Chapter 32

154 8 0
                                    

Tumingin ako sa malayo.

Pagkatapos niya akong pahiyain at saktan ang damdamin ko, magsosorry siya ngayon. Sira na ata ang utak nito eh!

"What happened?!"

Nagulat na lang ako sa pagbiglang pagpasok ni tita abby.

Tumayo si Marco at tinignan si tita.

"It's all my fault tita. Sorry." Sabi ko at sinubukang tumayo.

"Oh, honey, is that Vivoree?" Tanong ng isang lalaki. Siguro siya ang asawa ni tita abby.

"Yeah. Vivoree, magpalit ka na dun then gamutin ni manang linda yang paa mo. " sabi ni tita abby at dahan-dahan akong humakbang papalayo sa kanila.

Ang tagal ko rin sa banyo. Buti na lang, kumuha si manang Doti ng damit ko sa taas kaya hindi ko na kailangang pumunta duon.

Pumunta ako sa sala kung nasaan si manang Linda para gamutin ang konting gasgas ko.

"Ouch!" Sabi ko nadiinan niya kasi yung pilay ko. Ang sakit. Halos namaga pa nga eh.

"Sorry." Tinuloy na niya ulit panggagamot niya sa paa ko.

"Ok lang po." Sabi ko.

"Tapos na." Inalalayan niya ako papunta sa kusina kung nasaan sila Tita Abby, pati yung asawa niya, si Marco pati ba naman yung babae kanina na nanglait sa akin!

Aishh. Bakit andito pa siya?

"Vivoree, dito ka" sabi ni tita abby at tinulungan ako nung asawa niya na umupo.

"Thank you po sir. " sabi ko at bumalik na sila siya sa pwesto niya.

"Welcome. Call me tito Andrew" sabi niya .

Katabi ko si Tita Abby tapos katapat ko pa itong babaeng yun. Aishh.

"So tita, its been 3 years?" Panimula nung babaeng bruhang yun

"Yeah. And I really missed you my dear." Sabi ni tita.

"Oh, Gielyn, how's George?" Tanong ni tito Andrew.

Ah, Gielyn pala ang name niya.

"Well he's fine. Actually, he missed you tito. When will you come back to US?"

Tito niya si Tito Andrew? Means, kamag-anak niya sila Mr. and Mrs. Thrillward.

"I dont know" sabi ni tito.

"Uhm tita , who's that girl?" Sabay turo sa akin.

Nilunok ko na lang ang laway ko.

"Well, she's Vivoree." Maligayang sabi ni tita.

Sumubo na lang ako sa kinakain ko. At uminom ako ng tubig

"Oh, Vivoree. What a cheap name. " sabi niya.

Wow! Ako pa talaga ang merong cheap name. Tsk. Eh yung sa kanya nga laos na, Gielyn.

"Shh." Saway ni tita sa kanya.

Marco, please ipagtanggol mo ako ngayon.

"What? At diba katulong ka dito? Bakit ka nakikisama sa amin? You are not belong to the group." Mataray niyang sabi sa akin.

Sa sinabi niya, kusa na lang akong napatayo, sa pagkatayo ko bigla akong napasigaw sa sakit. Nabigla ko ang paa ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Sorry. But all I know that, this is not your house. You have no right to tell me that way. Well if that will bring you happy, then I'll do it. Salamat po tita, tito sa dinner. Akyat na lang po ako sa taas."

Hindi ko na inantay ang sasabihin nila umalis ako ng pilay-pilay.

Nang nasa hagdanan na ako, biglang may humawak sa bewang ko.

Napakapit ako sa kamay niya. Gossh. Ano ito?

Bigla niya akong binuhat ng bridal style. Wag niyang sabihin na bubuhatin niya ako hanggang kwarto.

"Wag na!" Pinigilan kong bumaba sa kanya pero hindi ko siya matalo.

"Shut up or I'll kiss you"

Sa sinabi niya parang biglang kumalabog ang puso ko. Nanahimik na lang ako.

Totoo nga, binuhat niya ako hanggang kwarto.

Inupo niya ako sa kama. Tapos tumabi siya sa akin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa hindi malamang bagay.

"Again, I'm so sorry."

Tumango na lang ako.

"Bukas, pagpasok, susunduin kita dito. Sabay ka sa amin"

"Amin? May kasama ka?" Nagtataka ako. Sino? Hindi naman kasi sumasabay sila Jake sa kanya.

"Si Gielyn."

"No! Kayo na lang. Makikisabay na lang ako kay Edward " sa sinabi ko kinuha ko ang phone ko sa lamesa sa tabi ng lamp shade.

"What are you doing?"

"Tetexan ko si Edward or kung hindi, magjejeep na lang ako"

"No!"

nagulat ako sa lakas ng boses niya. Galit na naman siya.

At takot akong makita na ganyan siya.

"Bakit? May problema ka?!" Mayabang at medyo pasigaw ko na tanong sa kanya.

Tsk. Kahit magsama pa kayo ng Gielyn na yan. I DON'T CARE!

"Yes, I have a problem with that"

"What is it?!" Medyo pagalit kong sabi.

Tinignan ko siya ng seryoso, pero parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Aissh. Kainis talaga itong Marco na ito.

"Psh. Fine. Gawin mo na ang gusto mo, pero hayaan mo akong gawin itong isang bagay na ito."

"Huh?"

Hinatak niya ang batok ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Then, ramdam ko ang pagdikit ng mga labi namin. Ang init ng labi niya.

Agad rin siya bumitaw.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Para akong tanga dito na hindi makakilos.

Tumayo siya at lumapit sa pintuan .

"Sorry, tulog ka na."

Then, dahan-dahan niya sinarado ang pintuan .

Haissh,. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Hinawakan ko ang labi ko. Ang init. Pumunta ako sa banyo at tinigan ang pisngi ko na namumula at nag-iinit.

That was my first kiss.

( Gielyn )

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon