Chapter 70

72 2 0
                                    

Habang mag-isa niyang sinusugod ang mga lalaki na kumidnap sa akin ay gumagawa ako ng paraan para makaalis rin dito. Pilit kong kinakalas ang tali sa kamay at paa ko ngunit hindi ko pa rin matanggal.

Natigilan lang ako sa pagkalas ng talk ng may humatak sa buhok ko at tinutok ang baril ng lalaki sa akin. "Sige, subukan mong lumapit at ipuputok ko ito sa ulo nitong babaeng ito!" Pagbabanta nung lalaki.

Halos naiiyak na ako at nawawalan ng pag-asa. Is this the end of our lives?

Hindi siya agad nakakilos dahilan para pukpukin siya ng malaking kahoy sa likod niya! Napaluhod agad siya sa sakit at pinukpok ulit iyon sa balikat niya!

"SAMUEL!"

Tinignan niya ako ngunit sinipa siya ng lalaki at tumulo ang dugo galing sa bibig niya. Kailangang makagawa ako ng paraan. Kailangang makaalis ako dito at tulungan si Samuel!

"ANO HA? ANG LAKAS NG LOOB MO NA SUMUGOD MAG-ISA? ANO KA NGAYON? HAHAHAHA"

Hindi ba sila titigil?

"Please..... Pakawalan mo siya. Ako na lang ang pahirap--"

"Wag kang magkunwaring superman jan! Dapat kasi hindi ka na lang pumunta dito dahil pati tuloy ikaw, mamatay. HAHAHAHA!"

"TALAGA? EH PAANO KAMI? PUMUNTA KAMI? MAPAPATAY MO BA KAMI?" Sa mga salitang yun ay unti-unti akong nabuhayan muli.

Lahat kami napatingin sa lalaking nagsalita na naglalakad papalapit sa amin.

Jake| Ed | Marco | James | Yong

Dare-daretsyo ang tingin ni Marco sa akin at sa lalaking nakahawak ng buhok ko at baril na nakatutok sa akin. Napansin ko na may pass siya sa mukha at may sugat sa braso.

"Ano na? Gyera na! Nag-gym kaya ako para dito." Mayabang na sabi ni Yong at pinakita ang muscle ng braso sa kanila. Kahit dito ba naman, madaldal pa rin?

"Bilisan niyo na! Inaantok na ako!" Sigaw ni Jake dahilan para may sumugod agad sa kaniya at ganun na rin kanila Ed.

Napatingin ako kay Marco na nakatingin rin sa akin. Agad siyang tumakbo para kalasin ang tali. Hindi ko alam kung ano ang nasa mukha niya, galit, inis, irita, kaba o saya ang meron. Pagkakalas sa akin ay niyakap niya ako ng sobrang higpit at niyakap ko rin siya pabalik. Ngunit habang nakayakap kami ay nakita ko si Samuel na nakikipaglaban at mukhang pagod na siya!

"Marco, si Samuel." Sabi ko at dahan-dahan niyang kinakalas ang pagkayakap sa akin. Pakiramdam ko hindi ako komportble duon.

Tinignan niya si Samuel na natumba dahil napukpok sa likod. Pero hindi manlang kumilos si Marco para tulungan! Dahil sila James ay bisi rin!

"Ano ba naman Marco! Tulungan mo siya!" Nagpapanic na ako ngunit siya hindi pa rin kumikilos! "Please Marco!"

"Bakit ba gusto mo siyang tulungan?!"

Nagulat ako sa tanong niya! Bakit ganun pa ang tanong niya habang ganyan na ang sitwasyon? Naiinis na ako! Bakit ba galit na galit ka Marco sa kaniya?

Mukhang pati siya nagulat rin sa tanong niya at muli ako tinignan. "Sorry Vivoree.. Kaila--"

"Ano ba yan! Tapos na!" Mayabang na sabi ni James. Pagkatingin ko sa mga lalaki ay bagsak na sila sa sahig.

Nakatayo at naglalakad papalapit sa amin ang apat na ROYALS samantalang si Samuel ay naka upo sa sahig at hingal na hingal. Tumakbo ako agad sa kanya at tinulungang tumayo.

"Hindi na kailangan Vivoree." Sabi niya habang hingal na hingal. "Ayos lang ako" hingal na hingal talaga siya. "Sama ka na sa kanila."

Tinignan ko siya mukhang hindi siya ok! Siya ang unang pumunta dito at sinubukang tulungan ako kaya may utang na loob ako sa kanya.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon