Chapter 14

298 16 1
                                    

Vivoree's Pov

"Anak"

"Mama!" Sigaw ko.

"Buhay pa si papa mo!"

Huh? Patay na si papa diba? Dahil sa heart attack.

"Huh? Mama, wag ka nang magjoke! Ma, dito ka na lang sa tabi ko. Wag mo na akong iwan!" Sabi ko at todo yakap sa kanya.

Miss ko na siya!

Wag mo na akong iwan please.

"Ingatan mo ang sarili mo. Hanapin mo ang tunay na ikaw. I love you vivoree. I love you anak." Sabi ni mama at naging transparent at unti-unting nawawala.

Ano ito? Mama!

"Mama!!!"

"Vivoree"

Nakakaramdam ako ngayon ng gumagalaw sa kamay ko.

"Vivoree!"

Huh?!

"Mama!" Sigaw ko. At dilat na ang mga mata ko. Panaginip lang pala yun. Pero si mama.

"Vivoree, ang sama ata ng panaginip mo." Sabi sa akin ni Edward. Andito pa pala kami sa sasakyan niya. Malapit na kaya kami?

Tinigil niya pala ang sasakyan sa gilid. At kita ko sila Marco na papalapit sa amin.

Tok

Tok

Tok

May kumatok sa bintana. Si Marco. Binaba naman ni Edward Yung bintana

"Bakit kayo huminto? Anong nangyari?" Tanong ni Marco sabay tingin sa akin.

"Wala. Naiihi lang ako." Sabi ko.

"Tsk. Next time , magdala ka na lang kasi ng arinola manang." Sambit nito. Huh? Ako? Manang? Lusyang na ba ako? Paano na ako magugustuhan ni Edward?

"Bumalik ka na nga dun Marco." Sabi ni Edward at sumunod naman Yung mokong at nagbiyahe na ulit kami.

Dii nagtagal, nakita ko na. Alam ko na kung saan kami pupunta, sa ENCHANTED KINGDOM.

Mag-eenjoy ba ako dito? Eh takot pa naman ako sa mga rides.

Nagbayad na si Edward ng registration naming apat.

Medyo gabi na. Ano bang magandang rides?

"Extreme"

"Huh?"

"Ang sabi ko, magandang sakyan natin ay Extreme." What? Seryoso ka ba Rachelle? Dahil ba alam mo na may fear ako sa heights tapos Extreme pa yung irerecomend mo.

Pumila na kami sa Extreme. Waah. Dii ko alam ang gagawin ko!

Hanggat sa umupo na kami sa mga upuan namin. Nasa gitna ako ni Edward at Marco. Tapos katabi ni Marco si Rachelle.

Dahan-dahan na kaming tumataas. Waah?! Pumipikit na lang ako. Mamaya, mahuhulog na kami eh.

Paglingon ko kay Edward, nakatingin pala siya sa akin. Waaah! Kinikilig ako.

Dahan-dahan niyang hinahawakan ang kamay ko. Bakit ang init?

"Wag kang kabahan, andito naman ako. Hahawakan ang kamay mo, kahit akong mangyari." What? Talaga? Edward naman.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Esse!" Rinig Kong sabi ni Marco. Lumingon na lang kami ni Edward sa knya.wohh! At least kahit papaano, nababawasan na Yung kaba ko.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon