Chapter 52

139 6 0
                                    

Marco' s POV

Bwisit naman! Ano bang nangyayari? Oo, inaamin ko, ginawa ko talagang rebound si Vivoree, PERO minahal ko talaga siya. Mahal ko talaga siya higit kay Isabelle. Mahirap bang intindihin yun?

"Marco! Open the door!" Ayaw ko. Bahala ka na muna Jan mom. Wala ako sa mood buksan ang pinto. Nasa akin naman ang susi ng buong bahay.

Tss. Akala niyo maiisahan niyo ako?

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko. I hate it! Gusto ko talaga siyang kausapin pero what the?! Pati mga kaibigan ko, galit sa akin. Suntukin ba naman ang mukha ko?!

Hindi ako galit sa kanila. Naging close na sila kay Vivoree. At masakit sa part nila, dahil niloko ko si Vivoree pati na rin sila. Dahil halos magkasira-sira ang grupo namin dahil pinag-aagawan namin si Vivoree at talagang nagparaya si Edward para sa akin, tapos malaman nilang ginawa ko lang pala siyang rebound.

Pero seryoso ako, mahal ko naman na talaga siya ah..

"Marco!"

"Mom, I just want to sleep."

Pinikit ko na lang mga mata ko. Bukas, bukas sisiguraduhin kong maayos ko na ito.

.....

Vivoree's POV

Wala ako sa mood bumangon sa kama ko. Nahihiya pa ako sa pagwawalk out ko kagabi.

Psh. Ampon lang pala ako.

Naalala ko tuloy, nahanap ko na nga yung kwintas, nawala pa.

Mamayang 6 pm ako papasok. Kami pala ni Rio ang host. Buti na lang at may dress na akong magagamit.

Napatingin ako sa cellphone ko.

181 missed calls?!

From,, Marco!

Walang text pero puro missed calls. Naku! 11:57 na pala. Grabe na ang tirik ng araw. . Kaya pala gutom na ako.

Pero anong gagawin ko? Tawagan ko rin kaya siya? For what reason?

*knock*

*knock*

*knock*

"Pasok po." Sabi ko at niluwa nun si tita.

"Uhm, Vivoree, alam kong nagtatampo ka pa ngayon pero gusto ko sanang sabihin na may kausap si papa mo ngayon. "

Napangisi na lang ako. Papa mo

"Sino po?"

"Si Marco"

"Hah?"

Nagmumog na muna ako at tinali na para bang lola ang buhok ko at tumakbo sa sala. At nakita ko silang nagtatawanan. Psh.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Anak, dito ako pinatulog ni--"

"Hindi po ikaw." Sabi ko na lang.

Ok, galit pa rin  ako. Paano ba naman, nakakita ako ng Tanong manggagamit. Tsk.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon