Chapter 39

151 7 8
                                    

Ilang araw ang lumipas at nakauwi na rin ako galing sq hospital. Ok na ako, at pinayagan na akong pumasok sa susunod na araw.

Nakakapagtaka, hindi na ako dinadalaw ni Marco sa hospital. May nagawa ba ako?

"Kainin mo na ito Vivoree." Nilagyan ni tita Abby yung plato ko ng corn soup sa bowl ko.

"Thank You po. Tita, matanong ko lang, may alam na po ba kayo kung sino ang sumaksak sa akin?" Tanong ko.

Nacoconfuse na rin kasi ako.

"Uhm.. Wala pa. Pero may nakakita sa basurahan sa cr sa third floor sa building four ng campus. At nakita niya kung paano niwrap yung kutsilyo sa papel." Paliwanag ni tita.

Sino naman yung nakakita?

"Nakita po ba ng witness ang mukha ng suspek?" Tanong ko.

"Hindi niya gaano nakita. Dahil nakasumbrero yung suspek at medyo  mabilis ang pangyayari. Sinuntok siya ng suspek kaya nakatulog siya." Sabi ni tito Andrew.

"Tito, sino po yung witness?" Tanong ko.

"Si Gielyn. " Halos parang nalaglag ang panga ko eh. Si Gielyn?

"Si Gielyn tito? I thought, galit siya sa akin at akala ko siys si--" hindi na niya ako pinatapos. Naguguluhan na talaga ako.

"Basta hawak na ng pulis si Gielyn. Pinoprotektahan siya ng mga pulis dahil baka kung ano pa ang gawin ng suspek sa kanya lalo na nagbigay rin siya ng statement. Kawawang bata" parang gusto ko magalit. Tss. Siya naman talaga ang suspect eh. Gumawa lang siya ng rason. Tapos ngayon, pinoprotektahan pa siya ng mga pulis? Tss. Mautak rin siya eh!

"Paano po yung magulang niya?" Tanong ko. "Diba po, pamangkin mo siya tito?"

"Nakwento ko na sa tatay niya. Pero sabi niya, wala na daw siya magagawa dahil noon pa lang, matigas na ang ulo niya. At hindi siya makakapunta dito sa Pilipinas, dahil nagpeprepare siya ng debut para sa second daughter niya. Her mom? Iniwan na rin siya"  paliwanag ni tito.

Yung galit ko, yung inis ko, nawala. Iniwan pala siya ng mama niya? Then yung tatay niya, busy? Para sa debut ng second daughter niya? For sure, anak niya yun sa ibang babae.

Maybe, kaya siya nagkakaganun, dahil hindi niya nararamdaman, ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang magulang.

Pero bakit ako? Wala naman na rin akong magulang pero hindi naman ako ganun katulad niya?

"Vivoree, is it true na hinahanap mo ang father mo?" Napatitig ako ng diretsyo kay tita. Paano niya nalaman?

"Opo." Mahinahon kong sagot

"Nakausap namin kahapon ang iyong tita Rita. At gusto ka namin tulungan." Kusa na lang ngumiti ang mga labi ko. Sa sobrang saya, tumayo agad ako at niyakap si tita Abby. I don't know why, basta ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya.

"Maybe, kung andito si Andrea, baka naging sobrang close niyo rin." Sabi ni tito.

Medyo nailing rin ako ng narinig ko yung Andrea. Naalala ko yung nawawala kong necklace! Sayang.

"Bakit yun Vivoree?" Tanong ni tita.

"Uhm, wala po. May naalala lang." Sagot ko.

Umupo na muli ako at kumain.

*fastforward*

Naglalakad na ako sa hallway kasama si Edward. Malay ko ba, sinundo niya ako eh.

Tuwing may nakakasalubong ako, parati nila tinatanong kung ayos na ba daw ako, and of course hind ako snobber, sinasagot ko sila sa pagngiti ko na lang.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon