Chapter 83

36 0 0
                                    

Pagkahatid ko sa eskwelahan ni Pia, dumaretsyo ako agad sa parlor kung saan kami magkikita ni Nath.

Tiniklop ko na ang payong ko nang makarating ako sa pagkikitaan namin. Naglikha ng tunog ang pagbukas ko ng pinto at bumungad sa akin ang medyo may edad na babae.

"Andrea! Buti andito ka na!" Sabi ni Tiya Sol sa akin sabay turo kay Nath sa tabi. Busy siya sa pagbabasa ng isang magazine habang nililinisan ang kuko niya sa paa.

"Tiya Sol, magpalinis rin po ako."

"Okay!"

Itong parlor na ito ay puro Pinoy ang mga nagtatrabahao dito. Parati kami ni Nath pumupunta dito dahil kaprobinsya daw ni Nath ang may ari nito kaya malakas siya dito.

Tumabi ako kay Nath na hindi manlang ako sinulyapan kaya ako na mismo ang bumati sa kaniya. "Hola Amiga!"

Bigla siyang nagulat ng makita niya ako sa tabi niya. "A-amiga?! Kanina ka pa dito?!" Niligpit niya ang magazine na binabasa niya at nagclear ng throat niya

"Bago lang" Hindi ko na siya pinansin. In-open ko ang phone ko para makapagtext kanila papa. Since nagtago ako ay nakadeactivate na ang lahat ng account ko. Kaya imbes na mag-open sa social media, text or call at games lang ang ginagawa ko. Sounds boring but I already used to it.

Natapos din kami agad. Tumungo kami sa mall para bumili ng damit since last month pa kami huling nagshopping. Tahimik lang siya all the way pero hinayaan ko lang dahil baka may problema lang siya sa bahay nila.

"Ano masmaganda? Itong puti o dilaw?" Tanong ko sa kaniya pero nakatulala lamang siya. Nilapit ko pa ang dalawang dress sa mukha niya para matauhan."Huy ano na? Kanina ka pang tulala? May problema ka ba?"

Umiling lamang siya at pinili ang puti.

"Sa pamilya mo ba ito?" Pero umiling lamang siya at nagsimula ng maghanap ng damit niya.

Nagbayad na kami at pumunta sa isang coffee shop para magmaryenda. Umupo kami sa dulo sa tabi ng bintana kung saan tanaw mo ang dagat.

"Ang ganda talaga dito sa Barcelona."

"Masmaganda sa Pinas"ani ni Nath sabay lingon sa dagat. "Sa totoo lang, may nakipagkita sa akin kanina." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilabas niya ang magazine na binabasa niya kanina sa parlor shop.

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya umiimik kanina?

"Pumunta siya sa bahay. Tinatanong ka niya sa akin. Hindi ko alam  kung paano niya nalaman na andito ka pero syempre, hindi ako nagsalita." Nilagay niya sa tamang page ang magazin at inabot sa akin.

Kinabahan ako ng makita ko ang larawan sa magazine. "Siya ang pumunta sa bahay kanina."

Hinawakan ko ang picture at inaalala ang mukha niya noon. Hindi mo maipagkakailala na masnagmature ang mukha niya ngayon. I wonder kung musta na siya ngayon? Sobrang successful na siya at ang yaman yaman na niya!

"Edward."

"Buti na lang nakumbinsi ko na hindi kita kilala."

"Si Edward nakumbinsi mo?" Impossible! Impossible na maniniwala agad yun ng ganun-ganun lang! Siya ang tipong malakas ang instinct at hindi mo mapapaniwala!

"Umalis naman siya pagkatapos namin nag-usap"

"Hindi. Hindi Nath. Hindi yun agad naniniwala-"

"Tama ka. Hindi ako agad naniniwala kaya sinundan ko kayo."

Napatayo ako sa upuan ko at sinulyapan ang taong nagsalita sa likod ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga paa ko. It's been four years na muli ko siyang nakita! "Edward"

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon