Chapter 40

131 7 0
                                    

"Edward, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko kay Edward at binigyan siya ng sandwich na ginawa ko kanina.

"Ako rin. May sasabihin rin ako sayo." Masaya niyang sabi sa akin.

Ang laki ng ngiti niya. Paano ko ito sasabihin sa kanya?

Ang lakas ng hangin dito sa rooftop. Nilipad ng hangin ang ilang buhok ko sa mukha ko kaya hinawi ko ito.

"Uhm, ganito kasi yun--" hindi na naman niya ako pinatapos inunahan na niya ako.

"May party sa bahay. And, ininvite ka ni mama. Ipapakilala ka niya sa mga tao." Parang nalaglag na lang yung panga ko. Paano ito?

"Hindi naman tayo. At bakit pa kailangan na ipakilala sa tao?"

Yumuko siya. Ayaw kong saktan yung damdamin niya pero dahil ito yung tama.

"Sorry. Sige kakausapin ko sila Mama na hindi ka makakapunta, sabihin ko na lang na masama ang pakiramdam mo." Ngumiti siya sa akin , hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako. "Ok lang sa akin. Basta tatawagan na lang kita. Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Kumalas ako sa yakap niya. Tinignan ko siya sa mata.

"Uhm, wala. Babalik na ako sa baba. Mauna na ako." Sabi ko at um-oo na lang siya.

Sumunod siya sa akin at hinatid niya ako sa hallway dahil kakaliwa siya ako naman kakanan. 

"Bye. I'll call you later." Sabi niya at kumaway siya sa akin. Kumaway na lang ako at nagsimula ng maglakad.

Napatigil ako sa paglalakad ng nakasalubong ko si Marco. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Hangga't sa nilagpasan niya lang ako.

"Marco!" Tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad, pero hindi niya ako tinignan.

"Why?" Seryoso niyang tanong sa akin. Galit ba siya?

"May nagawa ba ako? Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko sa kanya. Kahit na nakatalikod siya sa akin ang gwapo niya pa rin.

"Bakit? Close ba tayo?" Nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit? Akala ko friends na kami?

"Bakit hindi ba tayo magkaibigan?" Seryoso ko rin sabi.

"Tss. Assuming. " sabi niya at nag-umpisa na siyang maglakad papalayo sa akin.

Tumalikod na lang rin ako at nag-umpisang maglakad. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang sakit.

"Eto oh." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Jake at inabot sa akin ang isang panyo. Hindi naman ako naiiyak pero tinanggap ko na lang yun.

Naglakad na lang rin ako, sumusunod lang si Jake sa akin at hindi siya umiimik.

Huminto ako sa isang upuan at umupo. Yinuko ko ang ulo ko iniisip mabuti kung may nagawa ba ako. Wala naman ah..

"Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit siya cold ngayon. Basta alam ko lang na buhat nung nalaman namin na kayo na pala, naging ganun na siya." Tumawa siya ng kunti at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka tumatawa?" Naging seryoso ulit ang mukha niya at kinuha ang phone niya.

"Alis na ako. Ingat ka. Hayaan mo, hindi ka matitiis nun. May lakad pa ako. " kumaway na lang siya sa akin at ganun rin ako.

Tumayo na ako at pumunta sa cafeteria. Ilang minutes pa bago ang next class ko. Sila Tiffany, busy sa practice.

Pagpasok ko sa cafeteria, ang daming tao. Nag-order ako ng ilang pangmaryenda then naghanap na rin ako ng upuan. Inikot ko ang ulo ko, isa na lang dun pa sa parteng dulo. Naglakad ako papunta dun, kaso biglang may umupong lalaki. Aissh.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon