Chapter 57

80 2 0
                                    

Marco's POV

Ang sakit sa tenga! Ang daming nagchecheer sa Philippines. Ang dami talagang mga Pinoy dito.

Every time na tumitingin si Vivoree sa akin, para akong statwa na hindi makagalaw. Finoform ko ang kamay ko ng heart at proud na pinapakita sa kanya.

"Wahooo! Galingan niyo!" Sigaw pa ni Yong na Ewan ko kung narinig nila Rio.

Seryoso lang na nanonood si Jake at Edward. Si Yong at James, cheer ng cheer, pero ako? Seryosong nakatingin lamang Kay Vivoree. Hehehe. Bakit ba?

Grabe ang hiyawan maslalo na nung nakapasok sila sa top five. Lalo na nung naging champion sila!

Uy! Galing yan ng Stanley University haa! Proud owner here!

Lumapit na kami sa kanila at nagpicture picture syempre, pati kami ni Vivoree. Ewan ko lang kung napikon si Edward sa ginawa ko, pero siya yung nakita kong available eh, paano ba naman, sila Yong at James, hawak hawak ang trophy at kinuha ang medal sa contestant, at sila ang nagsuot. Si Jake, ayun kausap si Rio.

Pagkatapos ng maraming pictures, bumalik na kami sa hotel.

Syempre, kasama ko parin si Vivoree.

Pumasok muna siya sa room at maliligo lang raw dahil magcecelebrate daw ng pagkapanalo nila. Buti nga kasama kami eh.

Magkakatabi kami ng kwarto ng Royals. At dahil ang katabi kong kwarto ay Kay Jake, sa kanya ako papasok.

Hindi na ako kumatok. Lalaki naman ako.

"What are you doing here lover boy?" Tanong niya habang naglalaro sa cellphone niya at nakasalpak pa ang headphone niya.

Tinanggal niya ang headphone at in-off ang cellphone at pinatong sa kama niya.

"Ah, I want to say Thank You. Busy kayo pero minadali niyo lahat ang trabaho niyo para samahan ako dito." Umupo ako sa sofa at tumingala sa kisame.

"welcome." Sabi niya at tinignan siya.

Ang tipid naman na magsalita nito oh-oh.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni James.

"May I come in?" Tanong ko sa kanya

"Baliw! Nasa loob ka na nga ng kwarto ko tapos may I come in ka pang nalalaman?" Sabi niya habang pinupunasan ang buhok niya kakaligo lang kasi.

Humiga ako sa kama niya at huminga ng malalim.

"Bawat araw ang lumilipas, lalo akong nahuhulog sa kanya." Sabi ko

"Alam ko. At dahil jan sa pagmamahal mo sa kanya, napamadali tuloy ang date namin ni Rachelle" sabi niya at binato ang twalya sa mukha ko.

Ano ba ito? Basang basa!

"Bakit mo binato sa akin itong twalya mo James Castillo?! Kita mo namang basang-basa eh" sabi ko at tinapon sa sofa ang twalya.

Pero tumawa lang siya.

"Eh paano kung si Vivoree ang gagawa nun sayo? Ayos lang?"

"Oo - ay hindi. Malamang hindi. Pagsasabihan ko siya. Teka nga, bakit si Rachelle? Hello? Pinsan siya ni Viv"
"Oh, eh ano kung pinsan niya? Seryoso naman ako Kay Rachelle ah" sabi niya at naglagay ng gel sa buhok.

"Psh. Siguraduhin mo lang. Sige na, punta ako sa kwarto ni Yong. Teka, sino ang nililigawan ni Yong?"

"Wala"

"Bakit wala?!"

"Malay ko dun! Maghanap ka nga para sa kanya!"

"Marami naman sa campus ang nagkakagusto sa kanya eh, bakit wala siyang mapili dun? Eh si Jake?"

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon