Chapter 53

99 6 0
                                    

Vivoree's POV

"Vivoree.." Napatingin ako Kay Rio dahil niyuyogyog na niya ako.

Nakapikit kasi ako tapos nakatikip pa ang tenga ko at halos sobrang lakas ng volume ng cellphone ko.

Tapos na pala siyang kumanta.

Tinanggal ko ang earphone ko at binalik sa bag.

Tinignan ko siya na nasa upuan na pala siya.

Dug...

Dug....

Dug...

"Halika na." Sabi ko Kay Rio at naglakad na kami sa gitna.

"Hmm.. Ang gagaling ng mga kumanta ah! Teka nga partner, Valentine's na Valentine's eh yun ang kinanta mo."

Sige pa Rio, ilaglag mo pa ako.

"Eh, panama na lang yun sa mga manloloko at manggagamit. Bakit? Meron bang manloloko at manggagamit sa inyo?" Tanong ko sa audience.

"Marami !"

"Meron!"

"Nakakalat sila!"

"Tama na yan. So, umpisahin na natin ang talagang purpose ng ating event. So, para maiba naman. Ladies, pili kayo ng gusto nitong isayaw." Sabi ko.

At ayun, nagulat silang lahat. Eh anong magagaw ko. Yun ang nakasulat. Binasa ko lang.

Nagstart na ang music, YOUR LOVE.

Ayan, tanaw na tanaw ko si Erica na tumayo at kumuha ng lalaki.

Sabing ladies eh.  Hahahaha.

Si Claire, ayun nakaupo pa rin. Psh.

"Rio, baba ka. Walang mapili siguro si Claire."

"Eh ladies choice."

"Ano yun? Mayonnaise?"

Tapos nakita kong tumayo si Claire, at kinuha niya yung isng lalaki, ang alam ko, third year pa lang Yung lalaki. Makapili naman itong si Claire, gwapo pa. Mamaya may syota na pala yan. Lagot ka sa syota niya.

Your love is like a sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside...
Your love is like a river
That flows down through my veins
I feel the cheal inside...

"Hindi manlang ako sinayaw." Inggit na sabi niya.

Psh.

Tumayo ako at inabot sa kanya ang kamay ko.

"Rio, may we have this dance?"

Tumayo siya agad at ngumiti sa akin. Ayun, bumaba kami ng stage at sumama sa mga estudyante na na sumasayaw ngayon sa dance floor. Napukaw lang ng mata ko na, may babaeng lumapit kay Marco pero tinanggihan niya lamang ito sabay tingin sa akin. Kusa na lang ako umiwas ng tingin.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon