapit ko na rin Yung mukha ko sa kanya. And......

"Hahahaha!"

Dinilat ko Yung mukha ko, aba! Tawa ng tawa ang mokong!

Pero, walang kiss na nangyari? Waah! Bakit?!

Akala ko pa naman eh,,,,

Ay wala!

Ano ba ito? Baliw ka na ba Vivoree?

"Hahaha! Akala mo hahalika kita? Hahahaha!" Ayan tuloy, niloloko ka. Kainis.

"Hindi noh!" Pagtatanggol ko. Essu Vivoree, huli ka na.

"I'll just take a bath baby." Sabi niya at umalis. Waah!! Ako ba baby? Lels! Laos na yun! Pero nakakakilig.

Para tuloy nageecho yun sa isip ko.

I'll just take a bath baby.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon