Chapter 55

165 4 0
                                    

Marco's POV

Nasa sasakyan ako ni Edward, tahimik lang siya nang Naging ang phone niya.

Hello Jia? Ah, yeah. I'm on my way. OK. Bye. Ingat. Sleep well.

Pagkatapos nilang mag-usap nung Jia niya daw, tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sino siya?" Tanong ko

"Siya yung kapareho. Yung ipapakasal sa taong hindi niya mahal"

"Eh bakit nakangiti ka ngayon pagkatapos niyong mag-usap?!"

"Eh sa napapangiti nga ako ngayon. Ayusin mo na lang ang gulong nangyari kanina. Ok?"

Hinatid niya ako sa bahay. Sila James, umalis na sila kanina pa.

"Mom" sabi ko sa kanya nung makasalubong ko siya sa sala umiinom ng wine.

"What was that?!" Galit niyang tanong sa akin. Eh mas galit ako ngayon!

"No mom. What was that?!" Tanong ko ulit sa kanya.

Nilagay niya ang baso sa lamesa at tumingin sa akin.

"I did that because of you! And now, pinili mo Yung babaeng yun? My gosh, pinahiya mo ako kanina!"

"Sorry mom. But I don't get your point" sabi ko

"Ok, so pinipili mo yung babaeng yun sa akin?! Hindi lang naman ako ang napahiya kanina ah! Pati si Isabelle at ang pamilya niya!"

"Wala akong paki sa kanila. Basta, mahal ko si Vivoree at ipaglalaban ko siya!"

"Ipaglalaban mo ang gusto mo? Ano?! Gagaya ka sa walang kwenta mong kapatid na ipinaglaban ang gusto niya at iniwan kami?! Tignan mo siya! Masyadong mataas ang pride niya eh di yan, naghihirap siya ngayon sa Switzerland!"

"Bakit hindi na lang po kasi kayo maging masaya dahil masaya ako! Masaya dahil Kay Vivoree"

"Dahil hindi ka naman mahal nun! Mukha siyang pera! Pera ang habol nun say--"

"Mom!"

Umakyat na lang ako sa taas at binagsak ang pinto at dare-daretsyong humiga sa kama ko.

Nanliligaw pa lang ako sayo,
Hindi pa tayo,

Pero Grabe naman ang pagsubok natin. Pero hindi ako susuko. Ipaglalaban kita.

...........

Vivoree's POV

Cring...

Cring...

Cring...

Napabangon ako agad.

Haaahhhh... Good morning Pilipinassss..

Napatingin ako sa cellphone ko, Texan ko kaya si Marco?

To: Marco

Good morning

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Naligo na ako at inayos ko na ang sarili ko.

Pagkababa ko, nadatnan ko si papa na naglalagay ng pinggan sa lamesa.

"Good morning po"

"Good morning anak. Upo ka dito" sabi niya at pinaupo ako. "Pinaglutuan kita" sabi niya

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon