Chapter 56

93 1 0
                                    

Vivoree's POV

"Vivoree, gising na. May pasok ka pa."

Nararamdaman ko ang pag-alog sa akin ni tita. Pero, inaantok pa rin ako.

"Vivoree, kinausap ako ni Rio, hindi ka nagpractice kahapon?"

Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Please, ayaw ko pang idilat ang mga mata ko. I want to sleep!

Pero dahil nakakahiya naman sa pinaggagawa ko, bumangon ako habang nakapikit ang mga mata ko. Eh kung ganito na lang ako pumasok sa school? Nakapikit ang mga mata, Baka saling hindi ko siya makita pagganun.

Ang galing rin ni Rio, nagsumbong talaga. Pero sabagay, kasi sila tita na ang gagastos sa lahat ng kailangan ko sa practice at pagpunta ko sa US, swerte ko noh?

Dinilat ko na kang mga mata ko. Mukha akong baliw.

"Uhm, tita hindi ko po kasi kayang magpractice kahapon. Nakatulog nga po ako sa rooftop." Paliwanag ko.

"Wag mo na uulitin yun ha. At teka, bakit ka nga pala naglasing kagabi ha? Buti na lang andun si Jake at si Edward" sabi niya.

Wait, Edward? Wala akong naalalang kasama ko si Edward kagabi? Si Jake lang. Dahil sa Royals, si Jake ang matino sa kanila lahat. Eh kung yayain ko naman si Erica or si Claire, hindi sila papayagan ng nga magulang nila lalo na't gabi.

"Sorry po tita. Hindi ko na po uulitin."

Niyakap na lang niya ako. Maalala nga, si papa

"Tita, si papa? Makikita ko na ba siya?"

"Mamaya pag-uwi mo sa school. Basta, keep your promise that you will practice ok? Good luck."

........

Nasa school ako ngayon. Ang sakit nga ng ulo ko. Pero kailangan kong magpractice. Malapit na ang contest, kailangan magawa namin ito ng maganda at maayos.

Napaupo ako sa bleachers. 15 minutes break.

At maniwala kayo sa hindi, hindi ko pa rin nakikita si Marco, kahit sinabi sa akin ni Rio na pumasok naman na siya.

Buti nga hindi pa kami nagkikita, why? Kasi hindi pa ako handa.

I am not yet ready to face him and his sweet lies.

Masyado akong pagod sa kakapractice then , ang sakit ng ulo ko. Aish, isama mo pa yung pinagdadaanan ko dahil sa manggagamit na lalaking yun?! Psh..

NakakaSTRESS!

Biglang nag-ingay ang gym, siyempre, dumating ang Royals, pero wala siya. Tss. Kasami nila si Erica at Claire.

Bumaba ako sa bleachers. May problema ba?

Napatingin ako sa kanila. Tumabi rin si Rio sa amin. 

"Alam na namin. LAHAT" sabi ni Erica. Anong lahat?

Naguguluhan ako!

"Ano? Teka, naguguluhan ako."

Ang sakit ng nga ng ulo ko, dinagdagan pa nila. Pero kahit ganito sila, mahal ko pa rin ang mga ito.  Baliw lang kasi talaga sila minsan.

Hindi ko nga inaasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigan sa school. Kasi kung titignan mo, is a lamang akong dehamak na ordinaryong babae. Kung titignan mo sila Claire at Erica, may kaya rin sila sa buhay.

"Pagkatapos ko siyang tulungan at kampihan noon?! Gaganunin ka na lang? Kung alam ko lang na ginawa ka niyang rebound eh di sana hindi ako sumuporta sa kaya. Kay Edward na lang sana!" Sabi niya at niyakap si Edward.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon