Chapter 34

152 9 0
                                    

Vivoree's POV
Hinatid na ako ni Edward sa nila Mrs. Thrillward at pagkatapos ay naglinis na ako ng bahay. Pagkatapos ko maglinis ay nagpahinga lang ako ng konti. Narecieve ko rin ang message ni Edward na nasa kwarto raw ni Marco siya nagtambay dahil andun daw si Marco nakakulong at nilalagnat.

Naguilty tuloy ako, siguro dahil yun sa nangyari kahapon na nabasa kami sa ulan.

Nagtext naman ako sa kanya pero sabi niya ok lang daw siya.

Ilang araw na hindi siya pumapasok, nakakamis rin pala siya noh?

Since, wala pa naman akong klase ay umakyat ako sa rooftop at nagbasa ng paborito kong istorya.

Habang nagbabasa ako, nakarinig ako ng mga yabag. Akala ko kung sino, pero si Edward lang pala.

"Vivoree, I need your help."

Hingal na hingal siya eh, ano kaya yun?

"Anong maitutulong ko?"

Sinarado ko ang librong binabasa ko at inayos ang tayo ko.

"Narinig ko ang usapan ni mama at nung co-partner niya sa trabaho, magseset sila ng arrange marriage sa akin and I hate it! Pero, hindi yun matutuloy kung..." napatigil siya sa pagsasalita. Pati tuloy ako kinakabahan.

"Hindi yun matutuloy kung, malaman nila may girlfriend na ako or engage na ako."

Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Parang nagsisink in na sa utak ko lahat eh, nakukuha ko na yung gusto kong gawin pero ayaw ko naman magassume.

"So anong gagawin ko?" Tanong ko

"Please, let's pretend na tayo na matagal na tayo. Pagkatapos ng deal, sabihin na natin na break na tayo pero, liligawan pa rin kita haa. Pls.." sabi niya. Ready na ba ako sa ganito? Pero kunwari lang naman diba?

Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya ng seryoso.

Hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit. "Please.." sabi niya.

Nag-isip ako ng ilang minuto .

"Fine, pero kunwari lang" sa sinabi ko, kusa na lang siya tumalon sa saya at niyakap ako.

Paano ba yan, deal pa lang ito, paano kaya kung sinagot ko na siya? Pero sasagutin ko ba? Hayss.

"Thank You Vivoree!" Sabi niya. Halos mapisil na nga ako.

"I can't breathe" medyo hirap kong sabi sa kanya kaya ayun binitawan rin ako agad.

"Sorry" sabi niya. "Let's go"

"Saan?" Tanong ko.

"Kailangan ng proof na matagal na tayo so kailangan nating magpicture at ipadevelope yun."

"Paano yung klase natin?"

"Itetext ko na lang yung dean natin. Tara na?" Aish, grabe naman itetext talaga yung dean? Aba astig yun!

Sasakay na sana ako sa kotse ng pinigilan niya ako. "Ano?" Tanong ko.

"Picture tayo dito." Ayun nagselfie kami sa phone niya. Sumakay na kami sa kotse niya, bago niya pa yun pinaandar ay hinawakan niya ang kamay ko at pinicturan niya ang kamay naming dalawa.

Pagkatapos ay, bumili siya bg maraming damit. Pati pangswimming, hiking, at mga formal dress. Ewan ko ba, at kailangan pa talagang gumastos ng ganito kamahal.

Pumunta kami sa isang Swimming Pool malapit lang rin dito, ofcourse nagselfie pagkatapos ng 30 minutes umalis rin kami at nagsuot naman kami ng panghiking. Ang layo pa ng binayahe namin, nagpic lang kami hindi kami gaano umakyat kasi bumaba rin kami agad. Next stop namin sa isang kainan, naka pants at color aqua t-shirt lang kami. Pumunta rin kami sa dati naming pinuntahan sa museum siyempre nagpalit ulit kami ng damit at naka couple shirt kami. Next stop sa Luneta Park, nakafloral dress ako at siya naka pants at v-neck na color white at yung lace nita ay color black.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon