Chapter 36

210 7 5
                                    

Edward's POV
Andito pa rin kami sa tapat ng room kung saan ginagamot so Vivoree. Dumating na rin sola Tiffany dito. Tinawagan na rin namin sila Mr. and Mrs. Thrillward at papunta na sila dito. Sinabi na rin naminang tungkol Kay Gielyn sa mga police at dahil kaibigan ko so Gielyn, ang hirap isipin na siya ang gumawa nito Kay Vivoree.

Dumating na rin sa wakas Si James mukhang tapos na siyang nagcheck ng mga cctv sa school.

"Sa sobrang dami ng tao sa gym,hindi makita kung sino ang sumaksak Kay Vivoree.Dahil sa pwesto niya, maraming tao ang nakapaligid at ang mga tao na dumadaan sa likod niya ay sabay-sabay."sabi ni  James.

Tumayo Si Marco at nilapitan si James. Agad rin kaming tumayo para pigilin si Marco pero ang ikinagulat namin ay lumuhod ito Kay James at umiyak.

"Help me James. Please.. I can't lose her"sa sinabi ni Marco parang tumama lahat sa puso namin ang sinabi niya.

Hindi ko alam kung maawa ako sa kanya pero gusto ko siyang yakapin at komportahin. Alam kong parang nakakabakla kung titignan mo alam , kaibigan at kababata mo yan eh. At kahit meron kaming hindi pagkakaunawaan ay mahal ko pa rin yang si Marco at hindi ko siya kinalimutan bilang kaibigan.

"Bro," tinulungan na siyang tumayo ni Jake at umupo siya sa inuupuan niya kanina.

Umiiyak siya kahit sobrang yabang at sungit niyan, marunong siyang magmahal. At ngayon ko napatunayan na ang kaibigan ko na loko-loko na mahal niya talaga Si Vivoree. That JERK Was Crazy In Love Again.

"Asan si Vivoree?"lahat kami napatulala ng biglang dumating sila Mr. and Mrs. Thrillward. "What happened to her?"patarantang tanong ni Mrs.Abby sa amin

"She was stabbed by Gielyn."madiin na sabi ni Marco.

Napahawak sa bibig si Mrs.Abby dahil hindi siya makapaniwala.

"Paano niyo nasabi na ang pamangkin ko ang gumawa niyan?" Singit ni Mr. Thrillward habang kinakalma si Mrs. Thrillward

"Ilang beses na po nakakarecieve ng death threats and it came from a name Star. Sino ba ang kilala natin na star na nag-aaral dito sa Stanley University? Its only Gielyn. " sabi ni Jake

"Bakit hindi sinabi sa atin ni Vivoree yan?" Tanong Erica na niyayakap si Claire

"Malamang natatakot siya. "Sabi ni Tiffany at kinamot ang ulo niya.

Inantay namin na lumabas ang doktor at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas. Sa bawat segundo, minuto at oras ang lumilipas ay maslalo akong kinakabahan.

"Guys, uwi na muna ako. Babalik ako mamaya may emergency lang." Sabi ni Tiffany at umalis.

Tahamik ulit dito. Ni isa walang kumikibo.

"Bibili ako ng makakain natin. " sabi ni James at umalis rin.

Mga sampung minuto na ang nakalipas lumipas bumalik na rin si James na may dalang pagkain. Kumain sila Claire at Yong ng binili ni James pero yung iba wala daw gana.

Tumunog ang pintuan. Napatayo kaming lahat dahil niluwa nito ang magulang ni Yong na doktor.

"Kamag-anak po ng pasyente?" Tanong nung nanay ni Yong

Lumakad kami lahat papalapit sa doktor. Nagulat siguro siya dahil andito sila Mr. And Mrs. Thrillward.

"Uhm.. Kami ang guardian ni Vivoree" sabi ni Mr. Thrillward at tumango na lamang ang nanay ni Yong.

"Ginawa naman na po namin ang lahat..." Biglang bumagsak ang panga namin sa mga salitang iyon.

Nakita ko si Marco na yumuko at hinawakan naman siya sa balikat ni Yong.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon