Chapter 31

206 10 2
                                    

Habang patuloy lang ako sa pag-iyak biglang nagring ang cellphone ko.

Si tita Abby.

Inayos ko ang sarili ko pati ang boses ko para hindi niya mahalata ang lungkot ko.

Hello po?

Oh, Vivoree. Ayos ka na? Wag ka na munang magtrabaho haa.. at sorry ngayon lang kita natawagan kasi kakatapos lang ng meeting ko kanina. Magpahinga ka na muna.

Hindi po tita. Tutulong na po ako dito. Ayos lang po. Uhm.. tita pwede pong magtanong?

Ano yun?

Uhm.. tita, pwede po ba akong lumabas ngayon? May pupuntahan po kasi ako.

Saan? Malayo ba?

Hindi naman po gaano. Mabilis lang po ako. Promise

Sige, pero yung oras mo. Baka gabihin ka.

Sige po tita. Salamat

In-off ko na yung call. Naligo ako at nagsuot lang ako ng fitted pants at t-shirt na kulay Aqua at nagsuot ako ng rubber shoes ko then nilugay ko ang buhok ko at naglagay ng pulbos.

Siguro hindi naman na ako mukhang lusyang

Nagpaalam ako sa ibang kasamahan ko dito. Hindi ko na nga rin nakita si Marco at yung bwisit na babaeng yun. Bahala na sila.

Lumabas na ako ng gate pero ang una kong nakita ay isang puting kahon. Nagtaka tuloy ulit ako sabay ang matinding kaba.

Dahan-dahan akong lumapit duon. Bubuksan ko ba? Kinakabahan ako.

Kinuha ko ang kahon at dahan-dahang binuksan . Halos napatapon ko ang kahon sa nakita ko. Puro dugo at may sulat na nakadikit sa takip. Kinuha ko yung takil at binasa.

YOU'LL BE DEAD

Agad akong pumasok ng bahay. Sa kaba ko, pumasok ulit ako at kumuha ng tubig sa kusina.

"Akala ko umalis ka na."

"Uhm.. nauhaw po kasi ako. Pero paalis na rin po ako." Sabi ko

"Ah ganun ba. Saan ba ang lakad mo?" Tanong nito sa akin

"Uhm.. jan lang. May bibisitahin lang po."

"Ah ganun ba. Sige ingat na lang." Sabi niya at umalis. Natakot na ako. Pero importante kasi itong pupuntahan ko.

Tumawag ako kay Jake. Si Jake na lang ang makakatulong sa akin.

Hello Jake?

Yes?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon