Chapter 22

233 15 3
                                    

"So, nag-enjoy kayo kagabi?" Tanong ni Liezel sa amin.

Nasa van kami nila Liezel, Claire at Tiffany. Tapos yung lima nasa kailang van. Magcacamping daw kami for 3 day sa Secrene Forest.

"Ang saya kaya kagabi. Kabog ang beauty ko!" Sabi ni Erica at lahat naman kami tumawa.

"Pero si Marco parang hindi nag-enjoy. Parang wala siya gana. Tapos puros inom lang sila ng inom ni Jake. May problema ba siya?" -liezel

Naalala ko tuloy nung huminto yung bus, may kausap siya sa phone at mukhang galit siya. Siguro yun.

"Baka, naguilty lang siya sa ginawa niya sayo Vivoree" sabi ni Tiffany kaya agad ko naman pinalo yung braso niya.

"Ssh.." sabi ko. Ayaw ko ng malaman ni Liezel yun samin-samin na lang.

"Wait kang haa. Na-cucurious lang ako haa. Pero kagabi kasi nakita ko si Marco sa parking area, andun siya sa likod ng kotse niya, umiiyak. Tapos ang narinig ko na sinasabi niya eh, I DIDN'T MEAN TO, SORRY. Tapos yun umiiyak ulit siya at uminom siya ng alak." Kwento sa amin ni Liezel at hinawakan niya ang kamay ko.

"Siguro, ikaw yung sinasabihan niya ng ganun. Kung ano man ang naggawa niya sayo, siguro hindi niya sinasadya yun." Sabi ni Liezel at hinigpitan lalo ung paghawak sa kamay ko.

"Anong hindi sinasadya? Yun naman parati ang gusto niya eh, yung mapahiya ako!" Sabi ko. Siguro sa galit, medyo nataas ko yung boses ko.

Binitawan ni Liezel ang kamay ko. Naguilty tuloy ako.

"Sorry Liezel." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Ikaw Liezel, ayos ka lang ba? Akala ko, mahal niyo pa ni Edward yung isa't-isa pero hindi na pala" nung una kong nakilala si Tiffany, para siyang tahimik  na babae pero minsan pala, ang daldal niya kaya agad kong napalo ulit yung braso  niya

"Alam mo Vivoree, nakapangalawa ka na haa." Sabi niya sa akin at hinawakan niya yung braso niya.

"Sorry naa. Ikaw kasi, ang daldal mo rin ehh." Bulong ko sa tenga niya at tumawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba?

"Ok lang sa akin. To be honest, may gusto pa rin ako kay Edward" dahil sa sinabi niya na yun, nagulat yung tatlo, dahil nung unang beses ko pa lang na nakilala si Liezel, alam ko na gusto niya pa rin si Edward.

(Back to chapter 6. Andun po yung mga narinig ni Vivoree)

"Pero paano yan, may nagmamay-ari na daw ng puso ni Edward ngayon, ok ka lang ba?" Tanong ni Claire kay Liezel.

Napatanong ko tuloy sa sarili ko, sino kaya ang nagmamay-ari na ng puso ngayon ni Edward? Bakit hindi niya manlang kinuwento sa akin?

" ayos lang ako, at tanggap ko naman, kasi ako naman talaga ang may kasalanan. At boto pa nga ako duon sa babae na yun. Maganda, matalino, mabait at alam ko, aalagaan niya talaga si Edward." Ang bait talaga ni Liezel. Ngayon, nagtaka tuloy ako, sino ba yung babaeng yun? Ang swerte niya.

Hindi kaya....

Pero imposible!

Napatahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Parang kasi hindi ako mapakali.

After 20 minutes, nakarating na kami sa Secrene Forest.

"Sige manong, balikan niyo na  lang kami dito after 3 days. Salamat" sabi ni James sa dalawang driver at sumenyas naman sa kanila na aalis na sila.

Napatingin lahat kami kay Yong dahil may buhat siyang malaking bag.

"Lima lang yung dump tent na nabili ko at dahil sampo tayo, by partners." Sabi ni Yong at nilabas niya yung mga dump tent.

"Vivoree!" Napatalon na lang ako sa gulat dahil sinigaw niya yung pangalan ko. Alam niyang galit ako sa kanya tapos umiiwas ako sa kanya at meron kaming hindi pagkakaunawaan tapos tatawagin niya yung pangalan ko, Baliw ba siya?

Pero nagtaka kami lahat, bakit niya ba ako tinawag? Lahat tuloy kami napatingin sa kanya.

"Ano?! Pagtitripan mo na naman ba ako?!" Naiinis na ako sa kanya. Kaya tinignan niya ako ng seryoso. Sa totoo lang, nagkukunwari lang naman akong matapang pero deep inside, halos nanginginig na yung buong katawan ko sa takot. Isang seryosong titig lang ng isang jerk na ito, parang papatayin ka na eh.

"Kayo daw dalawa ang magpartner" napatingin rin naman kami kay Jake. Ang tahimik niya masyado kaya minsan nakakagulat rin kapag biglang nagsasalita siya. Pero ngayon, masnakakagulat yung sinabi niya. Ako at yung mokong na yun? Kami ang magpartner? Siya yung makakasama ko sa dump tent? No way!

Nakita ko na biglang sinamaan ng tingin ni Marco si Jake pero ngumisi lang si Jake sa kanya.

"Sige, pagbigyan ang request ni Sir Sungit ay este ni Marco. Oh!" Sabi ni Yong at hinagis niya kay Marco yung tent. Aangal pa sana ako ng biglang may sinabi si Edward.

"Tabihan mo na siya"

Ayaw ko nga! Mamaya sa pagtulog ko, may gagawin pa yan na kalokohan sa akin eh.

Naalala ko tuloy yung tungkol sa babae na nagugustuhan ni Edward. Gusto kong tanungin sa kanya kaso, nahihiya ako.

.
.
.

"Magsama-sama na yung magpartner. Pwede nang magtayo ng tent." Sabi ni Yong at umalis na sila lahat at naiwan tuloy ako ngayon na nakatayo sa pwesto ko. Sasamahan ko ba si Marco? Ano ba kasi ang pumasok sa utak nun at ako pa ang naisipan niya na katabi niya sa tent? Tss. Sabi ko na, may kalokohan na naman ito. Vivoree, maghanda ka!

Aalis na sana ako nang nakita ko si Marco na nakatayo sa pwesto niya rin kanina at nakatingin siya sa akin.

Dug..

Dug...

Dug...

Anong gagawin ko? Natataranta tuloy ako.

Nakaramamdamako ng may gumagalaw sa pantalon ko. Tinignan ko yung phone ko,may tumatawag. Buti na lang.

Si Edward?!

Hello? Bakit yun?

Uhm... ingat ka. Bye.

*call ended*

Huh? Yun lang. Pero ok lang. Pagtingin ko sa pwesto ni Marco, wala na siya dun. Asan ba yun?

Tumakbo ako papunta sa pwesto nila Claire. Ang kasama ni Claire, si Erica.

"Uhm, nakita niyo ba si Marco?" Tanong ko. Nahihiya kasi ako na magtanong lalo na tungkol pa kay Marco. Nakita ko na mga ngiti sa kanya nung binanggit ko yung pangalan ni Marco. Sabi na nga ba eh! Lolokohim lang ako ng mga ito.

"Hindi ko siya nakita. Tanungin mo kanila Yong." Sabi niya kaya agad ako pumunta kay Yong. Pero bago pa ako makapunta kay Yong, may natanaw ako na medyo malayuan na isang lalaki na walang damit, nakapants lang tapos nag-aayos ng tent.

Marco

Lumapit na lang ako sa kanya at hinawakan ko yung kabilang side ng tent , nakita ko na nagulat siya , nakakagulat ba ako?

"Bakit?" Mataray kong tanong sa kanya. Agad din syang umiwas ng tingin sa akin

Sa wakas! Tapos na rin.

Umalis na muna ako dun at umupo ako sa ilalim ng puno na malapit sa tent namin.

Subukan mo lang na may gawin sa akin mokong ka, kakatayin talaga kita. Wala akong pake kung Stanley ka pa.

"Can we talk?"

---------

Hohoho! Merry christmas readers. Salamat sa walang tigil na pagsuporta sa story na ito.

Love you guys!

Ulit, merry X-mas and advance Happy New Year!

Take care readers.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon