Chapter 59

77 1 0
                                    

Vivoree's POV

Pagkagising ko, naligo agad ako, nagtoothbrush, nagbihis, nag-almusal, nagwalis ng bahay at at nagdilig rin ng halaman.

Siyempre, nakakahiya naman kung padonya-donyaako dito. Pinatira na nga ako diba?

"Naku, Baka pagalitan ako niyan kay Mam Abby." Sabi ng isang yaya dahil kinuha ko yung host tapos ako yung nagdilig.

"Ah. Hindi po. Ginusto ko naman po. At kapag nakauwi na po sila pasabi pong, hindi ako papasok ngayon. Nasa hospital ako manang ha?"

"Sige."

Pagkatapos ay, nagbihis na ako ng pang-alis pagkatapos ay pumunta na ng hospital. Nakakahiya naman kay Gielyn, Rachelle at tita Rita na sila ang nagbabantay.

Habang nasa jeep, tinexan ko si Marco.

To: Mokong
Good morning! Hindi ako ngayon papasok. Kailangan ako ni papa ngayon. Ingat sa school =)

Tinago ko na ang phone ko at bumaba na sa jeep. Pumasok na ako sa hospital at maya-maya andun na ako sa room niya. Gising naman na siya.

"Hi pa!" Sabi ko at hinawakan ang ulo niya.

Nanghihina na siya.

"Musta ka na anak? Panalo ba?" Mahinang tanong niya sa akin.

"Opo. Champion po."  Tapos ngumiti siya sa akin.

Binaling ko ang tingin kanila tita, Rachelle at Gielyn. Nagmano muna ako Kay tita.

"Uhm, hindi po ako ngayon papasok. Uwi na muna po kayo para makapagpahinga. Ako na muna dito." Sabi ko

"Hindi OK lang" Sabi ni Gielyn

"Hindi. Ako na muna. Pumasok na muna kayong dalawa. At tita, magpahinga ka na muna. Ako na muna dito"

"Sige, babalik ako dito mamaya." Sabi ni tita at tinap ang shoulder ko at lumapit Kay papa.

Umalis na silang tatlo. Pinakain ko si papa ng lugaw.

"Anak matanong nga lang, yung Marco ba na yun ay boyfriend mo?" Mahina pero parang nanunuksong tanong ni papa

Naku, bakit ito pa ang topic?

" ah pa. Hindi po"

" pero mahal mo?"

Ano ba yan? Wala Yung tao dito.

"Papa --" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may bumukas ng pinto. Si MARCO!

"May I come in?" Tanong niya

"Ah... Sure" sabi ko. May dala pa siyang prutas. Ang sweet niya.

Kasi hindi pala sa akin, para pala Kay papa. Psshh.

"Prutas po tito George."

"Salamat."

Seryoso ko lang siya tinitignan. At bakit hindi pumasok itong lokong ito?!

"Welcome po"

"Sige, matulog muna ako. Kwentuhan muna kayo ng anak ko" masayang sabi ni papa.

Natulog na muna siya kaya inayos ko ang unan at kumot niya. Pagkaupo ko sa sofa na katabi ni Marco, nakita ko siyang nakangiti at may binabasa sa cellphone niya.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon