Chapter 76

22 0 0
                                    

Pagkapasok niya ay agad niya akong nakita pero hindi siya masaya na nakita niya ako para pa siyang naiirita. Lalapitan ko ba? Ngayon rin ba ang flight niya?

Isang backpack lang ang dala niya at nakajacket siya na itim na nakasulat ay Fila at maong at nakaputing rubber shoes. Simple pero ang hot ng dating niya. Tumigil siya paglalakad pero agad din pinagpatuloy at umupo sa upuan malayo sa amin ni Jake.

Dahan-dahan akong umupo sa aking kinauupuan at unti-unting bumibigat ang nararamdaman ko at maya-maya ay may pumatak na luha na sa aking pisngi. Gusto ko siyang lapitan pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Dapat ako ang magalit sa kaniya pero siya itong galit rin sa akin. Gusto ko lang naman ay yung gumawa siya ng paraan para magwork ang relasyong ito pero wala. Kulang pa ba yung effort ko?

Hindi umimik si Jake sa tabi ko dahil nakita niya rin si Marco. Nanatili akong nakayuko dahil nahihiya akong may makakita sa akin na ibang tao na umiiyak kaya pinipigilan ko ang paghikbi. Pero di nagtagal ay may kumalabit sa akin at inabutan ako ng panyo na kulay aqua at may stripes na white. Inaasahan ko ay si Marco, alam niyang aqua ang favorite ko eh pero pag-angat ko ng ulo ay si Samuel pala.

"Kay gandang dalaga, umiiyak." Niloloko pa ako. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang panyo kaya sumilip muna ako kay Marco na seryosong nakatingin ngayon sa kinaroroonan namin. Nagkatitigan kami pero maslalong galit at pait ang nakikita ko sa kaniya kaya binalik ko ang tingin kay Samuel at nagulat na lang ako dahil siya na mismo ang nagpunas sa akin ng panyo sa aking mukha.

"Cr lang muna ako" biglang singit ni Jake at hindi na lumingon pa sa amin at dare-daretsyong umalis.

"I saw him. Kayo pa ba?" paninimula ni Samuel. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil kahit ako mismo ay nalilito na.

"Kami pa rin. Bakit? May angal ka?"

And once again, I heard a voice of a Jerk on my back. Kaya napalingon ako at andun pala siya, matikas na nakatayo.

"Wala naman. Buti kung ganun. Sana hindi mo kasi lokohin ang--"

"Will you shut up!"

"Meron ka na nga Andrea tapos meron ka pang Isab--"

"Shut up! Or else I will punch your mouth very hard that you will not able to talk again!" Galit na sabi ni Marco pero biglang nagbago ang reaksyon niya. "Sinong Andrea? Wala akong kilalang Andrea. Lumayo ka na lang sa amin!"

Tumawa ng malakas si Samuel at nakakahiya dahil pinagtitignan na kami ng mga tao dito! Hindi pa pala alam ni Marco na ako si Andrea ang anak nila Tita Abby!

"Hindi pa pala alam ng boyfriend mo?" Natatawang sinabi ni Samuel kaya maslalong napipikon si Marco kaya pinigilan ko na lang sila.

"Sige na Samuel. Umupo ka na muna, ako na ang bahala dito." Buti naman at nakinig kaya ayun, umupo limang upuan ang layo sa amin. Now, I have to deal with this one.

"Anong sinabi niya na hindi ko alam?"

Pero hanggang ngayon ay kumukulo pa rin talaga ang galit ko. Kapag nakikita ko siya ay nasasaktan ako pero inaamin ko na naiinis ako kapag nakikita ko siya dahil nakikita ko sa kaniya ang kalokohan niya at ni Elle. Nakikita ko sa kaniya ang pagiging masaya nito kapag siya ang kasama.

"We'll talk when we are in Manila. " cold kong sabi pero halos mabibiyak na kaya umupo na lamang ako at nakita ko si Jake na palabas na ng cr nang nakita niya kung sino ang nasa likod ko ay naging blanko muli ang expression niya.

Naglakad sa harap ko si Marco at tumabi sa akin doon siya sa inuupuan ni Jake kanina. "I'm sorry sweetheart"

Natigilan ako sa binulong niya sa akin na nagpatayo ng balahibo ko. Hindi ko siya nilingon dahil kung lilingunin ko siya ay baka magkahalikan pa kami dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nararamdaman ko pa ang paghinga niya malapit sa tenga ko.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon