Chapter 45

135 6 4
                                    

Umuwi ako sa bahay, sa sala nakita ko si Tita at Tito na busy nag-uusap.

Lumapit ako sa kanila at nagmano.

"Vivoree, mag-ayos ka na nang sarili mo. Nasa kwarto mo ang susuotin mo." Wika ni tita sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Bakit po?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi.

"Meron tayong dinner tonight with the Stanley Family."

Dahil sa walong salitang sinabi ni tito, kusa na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi dahil sa darating si Marco, pero yung meron yung nanay niya, Aishh..

Umakyat ako sa taas. Simple lang ang dress, color aqua, my favorite color.

*fastforward*

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

May nagbukas ng pintuan. At dahil sa reflection ng salamin, nakita ko kung sino ang nagbukas.

"Vivoree? Bakit nakatingin ka pa jan sa salamin? Bumaba ka na. " sabi ni tita. "At, andito na si Marco." Sabi niya, pero imbis na umalis na siya, lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Maganda ka. Inside and outside." Sabi pa nito.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Bumaba na kami , kinakabahan akong bumababa ng hagdanan. Kaasar.

Nang nakarating na kami sa sala, nagtagpo ang mga mata namin. Kusa na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nakita ko pa nga siyang ngumiti.

Pero, diba,sasama siya kay ISABELLE.

Ugh!

"Vivoree." Sabi ni Marco at nakipagshake hands pa sa akin.

Ano yan? Damoves?

"Musta?" Tanong niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa nanay niya na nakatingin sa amin.

Pinipilit komg tanggalin ang kamay ko sa kamay niya, pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Kung alam mo lang Marco, kung paano tumingin ang nanay mo sa akin ngayon.

"Ok lang ako." Sagot ko. "Pwede mo na bang tanggalin?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi pwede."

"Huh? Bakit?"

"Eh, kasi ayaw ko."

"Pssh. Eh sa gusto ko na ngang tanggalin."

"Eh ayaw pa nga ni gwapo."

"Eh gusto na nga ni maganda."

"Basta."

Wala na akong nagawa. Tinignan ko na lang sila tito na nakatingin pala sa amin ni Marco, nakakahiya!

Ang landi mo kasi.

"Marco." Nagsalita na ang nanay niya.

Kung alam mo lang Marco, na ayaw sa akin ng nanay mo.

Binitawan niya ang pagkahawak sa kamay ko.

"Pasensya na." Sabi ng tatay niya.

Wala talaga si ate Chloe. Sayang.

Umupo na ako agad sa upuan. Sumunod rin naman sila. Habang nilalagay ng ilang yaya nila tita ang pagkain sa lamesa, napatingin ako kay Marco na nakatingin rin pala sa akin ngayon. Kumindat siya sa akin, kaya bigla na lang ako ngumiti.

Teka, bakit ako ngumingiti? Hello, aalis na siya, sasama dun sa Isabelle na yun.

"Nagbablush ka" bulong niya sa tenga ko. Pssh. Bakit siya pa ang katabi ko ngayon.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon