Chapter 41

169 8 1
                                    

Edward's POV
Sinundan ni Liezel si Vivoree, samantalang ako, agad akong lumapit kay Marco at hinatak ko ang kwelyo niya. Gago siya! Bakit niya pinaiyak si Vivoree?!

"Kaya ayaw ko mapunta sayo si Vivoree dahil alam kong papaiyakin mo lang siya!" Sinuntok ko siya sa panga niya.

Pinipigilan ako nila Yong pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hinatak ko ulit ang kwelyo niya at sinuntok muli. Dumudugo na ang mga labi niya.

"Akala ko ba, gusto mo siya. Pero bakit ganun?! Sinasaktan mo naman siya?! You don't deserve a girl like Vivoree!" Dumating na rin si Jake at hinahawakan si Marco.

Alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito.

"Sige, para malaman mo ang totoo, hindi naman talaga kami! Masaya ka na?! Nagpapanggap lang kami! Dahil ipapaarrange marriage nila ako! At ang taning sulusyon para hindi matuloy, ay yung malaman nila may girlfriend na pala ako! Kuha mo?! Bwisit ka!" Sinuntok ko muli siya, napahiga na siya sa sahig.

Pinipigilan na kami ng mga classmates namin. Gago siya! Bwisit siya!

"Tama na!" Galit na sigaw ng professor namin. "Both of you, go to the dean's office now!" Galit niyang sabi.

Naglakad ako agad papunta sa office. Galit kong binuksan ang pintuan at nagdabog akong umupo sa upuan. Tinignan ko siya ng seryoso.

"I-expelled niyo na ako. Dun naman mapupunta ang usapan." Sabi ko at hinawak ang aking sentido. Bumukas ang pintuan sinamaan ko lang siya ng tingin.

Umupo siya sa upuan sa harapan ko. Bakit ganun? Inaasahan ko na susuntukin niya rin ako, papatula niya ako, kasi ganun naman talaga ang isang MARCO STANLEY, BASUGALERO!

Umayos ng upo ang dean. Tss.

"What happened Mr. Stanley and Mr. Ford?" Walang umimik sa amin. Sinamaan lang siya ng tingin ni Marco.

"Wait, ipapatawag ko ang mga parents niyo" kukunin na sana niya yung phone niya kaso inunahan na siya ni Marco.

"Dad is not here in the country, mom is also busy. So you can't contact with them. Also, I have no guardian. If you want to talk to my dad, talk to her secretary and wait for his vacant time."

Tss.

"They are all busy." Sagot ko at tumingin sa bintana. Asan na kaya siya.

Napakapa ako sa bulsa ng pants ko, nagvavibrate kasi. Si Liezel?

Medyo mabilis siyang magsalita at mukhang pagod na pagod siya. Ano bang nangyari?

Edward, dalian mo na! Hindi ako sure kung yung babaeng yun ay yung sinasabi niyong STAR pero, itong si Vivoree, siguradong sigurado. Dalian mo, mamaya mapapaano pa si Vivoree dito.

In-off na niya yung tawag.

"Sir, may emergency. Si Vivoree, yung sinaksak sa gym last week, nagpakita daw sa kanya yung suspect. Alis na po ako." Tumayo ako at lumabas agad ng pinto.

Tumakbo ako sa parking lot at pinaandar ng mabilis ang sasakyan ko. Tinext sa akin ni Liezel kung nasaan sila. Medyo malapit lang naman sa school. After ten minutes andun na agad ako. Pero kahit isang anino, wala akong nakita sa kanilang dalawa.

Sigaw ako ng sigaw sa pangalan nilang dalawa. Wala talaga. Tinatawagan ko yung number nila, cannot be reach. Kinabahan ako agad.

Tinawagan ko na rin si Yong, James at Jake at papunta na sila dito. Kahit yung mga ibang pulis para hanapin sila. Ininform ko na rin sila Tita Abby. Paalis na daw sila ng office.

Kung may mangyaring masama kay Vivoree, lagot ka sa akin Marco.

-------------------------

Marco's POV

What the?! Nagpapanggap lang sila?!

Sa dami ng suntok ni Edward sa akin, hindi ko kayang patulan siya. Dahil totoo siya, hindi ko deserve ang isang katulad ni Vivoree, parati ko lang siya pinaiiyak.

Ngayon, mabilis na umalis si Edward. Nang narinig ko ang name ni Vivoree, kinabahan agad ako.

Gusto kong sumunod, pero hindi ko kaya. Maybe, I am not the perfect knight and shining armor of Vivoree, maybe it was meant for Edward.

Lumabas na lang rin ako ng office. Agad kong hinanap sila Claire.

Nakita ko si Claire at Erica sa hallway.

"Dalawa lang kayo? Asan si Tiffany?" Tanong ko sa kanila.

"May klase kasi siya ngayon. Uhm, Marco, bakit nga pala hindi mo pinapansin si Vivoree?" Tanong ni Claire sa akin

"A long story. But guys, I need your help. Si Vivoree ay nasa panganib ngayon, I need you to protect her. And also I need your help. I'll tell you our secret." Seryoso kong sabi sa kanila.

"Secret?" Sabay nilang sabi sa akin.

-----------------------

Vivoree's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, unang bumungad sa akin ang mga kalat kalat na bagay.

Warehouse?

Tatayo na sana ako kaso naramdaman ko ang mga paa ko na nakatali pala sa pader. Magsasalita rin sana ako kaso may tela na nakalagay aa bibig ko. Pati rin ang kamay ko may tali.

Asan si Liezel?

"Oh, gising na siya! Tawagin niyo na si Mrs. STAR." utos nung lalaki sa isa pang lalaki.

Tinignan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Alam mo, ang ganda mo. Gusto kitang angkinin." Tumawa yung lalaki at hinawakan ang buhok ko.

Inuntog ko ng ulo ko ang ilong niya. Bwisit siya!

Sinampal niya ako ng malakas sa pisngi ko. Ouch!

"Masyado mo naman pinapaaga ang paghihirap Victor sa ating prinsesang mang-aagaw." Sabi ng isang familiar na boses sa akin.

Hinahanap ko kung saan nanggagaling yung boses na yun, nang napansin ko na may isang babae na unti-unting lumalapit sa pinaroroonan ko.

Medyo madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero ng nakalapit na siya sa akin. Halos napanganga ako sa gulat.

Siya si STAR?!

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon