Chapter 69

57 4 0
                                    

Vivoree's POV

Walang umiimik sa amin dito sa loob ng kotse. Hindi ko tinitignan si Marco dahil kahit siya, hindi umiimik
Nakatuon lang ang atensyon ko sa cellphone ko at tinetext si Erica.

"How do you know each other?"

Biglang tumaas ang balahibo ko nang natanong siya sa akin nang ganun. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa kaba.

Hindi ko naikwento sa kaniya yung pagtulong sa akin ni Samuel. Pero wala naman na sigurong rason para malaman niya pa yun, matagal na yun. Ngayon nga lang ulit kami nagkita.

Pero bakit siya? Paano niya rin nakilala si Samuel? Parang hindi sila magkasundo. Samuel is a good guy.

"Answer me Vivoree Mae Alcantara. How do you know each other?"

Kalmado ang tanong niya pero alam mong galit siya. Why? May problema ba sa pagiging pagkaibigan namin ni Samuel?

Tinignan ko siya na matalim ang tingin sa akin kaya meron sa akin na parang kinurot ang puso ko. He is mad. Umiwas ako ng tingin at tinignan ang rear mirror ng sasakyan at nagkatitigan kami ni Jake. Umiwas rin ako agad at sinalubong ang masamang tingin sa akin ni Marco na halos pulang-pula na ang mukha sa inis at siguro sa sakit niya.

"May nagnakaw ng cellphone ko nung nasa Subic pa kayo. Nakipaglaban siya para mabawi ang phone ko sa magnanakaw, muntik na siyang saksakin buti nakailag siya. Of course nagpasalamat ako sa kaniya. And then, we became friends" sagot ko habang tinitignan ang mga mata niya.

Teka, bakit ako natatakot? Wala naman akong ginawang masama ah? Umiwas muli ako ng tingin at bumaling sa bintana.

"What happened before that? Hindi lalalim ang pagkakaibigan niyo nang ganun-ganon lang"

Hindi ko pa rin siya tinitignan. Tinitignan ako ang stop light na nakared ngayon habang nakacrossed arm ako.

Sasabihin ko ba sa kaniya na nagdate kami? I just want to be honest with him.

"We had a friendly date--"

"WHAT THE?!"

Tinignan ko siya ng masama dahil sa violent reaction niya.

"Hindi pa tayo noon!" Sagot ko sa kaniya. "Bakit? Bakit ba ang sama ng dugo mo sa kaniya? Is there something I need to know Marco Nueva Stanley?!"

Naasar na ako sa kaniya. Parati na lang kami nag-aaway ngayon. Bakit ba ang dami niyang lihim?

Umiwas siya ng tingin at hindi ako pinansin. Well, hindi ko rin siya papansin.

Ang hilig mo talaga sa mga sweet lies.

Tsss...

Pagkarating namin sa hospital, bumaba ako agad ng walang lingunan. Dare-daretsyo akong lumabas at nakita ko si Gielyn na lumabas rin at sumunod sa akin.

"Vivoree!" Tawag sa akin ni Gielyn dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at tinignan siya.

Duon ko nakita na sumunod pala sila Jake at Marco sa akin.

"Dadalaw daw sila--"

"Okay"

Yun lamang ang sinabi ko. Pagkapasok ko sa elevator, nakita ko pang naghalf run sila Marco para makahabol sila pero huli na at nagsara na ang pintuan ng elevator.

Kami lamang dalawa ni Gielyn sa loob.

"Paano niyo nakilala si Samuel? Bakit mukhang galit si Marco sa kaniya? Samuel is a nice guy."

"I think, si Marco ang dapat ang sumagot ng mga yan."

Tumunog na ang elevator at bumukas. Ang unang lumabas ay si Gielyn at sumunod ako sa kaniya. Pagpasok namin sa kwarto, nadatnan ko sila Edward at Jia na andun kausap ang dalawa kong Tita at si papa na nakikinig rin sa kanila.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon