Chapter 26

159 11 1
                                    

Nakakapagod maging working student, kaya eto, medyo gabi na ako nakauwi.

Gutom na ako, binuksan ko yung kaldero namin, puros tutong lang ng kanin ang natira, pero sanay naman na ako. Parati naman ganito ang parte ko. Naghanap ako ng ulam tanging iisang maliit na tuyo lamang ang andun. Dahil sa gutom ko, kinain ko na lang yun.

Hinugasan ko na yung pinggan ko, pagkatapos, umupo ako sa sala at nagbuklat ng libro ko at nagbasa.

"Vivoree!" Sigaw ni Tita sa labas ng bahay  kaya napatayo ako at saktong pumasok siya sa bahay.

Nasa labas pa siya ng ganitong oras?

"Tita ano po yun?"

"May pera ka pa ba jan? Natalo ako sa sugal kanina at lahat ng napagutangan ko, sinisingil na ako. Kung hindi ako makakabayad, papaalisin tayo ngayon! Akin na yung pera mo!" Napatulala na lang ako sa mga sinabi niya. Sa sugal? Sinugal niya ang pera na kinuha niya sa akin kanina? Akala ko para kay Rachelle yun? At kung hindi makabayad ay papalayasin kami dito?

"Tita wala na po talaga akong pera. Nakuha na po niyo talaga. Pero tita, matanong lang, magkano ang utang niyo?"

"Five hundred thousand. " napanganga na lang ako. Ang laki naman! Kailan pa ba itong si tita nang-utang? At bakit ang laki? Magkano ang pera na nawawaldas niya araw-araw?

"Tita, ang laki po naman masyado ng utang mo. Saan tayo makakakuha ng pambayad?"

"Ma, anong problema?" Palabas si Rachelle galing sa kwarto nila ni ni tita mukhang nakatulog na siya.

Kinuwento ni tita ang nangyari, maski si Rachelle namomoblema kung paano namin mababayad yung utang na yun.

"Si Marco. Diba mayaman yun at kaibigan mo siya Vivoree, sa kanya ka manghiram muna. " sabi ni Rachelle at kinuha ang cellphone ko pero agad ko yun inagaw.

"Nakakahiya. " sabi ko sa kanila

"Anong nakakahiya? Lunukin mo nga muna yang pride mo Vivoree! Kailangan na nga natin ng pera eh, ang arte mo!" Sabi sa akin ni tita at uminom ng tubig.

Ewan ko kung bakit ako namomoblema jan sa utang na niya yan, pero kapag hindi siya makabayad, mapapalayas kami sa bahay at yun ang kinatatakutan ko.

Pumasok ako sa kwarto, at dinial ko agad ang number ni Marco after five rings, sinagot niya.

Marco? Si Vivoree ito. Nagising ba kita?

Actually, gising pa talaga ako. May problema ba?

Oo eh. May sasabihin sana ako

Ano yun?

Pupunta ako ngayon jan sa bahay niyo. Pwede ba?

Importante ba talaga yan? Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon, at gabi na, delikado na.

Jan na lang natin pag-usapan please?

Sige. Ipapasundo na lang kita sa driver namin.

Sige. Bye

*call ended*

Nagsuot na lang ako ng pants at pinalitan ko ng plain white t-shirt ang damit ko, at tinali ko ang buhok ko ng ponytale at nagsinyelas na lang ako.

Dumating na dij yung kotse nila Marco kaya pumasok na ako.

Pagkatapos ng mga ilang minuto, nakarating na rin ako sa bahay nila. Kinakabahan ako, pero lulunukin ko na lang ang pride ko. Nagdoorbell ako ng isang beses, at agad naman ito binuksan ng yaya nila.

"Miss, gabing gabi na po haa. Anong kailangan niyo?" Tanong nung yaya.

"Ako ang kailangan niya manang. Makakaalis ka na" sabi ni Marco at umalis na yung yaya nila.

Pinapasok niya ako sa bahay nila, at pumunta kami sa pool area nila.

"Anong kailangan mo?"

"Uutang sana ako sayo. Uhm.., five hundred thousand. Kailangan kasi bayarin ni tita yung utang niya ngayon, kung hindi niya mabayad yun papalayasin kami. Wag ka mag-alala, mag-aaply na lang ako bilang yaya mo, or ako ang tagagawa ng reports mo, or kung gusto mo, ibully mo ulit ako at ngayon, hindi ako magrereklamo. Magbabayad naman ako, pero paunti-unti lang." Sabi ko. Yumuko na lang ako dahil sa hiya. Nahihiya.

"Kumain ka na ba?"

"Konti. Pero ok na yun. Please na Marco, payagan mo naman ako" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Wag mong masyadong pagudin ang sarili mo, tignan mo, namumutla ka na, tapos lumalaki na yung eyebags mo, tapos pumapayat ka. Magpahinga ka naman Vivoree"

Namumutla na ba ako? Lumalaki na ba ang eyebags ko? Pumapayat na ba ako?

Hindi ko manlang napansin yun dahil sa pag-iisip ko kung paano ko mababalik ang pera na nakuha sa akin ni tita, na panghanap ko sana sa papa ko.

"Salamat sa concern Marco. Pero masyado kasi talaga akong busy."

"Papahiramin kita." Sa sobrang saya ko, agad ko siyang niyakap pero agad rin akong kumalas. "Narinig ko nga kay Erica na nagtatrabaho ka sa isang restaurant at food chain pagkatapos ng klase, gusto sana kitang puntahan, kaso ang daming works na pinaiwan sa akin ni mama dahil ang dami niyang trabaho ngayon at pupunta siya ng Columbia kahapon." Sabi niya

"Salamat Marco. Promise, makakabawi ako. Babayaran kita buwan-buwan. "

"Basta alagaan mo ang sarili mo, yun ang mahalaga. Ipapahatid na kita kay Mang Andres" sabi niya at umalis saglit, pagbalik niya, dala na niya ang cheque.

Nagpasalamat ako sa kanya. At pinahatid na nita rin ako sa driver niya. Pagkauwi ko, binigay ko agad kay tita yun, at para sigurado, sinamahan  ko siyang magbayad, pagkatapos ay umuwi na rin kami at nagpahinga.

.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon