Chapter 11

298 14 0
                                    

Vivoree's Pov
Nasa GYM kami ngayon, may iaanounce daw ang Royals. Hindi ko kasama si Edward. Dii ko nga siya mahanap baka, kasama niya si Liezel. Andito kami nila Claire, Tiffany at Erica sa likod. Wala lang.

Bigla nang lumabas sila James, Jake, Yong at Marco. Kaya ayan, maslalong nag-ingay na ang mga babae. 

"Tomorrow, we have a celebration." Sabi ni James. Yung mga babae, luh?! Grabe makahiyaw. Nakakabingi.

Anong celebration bukas?

"There will be no classes!"sigaw ni Yong. So ganun? Yun lang? At paano naging selebrasyon ang walang pasok? Pagnalaman ito ng dean, patay kayo Royals. Pero sabagay, kung kinalabanan ni dean ang Royals, si dean ang kawawa sa Royals.

"But, it's not just tomorrow, it will be for the whole week!"sabi ni Jake. Akala ko itong si Jake ang pinakamatino sa lahat, pero minsan, kapag inatake rin, baliw rin. Hinawa sila lahat ni Marco! Si Marco ang may kasalanan!

"And, guys, listen, Edward is back in our group. "Sabi ni Marco at nagsigawan ang ibang babae. Maski ako, nagulat.

Ang saya isipin na binalik na nila si Edward sa group. Pero, asan kaya si Edward? Sana naririnig niya itong sinasabi ni Marco.

----------------------

Naglalakad akong mag-isa papunta sa rooftop, kasi si Erica, nasa council, may meeting sila then si Claire nasa volleyball court, may practice sila at si Tiffany nasa nasa GYM nagpapractice ng cheerdance nila.

Mag-isa lang ako naglalakad. Asan ka Edward?

Malapit na ang birthday ni Liezel. Sa susunod na araw na. Siguro kaya wala si Edward kasi nagpaplano na siya para sa birthday ni Liezel.

"Hey." Sabi nito sabay hawak sa balikat ko.

Dug...

Dug...

Dug...

Ayan na naman. Parang kumakarera na naman ang puso ko. Tapos nagwawala na naman paru-paro sa tiyan ko. At nararamdam ko ang pagmula ng pisngi ko.

Amoy pa lang, kilala ko na ito.

"Anong ginagawamo dito Marco?" Tanong ko sabay taas ng kilay sa kanya.

Ngumisi pa ang mokong. Aba!

"Can i come with you?" Tanong niya sa akin. Ano ba ang balak nito?

Oh my god! Chance ko na ito! Pagsinama ko siya sa rooftop, pwede ko siyang ihulog. At boom! Wala ng Marco Stanley dito sa school. *evil laugh*

"Sure." Sabi ko at nagtuloy ng naglakad. Miss ko na ito. Ang tagal na din buhat nung pumunta ako dito.

Tinignan ko ang view sa baba. Ang ganda talaga.

Ay! Oo nga pala may kasama ako. Wahoo! Marco, ako ang makakapagbagsak sayo! wala ka ng takas! *evil laugh*

"nakakatakot naman yang ngiti mo. Kung ano man yang plano mo, dii ka magtatagumpay" sabi niya. May alam ba siya?

"Asan si Edward?" Tanong ko sa kanya at kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Bakit mo hinahanap ang wala? Are you not happy with me?" Tanong ni Marco sa akin sabay lapit sa akin.

Dug...

Dug...

Dug...

Bakit kapag malapit ako sa kanya ganito ang nararamdaman ko?

"Hoy. Jan ka na lang Jerk. Wag ka ng lalapit." Sabi ko sabay pigil sa kanya pero dii siya nakikinig. Patuloy siya sa paglapit sa akin. Hangga't sa tumigil na siya sa paglalakad. Mga 2 steps lang ang pagitan namin.

"Busy si Edward sa birthday ni Liezel. " sabi ni Marco. I knew it.

Tumingin ako sa mapayapang langit. Hinayaan kong masinagan ang konting bahagi ng mukha ko at nilipad ng mahinang hangin ang buhok. Pakiramdam ko, nasa isang mapayapang lugar ako.

Tinignan ko si Marco na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.

"Sana ganyan ka na lang Marco parati. Nakangiti." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya. Bakit ko ba ito ginagawa? Pero totoo naman.

Naghakbang na naman siya papalapit sa akin.

Maslalong bumilis ang tibok ng puso ko.

This is not good.

Inayos niya ang buhok at nilagay ang kunting buhok ko sa tenga.

Napatulala ako sa ginawa niya. Hindi ito pwede.

"Wag mo ako tignan ng ganyan. Matutunaw ako." Sabi ni Marco sa akin. At tumawa na lang ako. Hahaha. Assuming talaga yang mokong na yan

Sinuntok ko ng mahina ang tiyan niya. Tsk. Bagay lang sayo yan

"Aww." Sabi niya sabay hawak sa tiyan niya. Huy mahina lang yun! Mag-inarte, wagas. Ano yan? Best actor?

Pero masakit pa rin daw ang tiyan niya. Hawak hawak niya pa rin ang tiyan

"Masakit ba? Ang hina lang nun ah! Akala ko, ang lakas mo? " sabi ko sabay hawak sa tiyan niya.

Ano ba yan? Sinuntok lang ang tiyan niya, naawa na ako. Paano pa kung ihulog ko siya dito sa rooftop. Kainis.

Hinawak ko ang pisngi niya.

"Marco. Dalhin na kita sa clinic." Sabi ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

Heart, wag ka munang kumarera. Pls. Parang awa mo na.

"Its joke time!" Tawang-tawa niyang sabi. Ay kainis. Kinabahan ako duon Marco! Lintik ka talaga!

"Ehem! Its seems that meron ng World Peace." Sabi ng isang lalaki na nakasandal sa pintuan.  At nakacross arms pa siya. Edward?

Bakit parang may mali?

"What are you doing here?" Tanong ni Marco kay Edward. At unting-unti lumalapit si Edward sa amin.

"I'n here to Vivoree. Yayain ko sana siya ng date." Sabi ni Edward. Huh? Date?

"Actually, Vivoree cant come. My date kasi kami mamaya. Sorry bro." Sabi ni Marco kay Edward sabay tapik sa balikat ni Edward.

What? May date kami ni Marco? Dii naman niya ako niyaya ah?

"Uhm. Edward d--" dii ko na natuloy yung sasabihin ko ng tinakpan ni Marco ang bibig ko.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya, pero wala talaga. Ang lakas niya.

"Marco. Let her go. "Sabi ni Edward. Good Edward! Ipagtanggol mo ako!

"Why should I let her go? Bakit ko papakawalan si Vivoree? For sure, merong aaligid sa kanya. And why I should let go of the things that are meant for me?" Sabi ni Marco. What? Ano itong pinagsasabi niya?

"Let her go. Nasasaktan na siya." Sabi ni Edward. Oo nga. Marco, grabe naman ang pagtakip mo sa bibig ko.

Tinanggal na niya ang kamay niya.

Good. Nakakahinga na ako mabuti.

Hinatak ako agad ni Marco paalis dito sa rooftop.

Iiwan ba namin si Edward?

....

Eric/Erica ☝☝☝

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon