Chapter 27

200 14 3
                                    

"Edward?"

"Hindi! Marco yan!

"Edward!"

"Marco!"

Minsan gusto ko na rin pag-untugin itong apat na ito. Nag-aaway pa sila dahil lang kay Edward at Marco.

Si Liezel at Tiffany kay Edward

At si Erica at Claire kay Marco.

Pero kung ako tatanungin? Kung sino ang matimbang sa puso ko? Hindi ko pa alam.

"Guys, punta na ako sa last class ko." Sabi ko sa kanila at nagpaalam.

Nagkwentuhan kasi kami rooftop since vacant naman namin kanina. Si Liezel, bumisita kaya sinulit na rin namin.

Sakto, classmate ko ang Royals dito. Kakausalin ko rin si Marco tungkol sa utang ko.

Medyo maraming tao dito sa hallway, pero dito ko na pinili dumaan kasi ito na yung malapit na daan patungo sa destinasyon ko.

Napahinto na lang ako sa kakalakad ko dahil may isang lalaki na humarang sa daan ko. Gwapo rin pero hindi ko type.

"Hi. I'm Vince"

Ngiti na lang ang pinangsukli ko at lumakad ulit pero humarang ulit siya

"Vivoree, crush kita. Matagal na. Promise."  Tapos tinaas niya pa yung isang kamay niya sign na nagpapromise siya.

"Ganun ba, sige , alis na ako. Malalate na ako sa klase ko"

Humarang siya ulit.

"Knock Knock" sabi niya. Tss.

"Whose there?" Tanong ko

"Vince"

"Vince who?"

"Sana Vivoree, maconVINCE kita na bigyan mo ako ng chance na magkakilala pa tayo ." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ang corny.

"Hehehe. Uhm, sige nice meeting you na lang" sabi ko.

Naglakad ulit ako pero ngayon, hinawakan na niya ang braso ko.

"Please Vivoree, magdate tayo. Kahit ngayon lang. Please" sabi niya

"Date? Sa girlfriend ko? Tss. Baka gusto mong paalisin kita sa eskwela ko? Hah?!" Matapang na sabi ng lalaki sa tabi ko.

"Sorry, sir Marco" sabi nung lalaki at agad tumakbo papalayo sa amin.

Naawa tuloy ako. Baliw rin kasi itong Marco na ito eh.

"Anong girlfriend mo? Ako? Nahihibang ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya

Siguro kung wala lang akong utang ma loob sa mokong na ito, nasapak ko na eh.

"Sabay na nga tayo. Late na tayo ng five minutes" ginulo niya ang buhok ko at hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay hinatak na niya ako.

Naku, ito pa naman yung terror naming professor.

Kapag late ka sa klase niya, hindi ka niya papasukin sa klase at pahihiyain niya pa.

Sa sobrang bilis ng paglalakad namin, hindi ko na namalayan ay ito na pala yung room namin. Dare-daretsyo lang kami sa pagpasok sa loob. Nakita ko sila Jake, James at Yong kaya kinawayan ko lang sila, nakita ko rin si Edward sa medyo kalayuan may binabasa sa libro. Umupo kami ni Marco sa likod at sa mukha ng professor, mukhang galit siya sa amin pero wala siyang magagawa, kapag kinalaban niya itong katabi ko, mawawalan siya ng trabaho.

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na rin ang klase namin. Lumapit sa amin si Jake, Yong, James at Edward.

"Marco, saan kayo galing kanina? Late na kayo. Buti hindi na naman nagwala yung professor natin na yun" wika ni Yong

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon