Chapter 67

57 3 0
                                    

Jake's POV

Nang natapos ang dinner, pumunta kami sa sala para magmovie marathon. Dahil si Marco ay nasa kwarto na at binabantayan pa rin siya ng girlfriend niya.

Ayaw pa naming matulog, kaya nagkayayaan kami. Nang natapos ay umakyat na kaming apat sa kwarto. Tulog na si Marco wala na rin si Vivoree, pumasok na sa dumptent. Ang katabi ko ay Edward tapos sa kabilang dumptent ay ang JaYo (James and Yong).

Kahit nakahiga na kami ngayon ni Ed ay hindi pa rin kami makatulog. Buti siya, kausap niya si Jia sa phone.

Pinakilala na niya sa amin yung fiancee niya. Kahit arrange marriage lang sila, nakikita ko na malaki ang chance, na magkagusto talaga sila sa isa't-isa. I think, it's already happening.

"Ed, labas labas lang ako" pagpaalam ko at lumabas ng dumptent at nakita ko ang tulog naming leader.

Lumabas ako ng kwarto at umakyat sa roof deck ng bahay. Tanaw na tanaw mo ang buong city lights! Kahit noon pa man, bata pa lamang kami, tumatambay na kami dito.

Minsan lang sa taon dumadalaw ang mga Thrillward kaya noon, sinusulit na namin.

Ilang taon rin ang nakalipas bago ako bumalik muli dito sa rood deck nila.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Tungkol ba ito kay Gielyn?" Napatingin ako sa likod ko.

Ngumiti lang ko.

"Tita, hindi po" sabi ko

Papalapit siya sa akin at umupo sa upuang duyan at tinignan rin ang langit.

"Akala ko talaga magiging kayo."

"Akala ko rin po noon. Pero wala na po. I know he likes someone else. " daretsyo kong sabi at umupo sa katabi nitong upuan na duyan rin.

May pumasok na katulong at nilapag ang dalawang tasa ng Milo at umalis rin agad.

"Eh ikaw? Do you like someone else too?" Tanong niya at humigop sa mainit na Milo

Iniisip ko, gusto ko na ba talaga siya? Or naatract lang ako para sa kaniya. Dahil ang ganda niya, mabait siya,mapagmahal at marami pang magandang katangian ang meron sa kaniya.

Pero may mahal na siyang iba. Mahal rin siya ng mahal niya. Mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"I don't know tita." Natatawa kong sabi para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Tumawa rin siya ng mahina.

"Alam mo kapag iniisip ko si Andrea, dito rin ako tumatambay." Masyang sabi niya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Uminom na rin ako ng Milo.

"May balita na po ba?" Tanong ko.

"Wala pa rin eh."

May nilabas siya galing sa bulsa ng pajama niya. Isang picture?

Binigay niya sa akin ang picture. Si tito Andrew na may hawak na lampin na katabi si tita Abby na buhat-buhat ang isang baby.

Si Andrea. Andrea Crizziela Thrillward.

"Maganda itong batang ito panigurado tita."

Tumawa siya at humigop ng Milo ulit.

Tinignan ko ulit ang litrato at tinitigan maiigi si Andrea. Mula sa dress niyang pink na mabulaklak at sa headband niya na may bulaklak rin, sa sapatos niyang pink na ang medyas ay kulay puti at ang necklace na may nakaukit rin na ANDREA.

Kinabahan ako sa nakita. Teka...

"Tita, itong necklace na ito, meron pa rin sayo?" Tanong ko

"Ah, yan? Wala sa akin. Suot yan ni Andrea nung na aksidente kami. Malamang nasa kaniya yan ngayon. Pinagawa ko yan, nag-iisang design lang yan."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon