Chapter 30

171 10 0
                                    

Mga sampung minuto na rin akong naghihintay dito sa waiting shed medyo madilim ba at hating gabi na rin.

Nahihiya pa nga ako baka naistorbo ko siya. Pero siya na lang talaga ang pwede kong makausap sa mga oras na ito.

May humintong itim na kotse sa harapan ko. Napalunok na lang ako sa kaba at hiya pero wala rin naman na akong magagawa.

Bumaba siya sa kotse, siya pala ang nagmaneho. Napadpad yung mata niya sa mata ko. Parang may kung ano sa mata niya na parang napapataas ang balahibo ko.

"Vivoree, ok ka lang? Halika na. Sa bahay ka na muna namin." Tinulungan niya akong magbuhat ng mga karga ko at nilagay sa kotse niya.

Pagkatapos ay sumakay na kami.

Pinaandar na niya ang kotse.

"Salamat po Tita Abby. Promise po, aayusin ko pa yung pagtatrabaho ko para kahit papaano ay mabayaran ko rin itong tulong niyo sa akin. Sorry na rin po sa abala." Sabi ko at tinignan niya ako pero agad rin niyang binalik ang tingin sa daan.

"Wala yun. Pahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag andun na tayo."

Inayos ko ang pagsandal ko at dahan-dahang pinikit ang mata ko.

------------------
Marco's POV
Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. May kung ano sa akin na nagtutulak na puntahan si Vivoree.

Tinawagan ko siya sa number niya pero walang sumasagot.

Aish! Asan na ba yun?

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at ilang segundo, umalis na muna ako.

Pagkadating ko sa bahay nila, nakasarado naman na at mukhang tulog na ang mga tao. Siguro, tulog na siya.

Pinaandar ko na ulit ang kotse ko at umalis.

Pagkauwi ko, parang hindi pa rin ako masaya. Hindi pa nga ako makatulog.

Nagwash at Nagbihis na ako ng pangtulog ko.

Tinawagan ko ulit ang number niya. Naka-ilang tawag na ako. Wala pa rin.

Ang lalim na siguro ng tulog niya.

Isang tawag na lang ulit. Last na ito.

Pagkalipas ng tatlong ring may sumagot.

Hello?

Teka, hindi ito ang boses ni Vivoree.

Sino ito?

Medyo pagalit kong tanong. Parang kinakabahan kasi ako.

Hello? Uhm, Marco its me Edward. Dont worry, she's already fine.

She's fine? Bakit?

What do you mean? Bakit kasama mo siya diba gabi na? Hoy! Iuwi mo na siya? Ano yan? Porket nililigawan mo na siya ganyan na? Gabing gabi mo na siya iuuwi? Tapos she's fine ka pang nalalaman. Iuwi mo na siya! Kapag ako ang naging boyfriend niya, inuwi ko na siya kanina pa! Asan ba kayo? Pupuntahan ko kayo! Isusumbong ko kayo sa tita niya.! Ilabas mo siya g*ago!

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon