Chapter 79

24 0 0
                                    

Alam ko kung sino itong nagtext. Should I reply? Ano naman ang masama diba?

"Nagtext siya sayo?"

Tumango ako kay Gielyn sabay buga ng hangin.

"Andun lahat ang Royals sa club. Lasing na lasing daw si Marco."

Gusto kong magreply pero, lasing siya, wala siya sa katinuan. Baka kung ano ang gawin nun kapag nagreply ako. Magwawala dito, hihingi ng tawad muli, hihingin sa akin na bumalik kami, pero ginawa niya ba yun? Oo. Pero tama na!

Hindi ko na naman nakontrol ang sarili kong umiyak. Napahawak pa ako sa bibig para pigilan ang hikbi ko pero hindi ko magawa dahil ang sakit sakit pa rin! Parang sinasaksak ang puso ko kapag naiisip ko na meron na siyang ibang pagtutuonan ng pansin! Na dati ako ang binibigyan niya ng oras ngayon, iba na! Dati ako lang ang mahal niya, ngayon kailangan kong magparaya para sa ikakabuti ng lahat! Damn! Hindi ako martyr! Pero gagawin ko kung ano dapat! Pero bakit ang sakit pa rin?

Nilapitan na ako ni Gielyn at niyakap sa likod. Agad kong pinindot ang message para replyan siya.

To: Unknown

Thank you. Congrats too.

Sent! Sunod ay tinanggal ko ang simcard at tinapon galing dito sa roof deck.

...

"Konting highlighter na lang. " sabi ng make up artist na nagmemake up sa akin. Nilagay niya ako ng highlighter sa medyo mataas na parte ng pisngi ko. "Done! You're so pretty!"

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi makapal ang make up ko parang inenhance niya lang ang meron ako.

"Thank you so much. I love it" Sabi ko habang inaayos ang tela ng gown ko sa baba.

"Ang ganda mo talaga! Walang kaduda-duda na anak ka talaga ng mga Thrillward! Ang ganda at gwapo kaya ng mga magulang mo!"

Nagkatawanan kami habang pamatay oras. Ilang minuto ay baba na ako. May kumatok sa pinto at nang bumukas ay si Manang Doti lang pala. "Mam, baba na daw po kayo."

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad. I am wearing a color a royal blue gown. Balloon na balloon ito ang nagpaganda ang maraming sequence nito at designs. Tube ito. Ang ganda at lalong tumingkad ang kaputihan ko. Plus pa ang parang pangkasal na design sa buhok ko, medyo messy pero bagay.

"I know that you are all wondering what is this party for. And I want to announce, in front of you all, finally! We found our daughter! Our long lost daughter. All along, she is just in front of us and also finding her true father. How ironic right?" Rinig kong sabi ni papa sa baba. Nasa second floor ako pero rinig ko pa rin dahil sa microphone. "Ang daming hardships! Ang dami naming pinagdaanan! Ilang taon kaming nangulila, buti na lang ay hindi sumuko ang asawa ko kahit ako ay unti-unti ng sumusuko. My wife believed. And know, we found her."

Naiiyak na ako sa speech ni papa. Pero pinipigilan ko dahil sa make up. Ayaw ko namang haggard na makita ng tao. This is it. Magbabago na ang lahat. Sa oras na bababa ako, mawawala na si Vivoree.

"Hindi ko na ito pahahabain pa. Everyone, meet our daughter! Andrea Crizziela Thrillward!" Nang narinig ko yun ay napalunok na lamang ako at nagsimulang bumaba na ng hagdanan.

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao, gulat sila at mangha ng nakita ako. I smiled elegantly to them I even saw my friends! Kaway-kaway sila sa akin at palakpak ng palakpak. Pumunas pa ng luha si Rachelle na nasa tabi ni James. Pero napawi ang ngiti ko ng walang Marco doon. Hindi siya pumunta?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon