Chapter 9

309 12 0
                                    

Vivoree's Pov
Ilang araw na ang nakalipas, wala ng nangbubully sa akin. Kapag nasa cafeteria nga eh, kahit ako yung huli sa pila, binibigyan nila ako ng daan para ako yung mauna na lang sa pila. Pagnalalate ako sa klase, dii ako pinapagalitan ng prof ko. Kapag pupunta ako sa locker ko, lahat sila bumabati sa akin ng HI.

Pakiramdam ko, isa akong prinsesa. At ngayon ko lang yun nararamdaman salamat kay Marco. Pero parang naiilang pa rin ako. Siyempre, hindi naman ako mayordoma. Isa akong alipin .

At sa araw na mga nakalipas, nalinawan ako, na mahal pa rin ni Edward si Liezel. Kapag breaktime, pinupuntahan ni Liezel si Edward at ang sweet nila. And it hurts me.

At sa mga ilang araw na ang nakalipas, parati ng lumalapit sa akin si Marco. Ano bang nangyayari sa mokong na yun? May sakit ata. Nakulangan ata sa gamot. Masnaging close ko na rin ang ibang ROYALS. At si Tita? Ayun, parating galit pa rin sa akin.

Papalakad na kami nila Erica sa GYM. May game ngayon ang school. Stanley University VS. University of Lemu. At kasali ang Royals.

Nakaupo na kami sa bleachers. At kita ko ang pagpasok ng mga basketball players ng UL (university of lemu) at sumunod naman ang mga SU (stanley university) at maslalong nagsihiyawan ang mga babae. Una kong nakita si James, sunod si Yong at Jake. Maya-maya, sumunod na rin si Edward at si Marco. Wala na ba talagang balak si Marco na ibalik si Edward sa Royals?

Nakaupo lang ako samantalang sila Erica, naghihiyawan dahil ang gwapo daw ng mga kalaban. Masgwapo si Edward sa kanila!

Ngayon, nagwhistle na yung referee.

Nag-jumble na sila at napunta ang bola kay Yong. Galingan mo Yong!

Nakita ko si Marco na tumatakbo. Si Marco ata ang captain ball.

Pinasa ni Yong yung bola kay James at maslalong nagsihiyawan yung mga babae. Ang lakas talaga ng appeal ni James sa mga babae. Babaero talaga! Akay James na yung bola akala ko ishushoot na niya yun pala pinasa niya yun kay Marco. Eh ang layo kaya ni Marco.

Boogsh! Shoot! 3 points! Ang galing ni Marco!

"Yehey!" Sigaw ko at yun ang naka-agaw ng pansin nila Claire.

"Essu. MapaMARCO ka na pala ha.." sabi ni Tiffany at tinusok ang bewang ko. Ay!

At ngumiti na lang ako. At binalik ko ang tingin sa court at nasa kalaban ang bola. Ang gwapo rin nungay hawak ng bola.

"Ang gwapo! I-shoot mo yan! Tapos akin ka na!" Sigaw ni Erica. Hahaha. Ang gwapo talaga kasi, may pagkahawig siya kay Daniel Padilla sa porma at kilos at kung paano maglaro si Daniel ng basketball ganun rin siya.

"Drake!" Sigaw nung isa sa mga kalaban. So, Drake ang pangalan niya, oh diba, Daniel, Drake baka magkapatid sila? Chox.

Shoot! 3 points rin!

Aba! All 3 na.

Napunta na kay Jake ang bola.

"Jake!" Sigaw ni Edward kaya pinasa ni Jake kay Edward sa kanya ang bola.

"Go Edward!" Matinding sigaw naming apat. Kaya napalingon sa amin si Edward. Waah! Ang gwapo niya. Shinoot ni Edward ang bola at shoot! 3 points ulit.

Nakita kong papalapit sa amin si Liezel.

"Hii guys." Sabi ni Liezel

"Hi" sabay-sabay naming apat at ngumiti naman siya. Binalik na namin ang mata namin sa game. Nahihiya na tuloy akong magcheer sa Royals lalo na kay Edward.

Ayun, tuloy ang laro, ilang minuto na ang nakalipas ay 19-21 ang score. Lamang ang kalaban ng 2 points. Kaya yan ng SU.

"Time Out Stanley University." Sabi ng announcer. At umupo na sa upuan ang mga players.

Nakita kong kinakausap ng coach si Marco. At si Edward naman ay umiinon ng tubig.

Nakita kong papalapit si James sa amin. Ano naman ang problema nito?

Hangga't sa tumigil siya sa harapan ko.

"Uhm. Vivoree, pinapatawag ka ni Marco. Punta ka daw dun." Sabay turo niya sa akin sa baba. Anong gagawin ko naman dun?

"Bakit?" Tanong ko

"Basta." Sabi niya at nagpaalam na muna ako kanila Liezel na aalis lang ako. At sumunod na ako kay James. At papunta na ako sa baba at nakita ko si Marco na kausap pa rin ang coach nila. Ng naagaw ko ang pansin niya, agad nang natapos ang usapan nila at lumapit na sa akin si Marco. Wala na pala si James sa tabi ko, saan na kaya yun?

Dug...

Dug...

Dug...

Heart,wag naman ngayon oh. Kakausapin ko pa itong mokong na ito.

"Hey! Vivoree bakit dii mo ako chinicheer, bakit si Edward, Yong,James at Jake lang." Sabi niya. Marunong rin palang magselos itong mokong na ito. Pero bakit ko naman ichicheer? Porket siya yung captain ball eh, i-chicheer ko na siya? Eh paano kung ayaw ko talaga? May magavawa ba siya?

"Eh paano kung ayaw ko?" Sabi ko at nakita ko siyang ngumisi.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay yun sa balikat niya. Tinitignan ko lang mata niya na kita ang saya. Ang mapula niyang labi oh gosh! Vivoree ano ito?

"This game is for you." Sabi niya. What? Bakit para sa akin?

Nagwhistle na ulit means, back to the ball game. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinatak at hinili papalapit sa kanya, pakiramdam ko, slow motion ang nangyari.

Dug...

Dug...

Dug...

Ano na naman ito?  Wala akong naririnig. Bingi na ba ako? Pero may naririnig naman ako, yung tibok ng puso ko. Tibok ng puso ko lamang ang naririnig ko at ang tangi ko lamang nakikita ay si Marco. Tapos parang may sumusuntok sa tiyan ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Pinalo ko siya sa braso.

"Anong ginagawa mo mokong?!" Sigaw ko at tunawa na lang siya. Anong itinatawa niya?

"Bye." Sabi niya at umalis na siya sa harapan ko. Bumalik na lang ako sa bleachers at andun si Edward. Di ba siya maglalaro?

"Edward, bakit ka andito?"  Tanong ko at napatingin sila sa akin.

Umupo ako sa gitna ni Claire at Erica. Si Edward ay nasa gitna nila Tiffany at Liezel.

"Ehem" sabi ni Erica sabay pekeng ubo.

"Pumapagibig tayo Erica." Sabi ni Claire at nakipag-apir kay Erica.

"Ang daming langgam kanina dito" sabi naman ni Tiffany. Ano ba ito?

Nakita kong nakayuko lamang si Edward nakatingin sa sahig, anong problema nun? Walang balak na sagutin ang tanong ko na bakit siya andito?

"Ang sweet"  sabi naman ni Liezel. Ano ba ang problema nila?

Tinapik ko ang braso ni Edward baka sakaling masagot niya ang tanong ko.

Nagwork, tumingin siya sa akin!

"Bakit ka andito?" Tanong ko at nagbigay siya ng ngiti pero alam ko naman na peke lang yun.

"I'm tired" sabi niya sabay tingin sa sahig. Ano na naman ang problema niya? Tinignan ko si Liezel na hawak ang likod ni Edward.

Binalik ko ang tingin sa laro at si Marco na ang may hawak ng bola. Aba! Nakangiti pa ang mokong!

"Bakit mo hinayaan na halikan ka niya sa noo?" Tanong niya. Ni Edward.  Bakit nga ba? Tanong ko sa sarili ko at tinignan ko si Liezel na nakatingin lamang sa laro siguro, dii niya narinig yun.

"Biglaan ang nangyari" sabi ko at binalik ang tingin sa laro.

Bakit ko nga ba hinayaan?

....

Tiffany ☝☝☝

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon